Chapter 48
Damn Love
Sa gitna ng pagyayakapan naming lahat ay tinanong ko sa kanila kung nasaan si Luke.
Kuya Joseph nasaan si Luke? Tanong ko sa kanya.
Dinala niya ako sa isang tabi at sinabi niya sa akin kung nasaan si Luke. Kath, sorry to say this pero nung matanaw ka namin na papalapit na dito ay biglang umalis sa tabi namin si Luke dahil nakita ka niyang kasama yung lalaki na kasama mo. Nag selos siguro. Kailangan mo na siyang kausapin at hindi ko rin kasi alam kung bakit nagkakaganyun yun eh. Paliwanag sa akin ni Kuya Joseph.
Niyaya ko na silang lahat para umuwi. Nagkwentuhan, nag tawanan, at nag ka tanungan kaming lahat. Hiwalay si Daddy sa amin at si Tito Rene ang kumain sa kanya ang kanyang matalik na kaibigan.
Hi bro! Ako nga pala si Kurt, kaibigan lahat kami ni Kath. Eto naman si Cindy at si Joseph. Pagpapakilala ni Kurt kay Alex.
He-llo. I'm A-lex. Friend ni Kath. Utal utal na sabi ni Alex.
Wag ka na mahiya sa amin. Welcome ka na dito. You can call us bro. Sabi ni Kurt kay Alex at agad naman silang naging close.
Bigla akong kinabahan. Ano na naman kayang problema ni Luke. Galit na naman siguro sakin yun. Kung kailan naman ako ready na makipag usap tsaka naman siya nagalit at tsaka bakit ba siya mag seselos.
Kuya Joseph, deretso tayo kina Luke. Pwede? Sabi ko sa kanya.
Okay. Pero iiwan ka na namin doon ha para naman makapag usap kayong dalawa. Uhm, Alex. Sama ka na sa amin ha. Sabi ni Kuya Joseph at agad namang umoo si Alex.
Girl! Ang ganda mo ngayon. Anong sikreto? Tapos sumexy ka pa! Mas lalo ng maiinlove sayo si Luke. Sabi sa akin ni Cindy.
Mambobola ka talaga. Galit nga yun sa akin eh. Sabi ko sa kanya.
Pag nakita ka nun, huhupaw ang galit nun best. Ang ganda ganda mo kaya. Try mong tumingin sa salamin. At tsaka wag ka nga masyadong mg paka stress okay? Tsss. Sayang ganda mo. Sabi niya sa akin habang pinaglalaruan ang buhok ko.
Salamat na lang best. Pagpapasalamat ko sa kanya.
Oh kath, nandito na tayo. Andun si Luke sa loob ng bahay nila. Nag iinom. Puntahan mo na agad. Sabi sa akin ni Kuya Joseph.
Kuya, baka kung anong sabihin niya sa akin. Natatakot ako eh. Sabi ko sa kanya.
Kath, wag ka magalala. Andito lang naman ako eh. Sabi sa akin ni Alex at nakita ko sa mga mata nila na nag tinginan lahat sila sa akin.
Naks! Haba ng hair ni ate! Sige gora na! Puntahan mo na si Luke! Sabi sa akin ni Cindy at agad naman akong bumaba ng van.
Huminga ako ng malalim at nag simulang maglakad papunta sa kanya. Nakita niya ako nang makarating ako sa may pinto.
Beb? Mahinahon kong sinabi sa kanya.
Hindi niya ako pinapansin. Patuloy siya sa pag inom ng alak. Nagbago ang lahat sa kanya. Ang itsura niya. Ang aura niya. Nawala lahat ng sigla nang nahiwalay ako sa kanya.
Kausapin mo naman ako oh? Lumapit ako sa kanya pero umiwas naman siya sa akin.
Hindi pa rin niya ako sinasagot. Nag simula na akong lumuha dahil hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Gusto kong maintindihan niya ang part ko at ayokong ganito lang kami. Walang imikan, walang kibuan. Gusto kong makausap siya ng matino.
BINABASA MO ANG
Stupid Crush (COMPLETED)
Teen FictionHow can i find you bewitching and me being ignored like a white crayon. how can my happiness defined as your happiness despite of being one of your girls? why cant i just remove you out of my system? Stupid Crush. Why is called "STUPID CRUSH"? Beca...