Chapter 49
"I still love you"
Ilang taon na rin ang lumipas. Ilang birthdays ko na rin ang lumipas. Ang pasko, bagong taon, valentines at syempre ang September 14.
Nagkahiwa-hiwalay na ang barkada. Si Kuya Joseph at si Cindy ay pinagpapatuloy ang trabaho nila sa Maynila. Si Kurt naman ay nasa bar pa rin nila at siya na ang nag aasikaso nito dahil wala ang mga magulang niya. Si Zachy na palibot libot sa ibang bansa dahil sa business nila na patuloy na nagiging successful kaya naman wala na kaming communication pa. Si Luke naman, ewan. Wala na akong balita sa kanya. Hindi siya nagpaparamdam. Matigas pa rin ang puso niya. Siguro na ay tinotoo na niya ang sinabi niya sa akin na tapos na kami. Pero umaasa pa rin akong mababalik ang nakaraan kasi hindi pa rin talaga siya mawala sa isip at puso ko at hinding hindi talaga siya mawawala.
Eto, si Alex lang ang lagi kong kasama. Si Alex na lagi akong binabantayan kapag sumasakit ang puso ko. Si Alex na laging nandiyan para samahan akong mamasyal pag na bobored ako. Si Alex na lahat sinasabayan niya pati ang kalokohan ko. Si Alex na nag tatry na maging Luke para mabalik lahat ng saya na nararamdaman ko noon.
Nakatambay kami sa aplaya kung saan kami laging tumatambay ni Kuya Joseph. Nag mumuni muni at nag iisip kami ng mga nangyayari sa buhay namin.
Ang bilis ng panahon Kath. Parang kailan lang, pumapasok pa tayo. Sabi sa akin ni Alex.
Oo nga eh, parang kailan lang. Niloloko at nilalait mo pa rin ako. Nakakamiss din pala yun eh. Sabi ko sa kanya habang naka titig sa dagat.
Alam mo Kath, hindi ko alam kung bakit ako na inlove sayo noon. Yung pakiramdam ko na ang sarap sarap mong asarin. Iba kasi ang naramdaman ko sayo noon kaysa kay Triya Kasi alam kong iba ka sa lahat ng babae. Maganda na, matalino, matatag, matapang, mapagmahal. Lahat na yata na sayo. Swerte ni Luke sayo. Sobrang swerte. Sabi niya sa akin at nakita ko ang ginuguhit niya sa buhangin. Pangalan ko ang sinusulat niya na may smiley face sa dulo.
Alam mo Alex, nalulungkot rin ako minsan kasi ang manhid manhid ko. Hindi ko nga alam kung bakit ang lakas ng tama ko diyan kay Luke eh. Ultimo pag sabihan niya ako ng masasama at masasakit na salita. Nakakaya ko. Masakit sa una pero sa huli naman, lagi kong naiisip na ako yung mali. Gusto kong itama ang mali ko kahit na alan ko sa sarili ko na siya ang may mali. Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Yan nga ang gusto ko sayo Kath. Ang pagiging matatag mo. Sana mag kabalikan na kayo. Umaasa kasi akong mamahalin mo rin ako eh. Gusto ko rin naman iparealize sa sarili ko na hindi ako ang dapat nasa puso mo. Sorry Kath ah. Sabi niya sa akin.
Na-aalala ko sa kanya si Zachy. Sila yung mga taong sobra nila akong minahal pero hindi ko naman sila kayang suklian ng ganoong kalaking pagmamahal. Nakaka guilty rin kasi pero wala eh, masaya na ako kay Luke. Ganito lang talaga kapag nag mamahal, nagiging bobo ka at hindi mo na namamalayan na patuloy mo ng pinapahina ang puso mo dahil sa paniniwala diyan sa lintek na pag ibig na yan.
Okay lang Alex. Sorry rin kasi hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin. Sorry kasi nasanay na tong puso ko na hawak hawak ni Luke eh kaya naman ayaw ng magmahal ng iba. Sorry. Pagsosory ko sa kanya.
Okay lang yun. Basta ang importante, masaya ka at masaya ang puso mo. Sabi niya sa akin.
Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ay nakatanggap ako ng text galing kay Tito Rene.
"Anak, puntahan mo kami ng Daddy mo dito. Inatake siya sa puso habang nag uusap kaming dalawa. Pumunta ka na dito! Tito Rene ito" Text sa akin ni Tito Rene.
BINABASA MO ANG
Stupid Crush (COMPLETED)
Teen FictionHow can i find you bewitching and me being ignored like a white crayon. how can my happiness defined as your happiness despite of being one of your girls? why cant i just remove you out of my system? Stupid Crush. Why is called "STUPID CRUSH"? Beca...