Chapter 45-Hope

136 7 1
                                    

Chpater 45

Hope

Lungkot ang tanging nadarama naming lahat. Hindi mapigilan ang pag luha ni Daddy nang sabihin niya ang totoo sa harap namin.

Habang pauwi na kami ay walang umiimik sa amin. Si Daddy walang tigil sa pag iyak. Si Kuya at Ate naman ang nag cocomfort kay Daddy. Alam kong mali na nasigawan ko si Daddy pero kung agad niya namang sinabi yung problema edi sana hindi mangyayari to.

Huminga ako ng malalim para kausapin si Daddy. Kaya sinubuksan ko kahit feeling ko ay galit siya sa akin.

Daddy. Sorry. Sabi ko sa kanya. Hindi ko aakalaing mauunawaan niya ang pag sosorry ko kahit nasigawan ko siya kanina.

Anak, okay lang yun. Basta mga anak, tulungan niyo akong makabayad sa utang natin sa Daddy ni Alex. Sorry Kath, nadamay ka pa dito. Sorry. Sabi ng daddy ko at nagsimula na ulit siyang umiyak.

Dad. Wag ka ng umiyak. Nandito lang kami. Wag kang mag alala. Sabi ni Kuya kay Daddy.

Salamat mga anak. Sorry talaga ah. Hindi ko na alam kung paano ako makakabayad sa kanila. Sabi sa amin ni Daddy.

Okay lang Dad! Diba yung promise ko sayo na mag tatrabaho ako para sayo? Maghahanap ako ng trabaho agad agad! Sabi ko kay Daddy.

Oo Daddy at tsaka siguro hindi na muna kami mag babakasyon at magpapakasarap ni Lovely dito sa Korea. Mag hahanap na din kami ng pwede naming pasukan. Architect na kami eh. Sabi ni Kuya kay Daddy.

Salamat salamat salamat ng madami mga anak. Basta wag niyong kakalimutang magpasalamat sa Diyos dahil kahit ganito na ang sitwasyon natin ay hindi pa rin niya tayo pinapabayaan. Mga anak, tandaan niyo na mahal na mahal ko kayo. Sabi ni Daddy sa amin kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

Anak, sorry. Matutuloy yung kasal mo pagdating mo ng 30 years old. May pag asa pa namang mahinto kung mababayaran ko yung utang pero hindi ko alam kung paano. Sorry talaga anak kasi napapansin kong ayaw mo kay Alex. Naiintindihan ko yung point mo dati. Sorry talaga Kath. Sabi sa akin ni Daddy.

Okay lang Daddy. Kung mangyari man yun, masama bang mahalin ang isang tao na tulad ni Alex? Daddy, noon ko lang naman po siya hindi nagustuhan eh. Pero Daddy, para sa inyo gagawin ko ang dapat. At matututunan ko rin pong mahalin si Alex. Sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.

Anak, salamat talaga. Salamat at lagi kayong nasa tabi ko. Lagot ako nito sa mommy niyo, baka isipin niya na pinapabayaan ko na kayo. Sorry mahal. Sabi ni Daddy at bigla siyang tumingin sa taas para makapag sorry kay Mommy.

Daddy, maiintindihan yun ni Mommy. Dun ako nag mana. Sobrang mapagmahal ni mommy kagaya ko. Oh. Sabi ko kay Daddy.

Anak, kaya mo bang isakripisyo ang pagmamahalan niyo ni Luke dito sa desisyon na haharapin mo? Tanong sa akin ni Daddy na nakapag pa lungkot sa akin.

Sa totoo lang ay hinding hindi ko kayang i give up si Luke dito sa desisyon na to. Mahalaga siya sa akin at siya ang mahal ko. Kung hindi lang to nangyari edi sana wala ng gulo. Sana ay mainti dihan niya ang desisyon ko.

Daddy, hindi ko nga po alam kung makakaya ko ang mga mangyayari sakin kapag pinasok ko to. Ginagawa ko lang naman to dahil para sa inyo eh kasi gusto ko kayong maging masaya ulit. Sabi ko kay Daddy.

Anak, mas okay na maging masaya ka kaysa sa akin. Anak, siguro tamana ang napaka raming taon para mabuhay ako. Gusto ko namang kayo naman ang maging masaya. Anak, kung ayaw mo sa desisyon na ito wag kang mag pumilit. Kath, alam kong si Luke ang mahal mo. Mahirap iwanan ang taong minahal mo ng lubos at minahal ka rin ng totoo. At hindi mo siya pwedeng saktan. Kath, lahat ng bagay ay pwedeng madaan sa matinong usapan. Kung mahal ka talaga ni Luke, susundin niya ang kung anong nilalaman ng puso mo. Kath, mahalin mo siya kung gaano ka niya minamahal. Sabi sa akin ni Daddy at biglang tumulo ang mga luha ko.

Daddy, ayoko pong saktan si Luke pero paano po kayo? Paano po yung mga pangarap niyo? Daddy, hindi naman po pwedeng pabayaan namin kayo. Sabi ko sa kanya.

Anak, okay lang ako. Tahan na, lilipas din ang lahat ng ito. Lahat ng kalungkutan, lahat ng pighati, lahat ng ating pagtitiis ay nararamdaman kong malapit ng napawi. Wag lang tayong mawalan ng pag asa anak. Kaya natin to. Sabi ni Daddy sa akin.

Pagkauwi namin sa bahay ay napag isipan kong maging mag isa muna. Napaka hirap ng sitwasyon namin lalo na si Daddy. Gusto kong sabihin ito kay Luke. Ito na ang pwede kong masabing rason kung bakit hindi ako makakauwi at sana maintindihan niya ako.

Dali dali kong binuksan ang skype para kausapin si Luke. Inayos ko ang mukha ko kasi baka mahalata niyang umiyak ako at ayoko pang mag alala siya. Gusto kong maramdaman niya na kahit wala ako sa tabi niya ay nandito parin ako sa puso niya.

Luke
Dialing....

Beb? Oh kumusta? Tanong niya sa akin.

Okay naman. Sagot ko sa kanya.

Bakit nga pala napatawag ka? May problema ba tayo diyan? Sabihin mo lang beb. Tutulungan kita. Sabi niya sa akin.

Kasi hindi ako makakauwi diyan sa kadahilanang... Putol kong sinabi sa kanya dahil sa sobrang kaba ko.

Ano yun beb!? Pagtataka niya.

Lubog na lubog na kami sa utang... Hindi na kami makauwi at nahihiya rin kami kasi baka kung anong sabihin ng mga tao. Sorry Luke. Sorry. Sabi ko sa kanya at hindi ko inaasahang maiiyak na naman ako.

Huh!? Bakit!? Kanino kayo may utang!? Tanong niya sa akin.

Sa Daddy ni Alex. Sabi ko sa kanya.

Sinasabi ko na nga ba Kath eh! Walang maiidulot na maganda sayo yang Alex na yan. Kath, alam mo naiinis na ako. Tuwing gabi kong naiisip na magkasama kayo. At kung ano ano pa. Siguro kaya ayaw mo umuwi dahil diyan sa lalaking yan ano? Sumagot ka Kath! Pagsusumbat niya sa akin.

Luke! Hindi! Mag kaibigan lang kami--. Pinutol niya ang pagsasalita ko.

Yan! Yang lintik na pagkakaibigan na yan! Hindi mo ba alam na diyan nagmumula ang lahat ha? At siguro gusto ka din niyang Alex na yan! Kath naman! Wag mo namang gawin sa akin to oh! Pagmamakaawa niya sa akin.

Hindi mo ako naiintindihan!!! Naiiyak kong sinabi sa kanya.

Kath, kung mahal mo ako hindi mo ako ipagpapalit sa kanya. Kung mahal mo ako uuwi ka dito. Kung mahal mo ako gagawin mo ang lahat para makita ako. Kung mahal mo ako kakalimutan mo si Alex! Kausapin mo na lang ako kapag uuwi ka na dito! Bye! Sumbat sa akin ni Luke.

Hindi niya ako naiintindihan. Hindi ko siya kayang ipagpalit kay Alex. Siya ang mahal ko. Siya lang talaga at hinding hindi ko nararamdaman ang pagmamahal sa akin ni Alex kagaya ng pagmamahal ni Luke sa akin.

Lord, bakit po sunod sunod na naman po itong mga problema? Paano ko na po haharapin ang mga sunod pa na problema kung ngayon pa lang ay patong patong na? Lord, please give me a sign. Hindi ko na po kayo. I wanted to give up pero may pilit na tumututol na dapat daw akong lumaban pero paano ako lalaban kung mismong yung mga taong pagkukuhanan ko ng lakas ay nawala at lumayo sa piling ko?

Lord, paano ko po sasabihin kay Luke ang totoo na magpapakasal kaming dalawa ni Alex? Lord, kailangan ko po ng sagot niyo. Ipagpapatuloy ko pa po ba ang desisyon na to?

Pero mahal ko po si Daddy. Ayoko pong gawan ng masama ng pamilya ni Alex si Daddy.

I feel so much tired, sad, depressed, lonely, wasted, broke and fallin' apart. I don't know what to do. I need a sign. I need someone to talk to. Until I saw a text message from Alex.

"Don't lose hope"

Si Alex nga ba ang sign ng lahat ng to? Bakit? Paano?

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon