Chapter 24
Miracle
Napag isip isip kong huwag muna makita si Luke. Ayokong kausapin siya. Ayokong mag muka na naman akong tanga para mag paloko sa kanya. Kailangan kong matutong maawa sa sarili ko.
Gusto kong lapitan si Zachy. Gusto kong siya ang makasama ko. Nagkamali ako sa pagpili ng mamahalin ko. Pero anong dahilan kung bakit nagawa sa akin ni Luke yon?
Ayokong mapag isa. Gusto ko ng makakasama pero paano na ang lahat ng nangyari sa amin ni Luke? Siguro tamana ang lahat ng yon.
"Luke. Gusto kong sabihin sayo na salamat sa araw araw mong pag papasaya sa akin. The words you say, your smile, your sweetness, everything about you. Mamimiss kita Luke. Ayaw ko mang sumuko pero sabi ng puso ko tamana. Kailangan kong sundin to baka humina ulit eh. Salamat sa lahat. Eto na siguro ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Good bye Luke" Text ko sa kanya.
Alam kong tama lang ang sinabi ko. Kinakabahan lang ako sa magiging reply niya sa akin.
"Kath, please wag naman. Gusto ko pang madagdagan ang mga memories kasama ka. Kath, please understand me. Lahat ng nangyari hindi ko gustong mangyari. Nadala lang ako ng mga emosyon ko noon. Pero sana mapatawad mo na ako. Kath please" Reply niya sa akin.
Bakit naman mas lalo akong pinapahirapan ng pag-ibig? Ang gulo gulo. Sabi ng isip ko tamana, sabi naman ng puso ko pagbigyan ko siya. Pero paano ko malalaman ang tama? Pero mas nararamdaman kong lumalamang ang sinasabi ng puso ko.
Alam kong pag sinunod ko ang puso ko tanga na naman ako mamaya. Tanga na naman ako sa paniniwala ng mga promises niya. Tanga na naman ako na paniwalaan ang mga sinasabi niyang hindi naman nag kakatotoo. Maniniwala na naman ako sa mga pangyayaring hindi naman mangyayari. Ganito ba talaga kapag puro puso mo na lang ang pinaniniwalaan mo? Paano naman ang isip mo? Mare-realize mo na lang sa huli na dapat siya na lang ang pinaniwalaan mo, na dapat siya ang nasunod, na dapat hindi ka na sana nasasaktan.
"Beb, hindi ko kasi kayang sinasaktan mo ako. Akala ko totoo na lahat ng mga sinasabi mo sa akin pero bakit nawawala, bakit hindi nag kakatotoo. Lagi mo na lang sinasabi pero hindi mo ginagawa. Beb, gulong gulo na ang puso at isip ko. Hindi ko alam kung sino ang susundin ko. Natatakot akong masaktan ulit." Reply ko sa kanya.
"Beb hinding hindi na ulit kita sasaktan. Dadagdagan ulit natin yung mga naiwan nating memories. Beb, seryoso ako. Maawa ka sa akin. Hindi ko kasi kaya ng wala ka." Reply niya.
"Beb, diyan lagi tayo sumasablay, diyan sa mga promises mo. Sa mga sinasabi mong hindi mo na ako sasaktan. Sa mga sinasabi mong dadagdagan mo ang mga memories nating dalawa. Pero paano na kung saktan mo na naman ako. Alam mo, alam ko sa sarili ko na dapat akong mag bigay ng second chance. Pero paano naman kung paulit ulit na? Hindi ka ba napapagod? Kasi ako, pagod na pagod na sa kaka-paniwala diyan sa mga pangako mo." Sabi ko sa kanya.
"Just give me last chance Beb. Please just give me. Papatunayan ko talaga sayo na ikaw lang Beb. :(" Reply niya sa akin.
"Sige Luke pero hayaan mo muna akong makapag isip isip. Gusto ko lang muna mapag isa. Salamat sa concern mo." Sabi ko sa kanya.
Wala akong pinag sabihan na umuwi ako dito sa Laguna. Si Daddy at si Kuya nasa Manila. Gusto kong manatili dito, kung saan ako mas komportable, kung saan ako mas makakapag pahinga.
Nagpunta ako sa aplaya kung saan kami ni Kuya Joseph tumatambay. Sa gusto kong mapag isa sa mga oras na ito, may humawak sa balikat ko.
Kath, alam ko ang mga pinag dadaanan mo. Nakita kita sa bahay niyo, sa totoo lang lagi kitang binabantayan pero hindi ako pumapasok sa inyo. Sinundan kita at nalaman kong papunta ka dito. Sorry ah, alam kong gusto mong mapag isa. Pero hindi ko kayang makita kang nasasaktan. Ayoko ng mag isa ka. Sabi sa akin ni Zachy habang nakaupo kami sa buhangin.
BINABASA MO ANG
Stupid Crush (COMPLETED)
Teen FictionHow can i find you bewitching and me being ignored like a white crayon. how can my happiness defined as your happiness despite of being one of your girls? why cant i just remove you out of my system? Stupid Crush. Why is called "STUPID CRUSH"? Beca...