Chapter 6- With a smile

416 10 1
                                    

Chapter 6
With a smile

Nandito na kami sa School. Hinahanap ko bigla si Luke. Nasan na kaya siya?

Naglakad lakad ako papunta sa classroom namin para tingnan kung nandoon si Luke.

Nasa tapat ako ng classroom namin at biglang may nang gulat sa akin sa likod.

"BEB!!" Sigaw ni Luke.

"Ay puchang palaka naman oh" Sabi ko.

"Haha sorry na beb! Congrats satin" Sabi niya.

Niyakap niya ako at nilagay niya ang dalawang kamay niya sa baywang ko papunta sa tiyan ko at nilagay niya ang ulo niya sa may leeg ko.

"So, san tayo mamaya? Haha" Sabi ko sa kanya.

"Let's celebrate with Kurt and Kuya Joseph?" Sabi ni Luke.

"Sure! Uy gusto ka makilala nila Mommy" Sabi ko sa kanya.

"Nakapag pakilala na ako. Kilala nila ako. My parents and your parents are business partners!" Paliwanag niya.

"Sige tara na baka mag sisimula na" Sabi ko sa kanya.

Nag sisimula na ang Graduation. Tapos na ang misa. Nakapila na kami at isa isang tinatawag. Medyo malayo pa ako. Nasa tabi ko si Mommy at si Daddy. Nag pipicture naman si Kuya.

"Sanchez, Kathryn Althea D."

Ang sarap sa pakiramdam na gagraduate ka na ng highschool. Mamimiss ko ang lahat. Lalo na ang mga kaklase kong naging totoo sa akin. Ang aking mga guro. Mamimiss ko si Miss Garcia at Sina Sir Dela Cruz. Lahat lahat.

Nakita ko din si Luke na kasama ang mga magulang niya. Nakita ko siyang nakatitig sa akin at nag senyas siya ng Congrats.

Haaay.. Salamat po Panginoon sa suporta simula noon hanggang ngayon.

Pagkatapos ng Graduation Day ay umuwi na kami. Pumunta ang mga relatives ko dito sa bahay. Pero hindi ako nagtagal dito sa bahay pumunta ako sa bahay nila Kurt.

Nandito kami ngayon kina Kurt at nag cecelebrate ng aming pagka graduate.

Bro, nasan na si Cindy? Tanong ni Kurt kay Kuya Joseph.

Doon na niya pinagpatuloy ang pag aaral niya. Doon na din siya gumraduate sa Maynila. Paliwanag ko sa kanila.

Oo nga Kath. Uuwi siya bukas. Dagdag ni Kuya habang umiinom.

Nandito ako ngayon sa living room nila Kurt at nanonood ng tv. Ayokong istorbohin sila Luke. Tsaka ma oop lang din ako. Buti kung nandito si Cindy.

Matagal tagal na rin silang nag iinuman.

Kath, si Luke! Sigaw ni Kurt.

Anong nangyare?! Tanong ko habang papunta sa kanila.

Napadami ang inom. Ganto talaga siya kapag nag iinom. Sorry hindi namin nasabi sayo. Sabi ni Kuya Joseph.

Dalhin na natin sa kwarto. Sabi ko sa kanila.

Inabot sa akin ni Kurt ang towel at tubig para ipunas kay Luke. Grabe naman pala tong si Luke mag inom. Sobra.

Sige Kath, ikaw na bahala diyan kay Luke. Sabi ni Kurt habang sinasara ang pinto.

Pero--. Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at bigla na lang akong hinila ni Luke papunta sa kanya at hinalikan niya ako.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon