Chapter 25
Chances
Sana tama ang desisyon ko. Sana maging masaya ako sa piling ni Zachy. Alam mong mahal na mahal niya ako at pipilitin kong suklian siya ng pagmamahal ng higit sa pinaparamdam niya.
Naaalala ko lahat ng nakaraan namin ni Luke. Yung mga biruan, tawanan, kulitan, asaran. Wala na ang lahat. Pero alam ko namang tama na ang ilang taon na kasama ko siya. Pero sinayang niya ang lahat. Hindi ko mapipigil na sumuko na tong puso ko. Ang hirap kasi sa tuwing hindi ko to sinusunod, mas lalo akong nasaaaktan.
Chineck ko ang facebook ko. Gusto kong malaman ang mga bagong updates sa mga friends ko dito sa facebook. Nakita ko, unang una si Luke sa news feed ko.
"Mamimiss kita ng sobra fart. Sana masaya ka na sa piling niya. Mahal na mahal pa din kita. Feeling broken " Post ni Luke sa facebook.
Tumulo ang luha ko sa post niya. Pero bakit naman niya kasi ako nasaktan ng ganun, ilang luha din kasi ang nasayang ko eh. Ilang pagpapatawad na din ang nagawa ko. Gusto man kitang balikan Luke pero hindi pwede.
Nandito kami sa bahay namin dito sa Laguna. Kasama ko si Zachy. Nakita niya akong umiiyak.
Baby? Bakit ka umiiyak? Sabi niya sa akin.
Nakita ko lang kasi yung post ni Luke. Bigla ko siyang naalala. Namimiss ko na siya. Sabi ko sa kanya.
Alam mo Kathrea, alam kong mahal mo pa rin siya. Sabi niya sa akin at napayakap ako sa kanya sabay tulo ng mga luha ko.
Zachy, hindi ko alam kung bakit nagkakaganto ako. Sorry Zachy. Pero mahal ko pa rin pala talaga si Zachy. Sorry zachy. Sorry... Sabi ko sa kanya habang umiiyak ako sa balikat niya.
Kathrea wag ka na umiyak. Iintindihin kita kahit ilang beses pa yan. Tutulungan kitang mapalapit ulit kay Luke kasi alam kong mahal nyo pa din ang isa't isa. Sabi niya sa akin.
Alam mo Zachy, ang tanga ng puso ko. Minsan kasi bumibigay, minsan lumalaban. Hindi ko na naiintindihan. Nasaktan ko si Luke tapos ngayon nasasaktan na kita. Sorry talaga Zachy. Hindi ko lang mapigilan ang mga emosyon ko. Sorry Zachy. Patuloy akong umiiyak sa kanya.
Tamana Kathrea. Okay lang ako. Sanay na ako at diba sabi ko sayo gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang? Diba sabi mo din, importante ang magparaya? Kaya gagawin ko yun. Gusto kong masaya ka Kathrea. Sabi niya sa akin habang hinahaplos ang likod ko.
Patuloy pa rin akong umiiyak sa mga nangyayari sa akin. Gusto kong balikan si Luke pero paano si Zachy. Ang tanga tanga ko. Hindi man lang ako nag isip bago ko to pinasok. Sobrang sakit.
Maaga akong natulog. Sa kwarto ni Kuya si Zachy natulog. Maaga din akong nagising at may nakita akong sulat na nakalagay sa ref.
"Good morning. Stay happy. Iniintay ka na siguro ni Luke sa Manila. Mag bihis ka na. Nahanda ko na pagkain mo. -bestfriend"
Dinikit ni Zachy ito. Nakita kong wala na din siya sa kwarto ni Kuya. Pinaghanda niya ako ng umagahan. Alam kong mali ang nagawa ko sa kanya pero pinilit niya pa rin akong intindihin.
Ang galing niya. Gusto ko siyang tularan kung paano siya nagiging matatag. Kung paano niya natitiis lahat ng sakit ng hindi umiiyak at hindi gumagawa ng mali. Kung paano niya parin ako minamahal kahit hindi ko magawa sa kanya ang klase ng pagmamahal niya. The best talaga siya.
Naisip kong puntahan si Luke sa kanila. Bumyahe akong mag isa ulit kagaya ng pagpunta ko dito sa Laguna. Minsan, na rerealize ko na ang sarap din pala minsan mapag isa. Fresh yung naiisip mo. Walang problema. Happy go lucky. Walang heartaches. Wala as in, chill lang. Pero sa tingin ko eh hindi ko kaya kapag matagalan na mag isa. Hinding hindi ko kaya.
BINABASA MO ANG
Stupid Crush (COMPLETED)
Teen FictionHow can i find you bewitching and me being ignored like a white crayon. how can my happiness defined as your happiness despite of being one of your girls? why cant i just remove you out of my system? Stupid Crush. Why is called "STUPID CRUSH"? Beca...