Chapter 3- "I need you Kath"

522 13 2
                                    

Sa mga nagtatanong doon sa chapter 1 mini prom lang ang nangyari haha. Prom lang kasi ang nakalagy. Sorry. And sa Chapter 2 3rd year hs na sila.  Tsaka sorry din sa ibang magulo. Comment na lang po :)

Chapter 3

"I need you Kath"

Namimiss ko ang lahat. Namimiss ko mga kaklase ko. Namimiss ko na mga teachers ko. Namimiss ko na sina Kuya Joseph. Namimiss ko na si.... Luke...

Pagpasok ko sa classroom, may mga banners at sobrang saya ko kasi bumungad sa akin ang mga classmates ko at pati na rin si Sir na may dalang roses para sa akin.

WELCOME BACK KATH!!!! Sigaw nila.

Grabe ang saya saya ko, biglang tumabi ang mga kaklase ko at biglang pumunta sa unahan sina Luke na may gitarang dala dala kasama sina Kurt at Kuya Joseph.

Ano ba tong nararamdaman ko. Nangiinit ang pisngi ko. Hindi ko maintindihan.

Kay tagal nating di nagkita

Akoy' sabik na sabik na sayo

Kamusta ka na nalulungkot ka rin ba

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ang mga titig sa akin ni Luke.

Napatingin ako kay Kuya Joseph na nakangiti sa akin. Grabe. I really feel the love. ❤

Kahit malayo ka sa piling ko

Umulan bumagyo, ayos lang

Kamusta ka mahal ko okay ba?

Ughh.. Kinikilig ako! Ganito pala talaga ang feeling kapag isang napaka gwapong lalaki ang nasa harap mo. Never ko tong naexperience.

Welcome back kath! Sigaw nilang tatlo.

Thank you everyone! Thank you Luke, Kurt, and Kuys Joseph! Thank you classmates! Thank you din po sayo Sir! Namiss ko kayong lahat! Thank you for this wonderful surprise! I love you all! At good news nga po pala, Magaling na po ako. :) Pagpapasalamat at pagpapaliwanag ko.

Wow Kath! I'm so happy for you!!! Bigla akong niyakap ni Luke at bumulong sa akin.

Biglang namula ang pisngi ko. Na fa-fall na naman ulit ako. Ayoko na. Ayos na sila ni Coleen diba? Tamana Kath, stop daydreaming.

Thanks Luke! Sagot ko.

Nandito na ako ngayon sa canteen, kumakain ng baon ko. Hindi na ako pwedeng bumili at uminom dito eh.

Wala akong kasama ngayon. Pero okay lang, sanay na naman akong mag isa.

Dumeretso na ako sa classroom para maghanda para sa nalalapit na 1st quarter exams. Sabi din kasi sakin ni Sir na excuse na daw ako sa mga kulang ko. Pero kailangan ko pa rin aralin yung mga naiwan ko.

English... Check.
Math.... Check.
Science... Check.
Filipino... Check

Yan palang ang mga naaral ko kase inuna ko ang mga major subjects. Hay buti na lang walang klase ngayon kase kelangang mag complete ng iba dahil nga malapit na ang exams.

Naisipan kong pumunta sa Library para mag basa basa. Nakita ko sa canteen na nag iisa si Luke at parang malungkot.

Nilapitan ko siya at binigyan ng candy.

Luke. Bakit ka malungkot? Tanong ko.

Wala naman. Sagot niya na parang hindi talaga siya okay.

Wag ka na mag lihim saken. Mapagkakatiwalaan ako promise. Pagpapaliwanag ko.

Umalis na kase si Coleen. Nagpunta na siya ng States at doon niya ipagpapatuloy ang pagaaral niya. Sabi sa akin ni Luke.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon