Chapter 31- "You'll die soon"

116 9 1
                                    

Chapter 31

"You'll die soon"

Dedicated to Yatskiebie salamat sa support lynds silod nashies ✌
----------------

Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit ang sweet sweet ni Mheeca at Zachy sa kotse.

Nang naka uwi na ako ay nakita kong wala sa bahay sina Kuya at Daddy. Madami akong naiisip pero sa mga oras na to ay naiisip ko ang nakita ko kanina.

Ayokong makialam pero kailangan kong malaman kung bakit.

"Zachy? Nasan ka?" Tinext ko si Zachy na agad namang nag reply.

"Going to Cavite na ulit." Sabi niya sa akin.

"Sino kasama mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ako lang mag isa. Bakit?" Sabi niya sa akin.

Halatang halata na nag sisinungaling si Zachy. Parang may nililihim siya sa akin na hindi manlang niya masabi sabi sa akin. Hindi tama to.

"Kurt, nasan ka?" Text ko kay Kurt.

"Dito sa bahay. Bakit Kath?" Sabi niya sa akin.

"Ah. Nasan si Mheeca?" Sabi ko sa kanya.

"Kasama ng mom niya eh. Namimili daw ng gamit ng kapatid niya." Sabi sa akin ni Kurt.

Oo nga, tama nga ang hinala ko. May relasyon ang dalawa pero bakit naman nagawa to ni Zachy? Alam kong mabuting tao siya pero bakit niya ginagawa to? Mali yun.

Tama nga ang hinala ko diyan kay Mheeca. Napaka sama ng budhi niyan. Bakit kaya nainlove dun si Kurt? Alam ba niya ang background ni Mheeca?

Hindi naman sa nangingialam pero kaibigan ko si Kurt. Kaibigan ko silang lahat lalo na si Zachy. Pero hindi tama ang ginagawa nila. At alam ko na ang patutunguhan nito. Mauuwi to sa gulo at dapat gumawa na ako ng paraan para hindi mangyari ang lahat ng to.

ZACHY'S POV

Nakita ko si Mheeca sa labas ng bahay nila Kurt at bigla niya akong tinawag.

Hi Kurt! Sigaw niya kaya bigla akong napatigil.

Yes? Sabi ko sa kanya.

Pwede bang ihatid mo ko sa mall? Sabi niya sa akin at bigla na lang siyang sumakay sa kotse.

Ah-eh okay. Sabi ko sa kanya.

Malayo layo na kami sa bahay nina Kurt at bigla niyang hinila ang braso ko at niyakap niya bigla.

Ang bango mo pala Kurt. Sabi niya sa akin.

Biglang uminit ang pisngi ko at hindi ako mapakali dahil napaka higpit ng hawak niya sa braso ko.

Hindi ko siya maintindihan. Wala na ba sila ni Luke? Bakit niya ako ginaganito?

Kurt.. Sabi niya sa akin.

Oh bakit? Sabi ko sa kanya

Mahal mo ba ako? Sabi niya sa akin.

Biglang nanginig ang katawan ko. Yung kamay niya ay nasa dibdib ko na at patuloy niyang hinahaplos ang pisngi ko.

Mheeca.. Ano tong ginagawa mo!? Sabi ko sa kanya. Hindi ko inaasahang masisigawan ko siya.

Joshua... Wag ka ng maarte okay? Diba mahal mo ko? Sabi niya sa akin.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon