Chapter 41-"Help me Kath"

118 7 0
                                    

Chapter 41

"Help me Kath"

Tatlong araw na ang nakakalipas nang nag kaayos silang dalawa. Ang saya saya ko kasi habang tinitingnan ko sila ay ang saya saya nilang dalawa. Nagkukulitan tuwing lunch, nag seselfie sila minsan, sabay kumakain, sabay nag aaral, sabay umuuwi, sabay pumapasok. Nakakatuwa silang dalawa kapag magkasama.

Sa kabila ng pag eenjoy nilang dalawa. Nakalimutan na nila ako. Ako na naging dahilan kung bakit sila na ulit ngayon. Ako na naging dahilan kung bakit masaya na sila ngayon. Ako na naging dahilan kung bakit napatunayan na nila sa isa't isa na sila na talaga ang para sa isa't isa. Ako na naging dahilan kung bakit hindi mabilang ang mga ngiti nila sa kanilang mga labi.

Isang linggo na akong mag isa habang pumapasok. Si Alex na laging sumusundo sa akin tuwing umaga para sa pagpasok ay hindi na nauulit. Si Triya na sa tuwing mag kikita kami ay lagi niya akong binabati na ngayon ay hindi na nauulit. Si Alex na lagi akong inaasar at kinukulit para sa gusto niya na ngayon ay hindi na nauulit.
Ganun pala talaga noh? Kapag nakuha na ng isang tao ang kailangan niya sayo, kakalimutan ka na niya. Iiwanan ka na niya, iiwasan ka na niya, aalisin ka na niya sa paningin niya. I'm so sick of temporary people. Yung tipong kahit magkaklase kami ngayon ni Alex. Hindi niya ako magawang pansinin o sulyapan manlang kasi ang focus niya ay ang pag aaral at si Triya. Pero kahit ganun, masaya pa rin ako dahil natulungan ko silang dalawa kahit papaano. Kahit na ganun ang trato na nila sakin okay lang. Ang importante masaya sila at masaya ako na natulungan ko sila.

Dalawang linggo na din akong pumapasok mag isa, I mean walang kasama kasi wala akong ka close dito kundi si Alex na. Mahirap na kasing mag tiwala sa mga tao ngayon lalo na't wala ako sa sarili kong bansa kaya nag iingat ako.

Uuwi na sana ako nang hindi ko inaasahang may makakabangga ako.

Aray! Daing ko pagkatapos naming magkauntugan sa isa't isa.

Hindi ko siya maaninaw dahil medyo nahihilo ako. Ang lakas kasi ng pagkakauntog ko sa kanya. Hindi kasi siguro ako nakatingin sa daan eh.

Kathrea!? Sabi niya sa akin. Teka kilala ko siya, kilala ko ang mga mata niya at siya lang ang tumatawag sa akin na Kathrea. Si Zachy nandito!?

Okay ka lang ba? Sabi niya sa akin.

Okay lang ako. Bakit ka nandito? Bakit bigla kang sumulpot? Sabi ko sa kanya.

Sorry. Ah dito kasi namin itutuloy yung business namin sa Pilipinas. Ang hina ng kita dun eh. Humihina na dahil sa mga bagyo. Sabi niya sa akin.

Ah. Sige tara na. Sabi ko sa kanya at hindi ko inaasahang ihahatid niya ako sa bahay. Sosyal talaga siya kahit kailan.

Oy Kathrea. Nagtatampo ako sayo! Sabi niya sa akin.

Bakit!? Tanong ko sa kanya.

Kasi hindi mo sinabi sa akin na aalis ka. Nakakatampo lang. Sabi niya sa akin.

Eh sorry naman dala lang ng emotions ko. Si Luke kase eh. Yun yung araw na broken hearted pa ako. Kaya sorry na. Sabi ko sa kanya.

Okay lang yun. Sabi niya sa akin.

Kumusta na nga pala kayo ni Mheeca?? Uyyyyy! Kayo na ba!? Kayo na ba!? Yieeee! Pangaasar ko sa kanya.

Wala na. Nagalit ang buong barkada sa kanilang dalawa ni Coleen. Sabi niya sa akin.

Ha? Paanong napadamay si Coleen? Magkakilala sila? Tanong ko sa kanya.

Mag bestfriends sila Kath. Sabi sa akin ni Zachy.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon