Chapter 44-" I love you Daddy... "

141 7 0
                                    

Chapter 44

"I love you Daddy... "

ALEX'S POV

Pagkatapos kong ihatid si Kath sa bahay nila ay dumeretso na akong umuwi.

Nakita kong may pinag uusapan sina Mommy at Daddy na mukha silang sobrang seryoso hanggang sa tinawag nila ako.

Alex. Come here. Sabi sa akin ni Daddy kaya mabilis akong lumapit sa kanya.

Why Dad? Tanong ko sa kanya.

Itutuloy niyo ang kasal ni Kath. Wag ka ng tumanggi pa! Sabi sa akin ni Daddy.

Pero? Bakit? Tanong ko sa kanila.

Anak, yan lang ang pwedeng iganti ng pamilya nila Kath sa pamilya natin! Sabi sa akin ni Mommy.

Eh ano po bang ginawa ng pamilya ni Kath sa atin at mukhang galit na galit kayo? Sabi ko sa kanila.

Malaki na ang utang sa atin ng pamilya nila. More than 20 million ang utang nila sa atin t sila rin ang dahilan kung bakit bumaba ang negosyo natin. Pagpapaliwanag sa akin ni Daddy.

Pero Dad. Mababayaran din naman nila yun diba? Bakit kailangan pang magpakasal? Dad. Ayaw na sa akin ni Kath! Sabi ko sa kanya.

Oo mababayaran nga nila yun pero imposible na siguro! Alex, wala ka ng magagawa. Wala kaming pake kung hindi ka gusto ni Kath basta makakapag pakasal kayo ni Kath kapag dumating ang araw na naging 30 years old na siya. Sabi sa akin ni Daddy.

Pero Dad! Sabi ko sa kanya habang tumatayo sa kinakaupuan niya.

Wag ka na mag alala. Diba gusto mo si Kath? Wag ka na ngang maarte! Sabi sa akin ni Daddy.

Kakausapin ko pa sana siya pero umalis na siya sa harap ko. Pati si mommy umalis na rin. Ganito ba talaga katitigas ang mga puso nila? Wala manlang awa. Wala man lang pagpapatawad.

Ayokong sabihin kay Kath na itutuloy namin ang kasal baka magulat siya pero nagkamali ako. Alam na pala niya dahil nag text siya sa akin.

"Alex. Tuloy yung kasal." Text niya sa akin.

KATH'S POV

Nagpapahinga ako ngayon sa kwarto ko. Tumatawag sa skype si Luke. Kinakabahan ako sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na ikakasal kami ni Alex. Malaking gulo to pati na rin sa barkada. Ano ba kasing dahilan kung bakit nagkakaganito ang buhay namin.

Hi Beb! Ngiting sinabi sa akin ni Luke.

Oh hi!! Plastik kong sinabi sa kanya.

Oh ano? Kumusta na? Congrats ulit! Sabi niya sa akin.

Thank you ah! Pagpapasalamat ko sa kanya.

Teka, bakit ka malungkot ah? Sino umaway sayo? Bakit parang hindi ka masaya e kakagraduate mo lang? Anong nangyari? Sunod sunod na tanong sa akin ni Luke.

Wala to. Masakit lang ang ulo ko beb. Kantahan mo naman ako oh. Please. Pagsisinungaling ko sa kanya.

Sige ano bang kanta ang gusto mo? Tanong niya sa akin.

Kahit ano. Basta. Marinig ko lang ang magaganda mong boses magaling na ako. Sabi ko sa kanya.

Osige wait lang. Sabi niya sa akin.

Kinakabahan ako kasi baka magalit siya sa akin kung sabihin ko sa kanyang matatagalan pa ang uwi ko. Sa totoo lang ay gustong gusto ko na pero hindi lang talaga pwede. Sana maintindihan niya kung sakaling itanong niya sa akin yun.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon