Chapter 46-Trust

124 12 0
                                    

Dedicated to Grace Bernardino. :) Thanks sa support. :)) Thank you sa mga patuloy na nag vovote ng story. I highly appreciated po :) Thanks and God bless!!!

Chapter 46

Lahat na ng mga bagay nagawa ko, lagi na lang akong ganito. Lagi na lang may problema. Lagi na lang may mali.

Siguro dapat ko ng tapusin ang buhay ko. Inis, galit, asar, pighati ang mga nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Gustong gusto ko na magpakamatay.

Nag kita ako ng isang blade sa may cr namin. At ito na siguro ang tatapos sa buhay ko.

I placed it on my risk sa baba ng palad ko kung saan nandoon ang mga ugat na pwede kong putulin.

Tama ang desisyon ko sabi ng sarili ko pero sabi ng konsensiya ko hindi ito ang tama pero pilit na bumabalik sa isipan ko ang mga nangyayari sa buhay ko. Mas lalo akong nanluluma at mas lalo akong nanghihina. Hindi ko na kaya.

Ito na ang pinaka hihintay ko. Nilalagay ko na ang blade sa aking risk pero may pilit talagang humahadlang sa mga ginagawa ko. Naiwan kong bukas ang pinto ng CR at bigla akong nakita ni Alex na magpapakamatay.

KATH!! Sigaw ni Alex nang nakita niya akong ganito.

WAG MO AKO PAKIALAMAN! Sigaw ko sa kanya.

Bigla siyang lumapit sa akin at bigla niya akong niyakap sa likod ko.

Kath, hindi ito ang tamang panahon para gawin mo yan. At hinding hindi dapat dumating yung panahon na gagawin mo yan. Kath, mag isip isip ka nga! Biglang hinawakan niya ang dalawa kong braso at tinitigan niya ako sa aking dalawang mata at sinabi niya yan sa akin.

ALEX! HINDI MO AKO NAIINTINDIHAN! AT KAILANMAN AY HINDI MO AKO MAIINTINDIHAN! Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Naiintindihan kita kath. maniwala ka sa akin. hindi pa naman katapusan ng buhay mo ngayon eh. may mga bagay ka pang dapat gawin sa mga susunod na panahon. Sabi niya sa akin.

ANO? ANG PAKASALAN KA HA? AYOKONG PAKASALAN KA ALEX! HINDI IKAW YUNG MAHAL KO. PERO YUNG MAHAL KO, GALIT SA AKIN NGAYON. PURO PROBLEMA NA AKO ALEX! Sigaw ko sa harap niya

SA TINGIN MO BA KATH SASAYA KA SA LAGAY NA YAN? AKALA KO BA MATAPANG KA? AKALA KO BA HINDI KA SUSUKO? ANO BA?! Sigaw niya sa akin.

Hindi na ako naka imik sa kanya. Parang nanghihina na naman ako. Biglang sumakit yung ulo ko ng sobra kaya hindi ko inaasahang matutumba sa harap ni Alex at agad naman niya akong binuhat.

KATH!! KATH!! Sigaw ni Alex.

Nagising na lang ako sa aking kwarto. Maaliwalas, maliwanag, malamig, masaya ang pakiramdam ko sa mga oras na to. Nakita ko sa kaliwa ko si Alex. He's reading a book habang binabantayan niya ako.

Okay ka na ba? Tanong niya sa akin.

Oo okay na ako. Salamat ah. Anong nangyari sa akin? Tanong ko sa kanya.

Wala wala. Gusto mo ba kumain? Or what? Pagluluto kita. Bigla niyang sinabi sa akin.

Ahm. Wag na. Sorry. Sorry talaga Alex. Sabi ko sa kanya.

LUKE'S POV

Ilang buwan na din akong nag hihintay, ilang buwan na din ako nagpapakatanga. Ilang araw na din akong umaasa na babalik siya. Yun pala may mahal na siyang iba.

Para saan ang pag gising ko ng maaga para kausapin siya, para saan ang mga ngiti ko habang kausap ko siya, para saan ang pag iintay ko para sa kanya?

Iniwan na ba niya talaga ako? Wala na ba talaga akong puwang sa puso niya? Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng to? Bilang ganti niya sa akin?

Maaga akong nagpunta papunta kina Kurt para kausapin siya nababagot na rin kasi ako dito sa bahay. Tsaka wala na din naman akong dahilan para hintayin si Kath.

Nakita kong nakaupo siya sa isang tabi at umiinom ng beer.

Oh bro? Anong problema natin diyan? Tanong niya sa akin.

Ahm, si Kath. Pinag palit na ako. Nakakainis nga eh. Sobrang nakakainis. Sabi ko sa kanya.

Ha!? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo ha? Baka hindi mo lang siya naiintindihan kaya sinasabi mo yan! Sabu niya sa akin.

Hindi! Alam mo bang ilang buwan ko na siyang iniintay. At sasabihin niya sa akin na hindi siya makakauwi. Nang dahil siguro sa Alex na yun! Sabi ko sa kanya.

Sinong Alex ba yun at galit na galit ka? Sabi niya sa akin.

Bro, bahala na. Basta hindi na ako mag hihintay. Nakakapagod eh. Sobra. Ganito pala. Sabi ko sa kanya.

Gago ka ba Luke? Ilang beses nag tiis sayo si Kath! Tapos ikaw, susuko ka agad? Ilang beses mo siyang sinaktan pero hindi ka niya iniwan! Ilang beses ka niyang binigyan ng chance tapos ganyan ka? Gising bro! Gising! Sigaw niya sa harap ko.

Narealize ko ang lahat ng yon pero hindi ko maalis sa sarili ko ang pagka selos dun sa Alex na yun. Hindi ko alam kung bakit. Kasi kapag selos na ang tumama sa akin hinding hindi na to maaalis lalong lalo na na nasa malayo sila.

Oh ano bro? Na realize mo na ba kung gaano ka katanga ha? Sigurado akong hindi ka ipagpapalit ni Kath. Ano pustahan pa tayo. Sabi niya sa akin.

Pero sigurado ka talaga bro? Sabi ko sa kanya.

Tss. Ayaw mo ba talaga maniwala? Ano ba yan. Kung mahal mo talaga siya, hindi ka mag dududa. Alam kong mahirap ang long distance relationship pero kailangan kasing hindi mawala yang tiwalang yan bro eh. Wag na wag mong bibitawan yan kase once na mabitawan mo, lahat ng bagay mawawala. Sa isang salita mo lang, wala na lahat. At lahat ng yon pagsisisihan mo sa huli. Bro, mag tiwala ka sa girlfriend mo. Kilala namin si Kath. Payo sa akin ni Kurt.

Salamat talaga bro. Pero bahala na talaga. Sabi ko sa kanya.

Loko ka talaga bro. Anong bahala na bahala na? Hindi pwede yan! Ano ka ba? Paano ka magiging masaya at paani mapapanatag yang kalooban mo kung puro ka bahala na? Try mong maging positive kahit minsan lang. Wala kang pag sisisihan sa huli. Maniwala ka sa akin bro. Kahit itanong mo pa kay Joseph. Sabi niya sa akin.

Nagsimula na akong umiyak nang hindi ko inaasahan. Ganito pala talaga kapag malayo ka sa taong mahal mo. Ang hirap mag tiis pero kailangan mong mag tiis. Mahirap bitawan ang tiwala lalong lalo na kung puro hinala ang naiisip mo. Mahirap makipag sabayan sa takbo ng buhay kung wala siya sa tabi mo. At napakahirap mabuhay habang wala siya sa tabi mo.

Bro, matatag ka kaya. Alam ko na malapit na malapit na siyang umuwi. Wag ka ma bro umiyak! Para kang bakla eh. Haha! Peace! Sabi niya sa akin.

Hindi pa rin ako umiimik sa kanya dahil hindi ko talaga alam ang mararamdaman ko. Gusto ko kasi talagang makaharap yung lalaking yun eh. Gustong gusto ko na din makasama si Kath.

Bro, paano kung sila na ngang dalawa? Sabi ko sa kanya.

Tss. Ano ka ba, hindi mo naman yata pinakinggan yung paliwanag ni Kath eh tapos ngayon gaganyan ganyan ka? Hindi pwede yan Luke. Sabi sa akin ni Kurt.

Eh bro, ganito lang talaga kasi ako kapag selos na yung tumama sa akin. Paano na? Parang gusto ko na nga mamatay eh. Sabi ko sa kanya.

Patay agad? Napaka oa mo naman bro. Isipin mo nga yang sitwasyon niyo sa naging sitwasyon namin ng lintek na Mheeca na yun. Nagpakamatay ba ako? Nagpaka oa ba ako katulad ng pinapakita mo sa harap ko? Hindi maman diba? Hindi pa katapusan ng buhay mo yan. Gising! Sabi niya sa akin.

Magtiwala ka lang kay Kath. Sapat na yun para mag ka ayos kayong dalawa kasi nga pagn nawala na yang trust na yan. Pwedeng mawala ang lahatm Tandaan mo yan bro. Paala niya sa akin.

Pipilitin kong pairalin yung trust ko.. Pipilitin ko...

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon