Chapter 29-Affair

138 7 1
                                    

Chapter 29

Affair

Anong ginagawa mo dito Coleen!? Sigaw ni Luke.

Gusto ko lang mag sorry kay Kath. Sabi niya kay Luke.

Wag kang maniniwala diyan best. Plastik ang babaeng yan. Bulong sa akin ni Cindy.

Kath, sorry. Lumapit sa akin si Coleen.

Alam kong napaka laking kasalanan ang nagawa ko sayo at sa inyo ni Luke. Sana mapatawad mo ako. Sabi sa akin ni Coleen.

Okay lang Coleen. Sabi ko sa kanya at bigla niya akong niyakap.

Thank you Kath. Sabi niya sa akin at habang naka yakap ako sa kanya ay bakatingin sa akin sina Kuya Joseph. Parang hindi sila satisfied sa ginawa ko. Parang may mali at parang hindi ito ang tamang panahon.

Wala eh, ganito talaga ako sa mga nagmamakaawa sa akin. Madaling lumambot ang puso ko kahit na ang bigat ng ginawa nila sa akin. Gusto kong magpatawad kaysa tumagal at lumala ang hindi namin pagkakaintindihan.

Ah sige uwi muna ako ah. Sabi ko sa kanila.

Sama na kami ni Cindy. Sabi sa akin ni Kuya Joseph.

Uy Teka. Kath sama na ako. Sabi sa akin ni Luke at bigla niyang hinawakan ang braso ko.

Luke, paano si Coleen? Sabi ko sa kanya.

Wala akong pakialam dun. Sabi niya sa akin.

Kasama ko ngayon sila Cindy, Kuya Joseph at Luke.

Kath, nasan kuya mo? Tanong sa akin ni Kuya Joseph.

Kasama yata si Ate Lovely. Namamasyal sila. Sabi ko sa kanya.

Biglang lumapit sa akin si Luke.

Kath, alam ko yung iniisip mo kanina. Sabi sa akin ni Luke.

Oo. Alam ko yun. May tiwala naman ako sayo. Sabi ko sa kanya.

Basta tandaan mo na ikaw lang ang mahal ko. Wala akong pake sa kanya Kath. Sabi sa akin ni Luke at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

COLEEN'S POV

Nagmakaawa ako kay Kath, at pinatawad naman nya agad ako. Magagawa ko na ang plano ko na mapaghiwalay sila ni Luke ng lubusan. Wala akong gagawin sa buhay ko kundi ang kunin siya.

Galing ko naman umacting, napaniwala ko sila. *evil laugh* x) ang bad ko ba? Hahaha. Sorry mahal na mahal ko si Luke e. Diba nga sabi kung mahal mo talaga ipaglalaban mo

Pumunta ako sa bahay nila Luke at inintay ko siyang dumating galing kina Kath.

Ano ba problema mo Coleen!? Bakit ka pa bumalik!?? Mang-gugulo kananaman ba? Wag mo na ituloy please! Sigaw sa akin ni Luke.

Ano ba Luke, nag sorry lang ako. Gusto ko mag kaayos na kami ni Kath. Maniwala ka naman sa akin oh. Sagot ko.

Subukan mo lang sirain kami ni Kath, sinasabi ko sayo Coleen. Di mo alam kaya ko gawin sayo! Kaya pwede ba umalis kana! Sigaw uli ni Luke sakin

Hindi ikaw ang magulang ko para utos utusan ako! Tumigil ka nga Luke, ganyan naba kasama tingin mo sakin? Tss. Sumbat ko.

Oo! Tatay mo nga ata si Lucifer e ! Umalis kana pwede ba? Sabi ni Luke.

Umalis si Luke sa harapan ko, at naiwan dito ang mga kasambahay nila Luke at mukhang takang taka sa mga nangyayari.

Kitang kita sa mga mukha ni Luke na galit na galit siya sa akin. Bwisit. Pero magaling ako umacting keribels ko to.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon