Chapter 33-Casanova

135 9 0
                                    

Chapter 33

Casanova

Thank you, thank you for all the support. Sa mga laging nag vo-vote and comments . Thank you talaga sa inyo Love lots

----------

KATH'S POV

Napag desisyonan ko na, na sumama kay Daddy papuntang Korea. Kailangan na daw kasi naming maagang umalis. Kasama ko ngayon si Daddy at on the way na kami sa airport.

Hindi namin kasabay yung kaibigan ni Daddy na pupunta din ng Korea. Kasama ko si Kuya at si Daddy.

Bago ako umalis ay hindi na ako nakapag paalam pa kina Kuya Joseph. Kay Cindy ko na lang pinasabi at sabi ko sa kanya na wag ng sabihin sa kanila.

Binaon ko lahat ng memories namin ni Luke. Dinala ko ang picture frame naming dalawa para hindi ko siya makalimutan. Oo wala na akong nararamdaman sa kanya, pero nag silbing aral ang ginawa kong pagmamahal sa kanya.

Napaka daming memories ang maiiwan ko dito sa Pilipinas. Siguro babalik na lang ako dito kapag naging successful na ang buhay ko sa Korea.

Alam kong mahirap dahil inilihim ko sa kanila na aalis ako. Ayoko na kasing makialam sa mga gagawin nila. Basta para sa akin nandito lang ako para suportahan silang lahat.

Mamimiss ko unang una si Luke. Bago dumating ang araw na ito ay pinag dasal ko si Luke sa Panginoon. Na sana mahanap na niya ang tamang babae na para sa kanya, sana mahanap na niya ang tunay na makakapag pasaya sa kanya. Sana, maging maayos siya palagi. Sana lagi siyang healthy. At sana lagi siyang bantayan ni God.

Mangiyak ngiyak ako habang nasa airport na kami. Nag iintay kami kasi 11o'clock ang flight namin papuntang Korea.

Napag isip isip kong tingnan ang mga litrato naming dalawa ni Luke. Mga memories na hinding hindi ko makakalimutan. Mga memories na lagi kong i-tetreasure sa buong buhay ko. Mga bagay na minsan ay nakapag pasaya sa akin ng sobra. Mga bagay na nakapag pakilig sa akin ng hindi kayang gawin ng iba. Mga bagay na simpleng pangyayari pero makabuluhan sa buhay ko. Hinding hindi ko siya makakalimutan.

Natuto na ako. Sa ngayon ay wala na akong nararamdaman para kay Luke. Hindi ko na siya kayang bigyan pa ng chance kung sakaling humingi siyang muli. Napapagod rin kasi ako.

Ang saya saya ko kasi napaka gaan ng pakiramdam ko. Madami akong narealize sa mga nangyari sa buhay ko dito. Simula noong highschool ako at hanggang ngayon. Masaya ako kasi iiwan ko itong bansang to ng wala akong pinoproblema at iniisip. Sabi ko rin kasi sa sarili ko na dapat mas maging handa at mas maging masaya ako sa mga bago kong haharaping pag subok sa ibang bansa. Kailangan kong isipin ang pamilya ko, sila muna ang priority ko sa ngayon at wala akong dapat na ibang isipin kundi sila.

Kumain, nag hikap, nag picturan kasama sina Kuya, naglakad lakad ang ginawa ko ngayon. 30 mins na lang ay flight na namin. Ang bilis ng oras parang kanina lang papunta pa lang kami dito.

10 minutes na lang ay nag ready na kami nila Daddy. Papunta na sana kami pero biglang may sumigaw ng pangalan ko.

KATH!!! Sigaw ni Luke na kita kong pagod na pagod at pawis na pawis.

Kasama niya sina Kurt at Kuya Joseph na hingal na hingal. Bigla niya akong nilapitan at lumuhod si Luke sa harapan ko.

Luke! Ano ba!? Tumayo ka nga diyan! Nakakahiya!! Sigaw ko sa kanya.

Kath.. Please listen.. Sabi niya sa akin.

Kath, makinig ka sa kanya. Sabi sa akin ni Kuya Joseph.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon