Chapter 27
Ngiti
Huy Zachy! Wag ka ngang ganyan makatitig kay Mheeca, baka makita ka ni Kurt! Sabi ko sa kanya.
Lagi na lang ba ganito? Tanong ni Zachy at umupo siya sa isang tabi.
Zachy.. Hindi ito ang tamang panahon. Hindi mo naman alam ang takbo ng buhay eh. Dadating din ang tamang tao para sayo sa tamang panahon at sa tamang lugar kaya wag kang mag alala. Sabi ko sa kanya habang hinahaplos ko ang likod niya at biglang lumapit si Luke.
Anong problema? Tanong sa akin ni Luke.
Ah wala Luke. Sige maiwan ko na muna kayo. Sabi ni Zachy sa amin ni Luke.
Problema nun? Tanong ni Luke.
Wala yun beb. Di ko rin kasi siya maintindihan. Sabi ko kay Luke.
Sigurado ka ba? Baka naman kailangan niya ng tulong natin? Sabi ni Luke sa akin.
Hindi na siguro yun. Sabi ko sa kanya.
Bumalik kami sa kinaroroonan nina Kurt.
Oh pare bakit anong problema nun? Tanong sa amin ni Kurt.
Wala bro. Sabi ni Luke.
Habang nakatambay kami sa beach ay may mga lumapit na mga babae sa amin.
Pwede po bang mag papicture sa inyong tatlo!? Sabi ng mga babae at kinikilig habang nakatitig kina Kurt, Luke, at Kuya Joseph.
Sure.. Sabi nila.
Nakakatuwa lang kasi hanggang dito ay may nagmamahal pa rin sa kanilang tatlo. Ganito talaga ang unang unang nakita sa kanila ng mga fans nila ang pagiging approachable.
Thank you po!! Sigaw ng mga babae at sabay umalis.
JOSHUA'S/ZACHY'S POV
Hindi ko alam kung anong magiging desisyon ko. Hindi ko alam kung gagawin ko ba ang mga nasa isip ko or ititigil ko na ito dahil alam kong may mahal na siyang iba.
Nakita ko na nakatambay si Kath sa isang tabi ngayong mag gagabi na.
Kathrea, bakit ka pa nandito? Tanong ko sa kanya.
Ah, wala lang nag iisip isip lang. Sabi niya sa akin habang nakatitig siya ng deretso sa paligid.
Ah.. Sabi ko sa kanya.
Teka, kumusta ka nga pala? Sabi niya sa akin.
Eto, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lagi naman kasi akong sawi kaya kailangan ko ng tanggapin. Sabi ko sa kanya.
Zachy. Susuportahan kita kahit anong gawin mo kasi alam kong mabuti kang tao. At hinding hindi ka yung katulad ng mga lalaking nagkalat diyan. Sabi niya sa akin.
Pero Kathrea, bakit lagi na lang akong pinapaasa ng tadhana? Bakit palagi na lang niya akong pinaglalaruan? Baka kasi naisip ko na mas mahina ang puso ko kaysa sayo kahit ako yung lalaki at ikaw yung babae. Sabi ko sa kanya.
Zachy.. Siguro iparealize mo na lang sa sarili mo na dadating yung time na dadating din yung tamang babae para sayo. Zachy, wag mong intayin. Wag kang umasa. Wag kang magpaka tanga. Maawa sa sa sarili at sa puso mo. Sabi niya sa akin.
Eh bakit naman kasi kailangan ko pa siyang mapanaginipan? Bakit kailangan ko pa siyang makita? Bakit kailangan pang may nanliligaw sa kanya? Pinaglalaruan na kasi talaga ako Kath eh. Pero hindi ako susuko Kath. Hinding hindi. Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Stupid Crush (COMPLETED)
Novela JuvenilHow can i find you bewitching and me being ignored like a white crayon. how can my happiness defined as your happiness despite of being one of your girls? why cant i just remove you out of my system? Stupid Crush. Why is called "STUPID CRUSH"? Beca...