Chapter 23-Fragile Heart

204 9 2
                                    

Chapter 23

Fragile Heart

ZACHY/JOSHUA'S POV

Magpapakatatag ako. Gusto kong mapatunayan sa sarili ko at kay Kath na kaya kong hanapin ang true love ko. Mahirap lang talaga umasa sa wala, lalong lalo na kung alam mong wala ka ng pag asa.

Mahirap mag isip ng kung ano ano, mahirap mangarap ng mga bagay na imposibleng mangyari, mahirap isipin na mamahalin ka din ng taong may mahal ng iba, mahirap magmahal ng totoo at mahirap masaktan ng lubos.

Kakayanin kong maging maayos ang isip ko dito sa Korea. Gusto kong matuklasan ang mga bagay bagay na minsan ko lang nakikita at nararanasan. Mga bagay na simpleng makakapag pasaya sa akin at sana'y maramdaman din ng puso ko.

Mahirap na friendzoned. Sobrang hirap. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis sa isip ko si Kath. Feeling ko hindi si Luke ang tamang lalaki para sa kanya. May mga bagay kasi na naiimagine kong pwedeng mangyari. Sa pagmamahal ni Kath kay Luke, napansin kong mas mahal niya si Luke kaysa sa sarili niya.

Iniisip ko na bakit hindi din ako kayang mahalin ni Kath? Bakit kung sino pa ang nararapat yun pa ang sawi? Kung sino pa ang hindi karapat dapat yun pa ang nagtatagumpay. Ganun ba talaga ka tanga ang puso para magmahal? Hindi ba pwedeng turuan ang puso kahit isang pangyayari lang? Kailangan ba talaga paulit ulit? Eh paano kung hindi na kaya? Bibigay na lang basta at hahayang buong katawan mo manghina?

Mahirap mabuhay sa ganitong edad. Napaka daming hirap na nararanasan pero mas madami ang heartaches. Hindi ko siguro ito maiiwasan. Hindi ko maiwasang umasa kasi siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Masaya akong nasasaktan ang puso ko kasi alam kong nagmamahal ako ng totoo.

Mag isa lang ako dito sa Korea. Pinagmamasdan ang matatas na buildings, pinag mamasdan ang mga taong pabalik at papunta pa lang sa kinaroroonan nila. Napansin kong ang bilis bikis ng oras. Sa isang iglap ay may namatay, may nag wagi, at may nasaktan. Ganito ang takbo ng buhay, kailangan mong makisabay para hindi ka mapag iwanan.

Wala akong ginawa dito sa Korea kundi ang pagmasdan ang ganda ng bansang ito. Ang mag sulat ng nararamdaman ko araw araw. Ang pag iimagine ng mga nangyayari sa Pilipinas. At kung anong nangyayari kay Kath.

Ginawa ko na ang lahat pero hindi ko parin matigil ang katangahan ko. Siguro ay may dahilan kung bakit ganito ako magmahal ng lubos sa kanya. Pero hinding hindi ko malaman ang sagot.

KATH'S POV

Ilang buwan na ding wala si Zachy. Ilang beses ko na siyang chinat, tinext, tinawagan pero wala siyang kahit isang sinagot.

Minsan, may pagkakataon na nararamdaman ko ang pagmamahal niya. Pero ayokong iwan si Luke. Masaya ako sa kanya pero ganito ba talaga kahirap?

Dalawa sila sa puso ko. Pero hindi ko alam kung bakit parang hinahanap hanap ko si Zachy? Mali ito. Pero sabi ng puso ko, mahal ko na raw siya.

Siguro sa lagi kong pinapatugtog yung kanta ni KZ na Mahal ko o Mahal ako. Sobrang hirap mag desisyon sa sitwasyon kong ito. Alam kong mahal na mahal pa rin ako ni Zachy at mahal na mahal ko si Luke. Hindi ko kayang mawala sila sa isa't isa. Ganito ba talaga ang pagmamahal? Siguro kaya isa lang ang puso natin dahil isa lang ang nakalaan para dito. Pero bakit ko kailangang maramdaman ang pagmamahal ko sa dalawang taong ito.

Naiimagine ko kay Zachy ang pagiging mabuting boyfriend. Alam kong magiging masaya ang kung sino mang maging girlfriend niya. Napaka bait at loyal niya sa mga babae. Yung tipong lahat gagawin niya para sayo. Ganito siya magmahal.

Si Luke na naging crush ko noon pa man. Na pinangarap ngarap ko. Na lagi kong pinagdadasal sa tuwina na ngayon ay nasa akin na. Hindi ako nag dalawang isip na mahalin siya. Minsa'y nasaktan ako pero tinuruan kong bumagon ang puso ko kahit minsan pumapalya to.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon