Chapter 9
"I will wait for you"
Bumisita ako kay Kath sa ospital para sabihin sa kanya na aalis ako papuntang Canada.
Kinakabahan ako kasi baka hindi siya pumayag. Pero sabi naman nila na maiintindihan naman daw ako ni Kath.
Pumasok ako sa ospital at nakita ko si kath na maayos na. Maaliwalas ang mukha niya hindi katulad dati na mukhang pagod na pagod sa nararamdaman niya.
Uy Beb. Bati niya sa akin.
Beb, I have something to tell you. Sabi ko sa kanya.
Ano yun Beb?! Gulat niyang tanong.
Beb, kalma. Ahm. Tumawag kasi sakin si Mommy kahapon na pupunta daw kaming Canada next week. Yung lola ko kasi, kailangan naming puntahan kasi malala na yung sakit niya. Gusto ni mommy na makita kami ng lola bago manlang siya mamahinga. Paliwanag ko sa kanya.
Nakita ko sa mukha niya ang pagkalungkot. Alam kong mahirap ito pero bahala na si Lord.
Beb, naiintindihan kita. Sabi sa akin ni Kath.
Kath, I know mahirap ang sitwasyon na to pero sorry. I'll be back soon. Sabi ko sa kanya.
Beb, just promise me that you'll never forget me. Sabi sa akin ni Kath.
Yes Kath. Hindi ko kayang kalimutan ka Kath. Sabi ko sa kanya.
Sinamantala ko ang araw na ito na kasama siya. Ginawa ko ang lahat para maging memorable ang araw na ito sa amin.
Lumipas ang isang araw na lalabas na si Kath sa ospital. Ang saya saya niya kasi makaka hinga na siya ng maluwag dahil nasa labas na siya ng ospital.
Kasama ko siya hanggang sa paglabas niya ng ospital.
Beb, thank you for always being there for me. Sabi sa akin ni Kath.
You're always welcome Kath. Sabi ko sa kanya.
Pinasyal ko siya sa Park at sa Mall. Gusto kong makasama siya bago man lang ako pumunta sa Canada. Gusto kong maging masaya at maging maluwag sa kanya ang desisyon ko kasi alam kong ayaw niya akong mahiwalay sa tabi niya.
Halos mapuno na ang aking memory card sa sobra naming daming pictures sa phone ko at sa phone niya. It's just so nice na parehas kaming mahilig mag selfie at mag picture ng mga memories naming dalawa.
Lumipas na naman ang isang araw, sinurpresa ko siya sa bahay nila. Kasama ko ngayon si Joseph at Kurt. Gustong gusto ni Kath na kinakantahan ko siya. Kaya gagawin ko ang lahat ng gusto niya kasi mahal na mahal ko siya.
Kumatok ako ng pinto at saktong si Kath ang nagbukas ng pinto.
Pagkabukas ng pinto ay saktong kumanta kami ng isa sa paborito niyang OPM song na "Dadalhin" by Bryan Termulo.
Ang pangarap ko'y nagmula sayo
Sayong ganda ang puso'y di makalimot
Tuwing kapiling ka, tanging nadarama
Ang pagsilip ng bituin sa iyong mga mata
Ang saya nitong pag ibig
Sana ay di na mag-iiba
Nakita kong naluluha si Kath habang kumakanta ako. Habang kumakanta ako ay iniisip ko ang mga araw na mag kasama kami. Walang makakapantay sa pagmamahal ko sa kanya. Alam kong kailangan ko talaga siyang iwan pero gagawin ko ang lahat para mapasaya siya.
BINABASA MO ANG
Stupid Crush (COMPLETED)
Teen FictionHow can i find you bewitching and me being ignored like a white crayon. how can my happiness defined as your happiness despite of being one of your girls? why cant i just remove you out of my system? Stupid Crush. Why is called "STUPID CRUSH"? Beca...