Epilogue

234 21 3
                                    

Epilogue

I thought we can reach the happily ever after part of our lovestory.

I thought our hearts will last forever..

I thought my last promise will come true...

I thought we'll have a happy and healthy family...

Ngayong wala na si Kath, hindi ko na alam kung paano na ako mabubuhay pa.
Yung mga araw na sinayang ko na sana ay kapiling siya. Yung mga araw na kailangan ko siyang bantayan pero wala ako sa tabi niya. Yung mga panahon na kailangan ko siyang pasayahin..

Wala na pala akong pag asang mabago ang lahat. Wala na akong pag asang mag karon ng happily ever after.

Sa hindi ko inaasahang pag kakataon ay maiinlove ako sa taong tulad niya. Si Kathryn Althea Sanchez, na bumago ng buhay ko. Na bumago ng pagtanaw ko sa pag ibig at sa buhay ko.

"Beb" ang salitang minsan ko lang na tawag sa kanya na ngayon ay hinding hindi ko na kailanman masasabi pa sa harap niya. Ang salitang nakapag pabago ng mood ko.

Ang sunset sa Cavite. Kung saan natuklasan namin kung gaano kaganda ang paligid. Kung gaano kaganda ang buhay lalo na't magkasama kaming dalawa. Ang minsa'y binabalikbalikan namin, pero hindi na rin kailanman mababalikan. Ako na lang mag isa. At hindi pwede ang lahat ng yon kasi kulang. Kulang ng kabiyak ang puso ko.

Ang school namin na kung saan nag simula ang lahat. Nag simulang umasa sa akin si Kath na dumating na sa puntong susuko na siya. Ang school na kung saan ko natuklasan kung gaano siya kasipag mag aral at kung gaano siya kaganda. Ang school na kung saan sinaktan ko siya ng unang beses.

Ang Cebu na kung saan ko siya mas nakapiling ng matagal, kung saan ko siya pinasaya. Ang Cebu na kung saan hinding hinding hindi ko makakalimutan dahil alam kong nakatatak na sa puso ni Kath ang Cebu. Pero lahat ng yon, memories na lang.

Napaka raming alala ang naiwan ni Kath. Lalo na sa akin. Nakakabilib lang kasi ilang beses na siyang lumaban para sa pag ibig niya sa akin. Ako naman, nag bulag bulagan na hindi na niya ako mahal. Na iba na ang mahal niya. Na kinalimutan na niya ako. 

Ibang klaseng puso ang mayroon si Kath. Yung tipong sakal na sakal na ito, yung tipong gustong gusto na siyang umayaw pero pilit paring nakikipag sapalaran para sa pagmamahal niya. Gusto kong maging katulad niya. Gusto kong maging ganon ka tatag para harapin ang takbo ng buhay.

Nagpunta ako sa kwarto ni Kath para tingnan ang mga gamit niya at para na rin masilayan ko kung ano ang nilalaman ng kwarto niya bukod sa mga damit niya.

I saw a scrapbook na may nakalagay sa cover na Stupid Crush. At may nakalagay na isang picture din namin na kinuha namin sa Cavite.

Stupid Crush

First day of high school, nakilala ko si Luke Kenneth Hernandez. Unang kita ko pa lang sa lalaking to, tamang tama na ang hinala ko na maiinlove ako sa kanya.

Siya yung crush ko na ubod ng gwapo at ubod ng galing kumanta.

February 14, ang pinaka masakit na araw na nangyari sa akin. Isinama ba naman ako ni Luke para haranahin niya si Coleen? Hindi niya kasi alam na gusto ko rin siya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo kasi natatakot ako sa magiging sagot niya.

Ito ang araw na sinabi niya sa akin na kailangan niya ako. Nagulat ako sa sinabi niya. Nag dalawang isip ako kung bakit siya biglang naging ganito?

Nang nalaman kong kaya pala niya sinabi yon sakin ay nag ka problema silang dalawa ni Coleen. Inisip ko sa una na rebound lang ako kaya hindi ko siya pinagbigyan.

Pero pag karaan ng mga ilang araw ay natutunan na niya akong mahalin at natutunan ko na rin siyang mahalin pa ng lubos. Napaka saya ko kasi hindi ko aakalain na maiinlove sa akin ang crush ko.

September 14. Ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. Ang araw na naganap ang lahat ng pinaka aasam asam ko. Official na na nasa akin na si Luke. Wala ng mas sasaya pa sa araw na to. Pinaka magandang blessing ito na natanggap ko. Kaya sigurado akong aalagaan ko siya habang buhay.

Iyon ang ilan sa mga nakasulat sa kanyang scrapbook. Hindi na niya nasulatan ang mga sunod pang amga pahina pero pinuno niya ito ng mga larawan namin.

Pinipigilan kong lumuha habang pinag mamasdan ang ma litarato namin na kinuha niya.

Nabasa ko sa huling pahina ng scrapbook niya ang message niya para sa akin.

Sabi ng doktor, sa totoo ay pwede akong mamatay dahil ng sakit kong to. Pwede akong mahiwalay sa piling ni Luke. Matagal ko na itong nilihim kay Luke dahil ayokong malungkot siya.

Kung dumating man ang araw na iyon, ito ang nais kong sabihin sa kanya.

Beb! Kahit na wala na ako sa tabi mo, alalahanin mong nandito lang ako sa puso mo. At nasa puso rin kita. Wag ka ng malungkot. Binabantayan naman kita. Alagaan mo ang sarili mo ha!? Wag mag papabaya. Kumain ka ng mabuti. At tsaka alagaan mo na rin ang barkada. Wag ka ng malungkot beb ha? Hindu ko rin naman ginusto na mawala ako. Hindi ko rin alam na mangyayari to sakin. Pero sorry, sigurado may plano ang Diyos kung bakit ka pinaubaya sa akin. Siguro dahil kaya ganito lang ka ikli ang buhay ko ay dahil may dadating na taong mag papa realize sa akin na kailangan kong matuklasan kung gaano kaganda ang buhay kahit sa konting panahon na ibinigay sa akin ng Diyos. At ikaw yun. Binago mo ang lahat sa akin Luke. Binago mo ang buhay ko. Akala ko ay magiging boring ang takbo ng buhay ko dahil walang katulad mo ang pwedeng magmahal sa akin. Pero nagkamali ako, mas swerte ako na may nag alaga ng puso ko. Alam kong fragile to, kahit na ikaw mismo ang nagpapahina nito, ay ikaw rin ang nagpapalakas nito. Salamat ha?

Hinding hindi matatapos ang pasasalamat ko sayo Luke. Ilang beses kong sasabihin sayo na wag kang maging malungkot kasi hindi bagay sayo. Basta lagi mong tandaan na mahal na mahal pa rin kita kahit wala na ako diyan sa tabi mo. Lagi mo tong basahin para mas sumaya ka.

MAHAL NA MAHAL KITA LUKE KENNETH HERNANDEZ. SOBRANG MAHAL...

Hanggang sa muli beb.. Wag mo muna akong ipagpapalit ha? Mapepektusan kita. Basta siguraduhin mo na ang ipapalit mo sa akin ay yung siguradong aalagaan ka hanggang sa tumanda ka. At yung lagi kang susuyuin kapag nagtatampo ka.

I'll wait for you in heaven my love. Till we meet again.

I love you forever...

-----------

Sana po ay nagustuhan niyo yung story ko huhu. Salamat sa votes! I need your comments po :) Salamat ng madami! Lalo na kay Lord! Without you, wala akong kakayahan na masulat to.

Basta thank you sa inyong lahat. Worth it talaga lahat. Thank you! Help me to get more reads and votes :( Thank you!!

TO GOD BE ALL THE GLORY!

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon