May dinagdag po ako sa Chap 46. Na delete po ata yung ibang words :( sorry... Pagkatapos po ng chap na ito ay epilogue na :) thank you sa support!!!
Chapter 50
Happily Ever After?
"I still love you Kath" Sabi sa akin ni Luke sa harap ko habang dala dala ang isang pirasong sunflower.
Hindi ko na napigilan ang pag iyak at dali dali ko siyang niyakap. Ibang klaseng saya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang pagmamahal niya na lagi kong inaasam asam. Salamat sa Diyos dahil kahit sa kabila ng mga problemang dinadala ko ay may pilit na dumadating para bantayan ako.
Ang tagal kitang hinintay Luke. Sana mapatawad mo na ako. Sorry na. Sabi ko sa kanya habang niyayakap ko siya.
Ano ka ba? Ako yung may kasalanan dito. Wag ka ng umiyak. Sabi niya sa akin at kumuha siya ng panyo niya para ipunas sa mga luha ko.
Nandito ako kasi hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Hindi ko kayang nagkakaganyan ka. Sorry sa lahat Kath. I love you beb. Sobra sobra kitang mahal. Sorry. Sabi niya sa akin.
Hindi na ako nakapag salita at hinalikan ko siya. Ang napaka tagal kong namiss. Ang halikan siya. Hindi ko na maramdaman ang lungkot habang hinahalikan ko siya. Parang feeling ko ay protektado na ako sa lahat ng nangyayari sa paligid. Nasa kamay na ulit ako ng mahal ko at hindi na kailanman ako mawawalay pa sa kanya.
I know you missed that. Sabi sa akin ni Luke.
Obvious naman eh. Sabi ko sa kanya.
Oo nga eh, you're such a good kisser pala. Isa pa naman beb oh. Pang aasar sa akin ni Luke kaya naman pinag bigyan ko siya. Matagal ko na siyang hindi napapagbigyan. Gusto ko namang maramdaman niya ang pagmamahal ko sa kanya.
Hinila niya ako ng mas malapit pa sa kanya. Hinakawan niya ng dalawa niyang kamay ang baywang ko and he keeps on kissing my lips.
I love you beb. Sabi ko sa kanya.
Hinding hindi na kita papakawalan pa. Nawalay ka man sakin ng ilang beses, hindi na madadagdagan pa ang lahat ng yon. I love you. Sabi niya sa akin at niyakap niya ako ng napaka higpit.
Pumunta kami kung saan nandoon si Daddy. Pagkapasok namin ay nakita naming napaka raming nurses ang nasa loob. Pinilit kong sumingit para tingnan si Daddy kung ano na ang nangyayari sa kanya pero bigla akong pinigilan ni Tito Rene.
Anak, hindi na talaga kaya ng Daddy mo. Sabi sa akin ni Tito Rene.
Hinding hindi maubos ang luha galing sa mga mata ko. Wala na si Daddy. Wala na siya.
Anak, eto yung video ko na kaka kuha ko lang sa kanya. Sabi niya na ito na lang ang tangi niyang alala para sa inyong mag kapatid.
Hinanda ko ang sarili ko para mapanood ang video. Pumunta ako sa labas para panuodin yoon at sinamahan ako ni Luke.
"Anak...sana maging masaya ka...kahit na...wala ako...sa tabi niyo...ni kuya gerard niyo... ingatan mo ang puso mo...gaya ng sinabi...ng...mama mo bago sa mawala...wag ka ng umiyak kathryn ko...masaya na ang daddy mo...makakapiling ko na ang mommy mo dito....wag ka ng umiyak...mahal na mahal kita....sobra anak....para naman to sayo gerard... alagaan mo ang girlfriend mo ha...sana ay maging masaya ka sa kanya...hindi ako mawawala sa tabi niyo...excited na ako sa magiging apo ko....proud na proud ako sainyo ni kathryn...dahil nakapag tapos na kayo ng pag aaral niyo...mahal na mahal kita gerard... mahal na mahal ko kayo.....
Natapos ang video ay nakatulala pa rin ako sa napanuod ko.. Pilit na inaaalala ang mga nangyari sa amin kasama si Daddy.
Nasabi niya sa video na masaya na siya dahil magkikita na sila ni Mommy sa heaven at mas naging masaya naman ako.
BINABASA MO ANG
Stupid Crush (COMPLETED)
Teen FictionHow can i find you bewitching and me being ignored like a white crayon. how can my happiness defined as your happiness despite of being one of your girls? why cant i just remove you out of my system? Stupid Crush. Why is called "STUPID CRUSH"? Beca...