Chapter 37-Unexpected Kiss

129 7 2
                                    

Chapter 37

Unexpected Kiss

Hindi ko na lang inintindi ang sinasabi nitong si Alex na secret secret! Pang painis lang siguro na naman niya sa akin!

Pinababa niya ako sa may tapat ng isang napaka gandang park dito sa Korea at tinuro niya sa akin kung nasaan ang ex niya. Siguro may spy to kaya alam na alam kung nasaan siya.

Ayusin mo trabaho mo ha! Kundi malilintikan ka talaga. Sabi niya sa akin.

Hindi ko maintindihan kung bakit lahat na lang ng inuutos niya ay may kasunod na pang babanta? Ano na naman kaya ang gagawin niya? Aasarin na naman ako? Papainitin na naman ang ulo ko? Ano!?

Whatever! Sabi ko sa kanya at nilakasan ko ang pag sasara ng pinto ng kotse niya at nagpatuloy na sa pag lalakad.

Nakita ko siyang mag isa na nakaupo sa isang bench na may mga bulaklak sa paligid. Ang ganda ng park na ito. Namimiss ko tuloy yung park na lagi kong pinupuntahan sa Laguna.

Hi sis! Bati ko sa kanya.

Oh!? Hi sis! Upo ka muna dito. Sabi niya sa akin at nagpasalamat ako sa kanya.

Teka, anong ginagawa mo dito? Tanong niya sa akin.

Ah wala, namamasyal lang ako. Eh ikaw ba? Sabi ko sa kanya.

Ah. Ahm, wala nag iisip isip lang. Sabi niya sa akin.

Tungkol saan? Tanong ko sa kanya.

Tungkol sa tinanong mo sa akin kahapon kung babalikan ko pa ba yung ex ko. Sabi niya sa akin.

Hihintayin ko ang sagot mo sis. Basta take your time and let your heart be charged so that it will be ready to fall inlove again. Sabi ko sa kanya.

Thank you sis! Sabi niya sa akin kasama ang magaganda niyang ngiti.

Sino nga pala yung ex mo? Tanong ko sa kanya.

Si Alex. Sabi niya sa akin.

Ah. Ano ba yung nagustuhan mo sa kanya? Sabi ko sa kanya.

Siguro kapag sinaktan ka ng isang tao, lahat siguro nakakalimutan mo na kahit yung maliliit na bagay tungkol sa kanya. Sabi niya sa akin.

Naiintindihan kita Sis. Sabi ko sa kanya.

Parang sabi kasi ng isip ko wag ko na daw isipin ang dati at kalimutan ang mga mapapait na nakaraan na nangyari noon. Sabi naman ng puso ko, walang masamang isipin ang nakaraan. Bawal daw salungatin ang puso, baka mas lalong sumakit kapag walang nagmamahal. Sabi niya sa akin.

Eh parehas pala tayo minsan ng nararamdaman sis. Sabi ko sa kanya.

Bakit? Sabi niya sa akin.

Hindi ko kasi alam kung mamahalin ko pa ba siya o hindi na kahit ilang beses na niya akong sinaktan. Sabi ko sa kanya.

Siguro mabuting tao yung ex mo. Sabi niya sa akin.

Paano mo naman nasabi? Sabi ko sa kanya.

Kasi minahal ka niya. Alam niya sa sarili niya na tama ang desisyon niya na mahalin ka. Mabuti ka kayang tao! Mag sisisi siya kapag nawala ka sa buhay niya. Sabi niya sa akin.

Salamat. Pero alam mo yung ilang beses ko na siya binigyan ng chance? Pero after kong mapagod sa kanya, parang sabi ng puso ko na siya na lang daw ang mag papasaya sa akin kaya wag ko daw pakawalan. Pero paano naman kung puro pananakit ang ginagawa niya sa akin? Mag papauto na naman ba ako sa tadhana? Ilang beses na rin kasi eh. Sabi ko sa kanya.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon