Chapter 47- "Umasa ka na naman"

134 9 0
                                    

Chapter 47

"Umasa ka na naman"

Kath's POV

Naging masaya ang araw na to nang dahil kay Alex. Pinagaan niya ang loob ko para makalimutan ang mga nangyayari sakin. Nakakatuwa lang talaga isipin na yung akala mong taong maglalagay sayo sa kapahamakan ay yung tao palang tutulong sayo at hihilain ka ulit pataas para abutin ang mga bagay na minsa'y nagpaalala sayo na dapat ka laging maging masaya habang nakakaranas ng mga mabibigat na karanasan sa buhay.

Tahimik akong nag aalmusal. Wala akong magawa sa araw na to, natatakot naman ako na tawagan si Luke kasi baka galit pa rin siya sa akin. Siguro ay papabayaan ko na muna siya. Masyado na kasi akong malungkot ngayon eh, sobra na. Gusto ko naman ulit maging masaya araw araw kahit minsan ko lang to maranasan.

Biglang lumapit si Kuya sa tabi ko at may sinabi siya sa akin.

Kath, may good news ako sayo! Sabi ni Kuya sa akin. Ano po yun!? Agad kong sinabi sa kanya.

Makakauwi ka na sa Pilipinas. Ngiti niyang sinabi sa akin.

Hindi nga!?? Kuya thank you!!!! Bigla ko siyang niyakap sa sobrang saya ko.

Ako na ang bahala, ako na ang mag tatrabaho para bayadan yang utang ni Daddy. Kami na ang mag tatrabaho ni Ate mo. Successful Architect yata to! Proud niyang sinabi sa akin.

Pero paano ka Kuya? Tanong ko sa kanya habang kumakain ng apple.

Wag ka na mag alala Kath. Naaawa na rin kasi ako kay Daddy eh at tsaka kasama mo nga pala si Daddy pag uwi mo. Wag ka ng mag isip ng kung ano ano okay? Mahal ko kayo. Wag ka ng mag worry Kath. Sabi sa akin ni Kuya at niyakap niya ako.

Thank you talaga kuya. Sobrang madaming thank you. Pagpapasalamat ko sa kanya.

Kailan nga pala ang alis namin kuya? Tanong ko sa kanya.

Bukas. Kaya mag impake ka na at matulog ka na ng maaga para madali kang magising. Bilin sa akin ni Kuya.

Sige po kuya. Sabi ko sa kanya.

Napaka saya ko lang talaga ngayong araw na ito. Sasabihin ko na agad to kay Alex. Kaya agad ko siyang tinawagan.

"Uy alex!!!" Sabi ko sa kanya.

"Oh ano yun?" Tanong niya sa akin sa kabilang linya.

"Makakauwi na ako bukas! Finally!" Masaya kong sinabi sa kanya.

"Talaga!? Buti naman Kath!!" Sabi niya sa akin.

"Paano na yan? Bye na." Malungkot kong sinabi sa kanya.

"Sasama ako sayo." Sabi niya sa akin.

"Sigurado ka ba!?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Bakit bawal ba?" Sabi niya sa akin.

"Hindi naman. Sige mag impake ka na. Bukas na tayo aalis" Sabi ko sa kanya.

Masaya. Maginhawa. Maaliwalas. At bagong pag asa ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Yung tipong lahat ng sakit na naramdaman ko noon ay unti unti ng nawawala at sa pakiramdam ko'y hinding hindi ko na muli maaalala pa.

Makikita ko na naman si Luke. Sana sa pagbalik ko sa Pilipinas ay matanggap pa rin niya ako. Wala akong balita sa kanya. Sinubukan kong tawagan siya sa skype pero hindi pa rin siya sumasagot. Pero okay lang, mahal ko pa rin siya. Sobra sobrang mahal.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon