Chapter 5-"Beb"

498 11 3
                                    

Chapter 5

"Beb"

Nandito kami sa bahay. Medyo awkward kase nahihiya kami sa isa't isa.

Uy Luke! Ano yung sasabihin mo sakin? Tanong ko habang papunta sa kinaroroonan niya.

Uhm Kath, pwede ba kitang maging girlfriend? Tanong niya.

Ah eh... Yan ang ang tangi kong nasagot. Nanginginig ako. Hindi ako mapakali. Biglang uminit ang pisngi ko.

Please Kath. I love you. Paliwanag niya.

Wala akong iniisip kundi siya, gusto ko siyang mahalin ulit. Gusto kong maging akin siya. Pero may pilit na bumabagabag sa isipan ko. Si Coleen. Paano siya? Pero mahal ko tong si Luke. Sobra. Ang hirap.

Bibigyan ko ba siya ng chance? Mahal na mahal ko siya.

Uhmm. Yes Luke :) Hindi ako makapaniwala sa nasabi ko. Naisip ko rin na gusto ko siyang matutong mahalin at gusto ko ding matuto niya akong mahalin.

TAYO NA KATH!??? TAYO NA!???? FOR REAL?!!! Napatalon sa saya si Luke nang nag yes ako sa kanya.

Yes Luke! Tayo na sa labas! Pang aasar ko.

What?! Laking gulat ni Luke.

Joke lang! Ano ba. Oo na tayo na Luke! Sabi ko sa kanya habang niyayakap ko siya.

I love you Kath. Bulong niya habang nakayakap sa akin.

Naramdaman ko ang init ng yakap niya. Ang saya niyang walang katulad. Ang mga ngiti niyang hindi maipinta.

Mas lalo niyang inigpitan ang yakap niya. Hindi ko alam kung gaano ako kasaya ngayon. Yung dating crush ko lang na ngayon ay nasakin na. Everything's possible when you believe talaga. Mahal na mahal ko tong si Luke.

Hep hep hep! Anong nangyayare ha? Biglang dumating sina Kurt at Kuya Joseph.

We're married! Sigaw ni Luke.

Hahaha. Gago ka. Ahm Kuya Joseph and Luke.. Kami na... Hinahon kong sabi sa kanila.

Kath. I am so proud of you. You deserve to be loved. Sabi sa akin ni Kuya Joseph at niyakap niya ako.

Congrats to both of you. Patunayan nyo na may forever ha? Sabi ni kurt.

Yes Kurt! We will. Sagot ni Luke at bigla niyang nilagay ang kamay niya sa baywang ko.

Ang saya saya ng araw ko. Ang saya pala mainlove. Ang saya pala talaga niyang mahalin. Ang saya saya.

Naalala ko na lunes na pala bukas at may pasok na ulit. Hay..

Nag text si Luke sa akin habang kumakain ako ng dinner.

"Beb? :)"

Beb ang tinawag niya sa akin ngayong kami na.

"Saan mo nakuha yan ha?" Tanong ko.

"Sa puso mo. :)" Reply niya.

"Haha matulog ka na Beb?! Haha" Reply ko.

"Hindi ako makatulog kase lagi kitang iniisip." Reply niya.

"Sus. Wag ka mag alala, mamahalin parin naman kita bukas. Tulog ka na." Sabi ko sa kanya habang namumula ang pisngi ko.

"Beb, ganito pala talaga mainlove sa tamang tao." Sabi niya sa akin.

"Beb, sana ikaw na nga talaga." Reply ko.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon