Chapter 43-"I will risk everything"

122 5 0
                                    

Chapter 43

"I will risk everything"

Dumaan ang first examination namin hanggang sa 4th examination. Dumaan din ang Halloween Party sa school. Ang Pasko at ang bagong taon.

Nakakapanibago. Lahat nawala. Lahat ng saya nabawasan. Halong lungkot at saya ang naranasan naming pamilya noong pasko at bagong taon.

May handa kami pero hindi ito sapat para sa amin. Hindi ko alam kung bakit kami nagigiput ng ganito. Hindi ko na lang inintindi kasi para sa akin ang mahalaga ay alam namin ang kahulugan ng pasko at bagong taon sa mga buhay namin. 

Kahit sobra na akong nagtipid habang pumapasok ako. Pambili ng nga gamit sa projects, bayad sa test papers, pambili ng mga bagong ballpen at iba pa. Lahat ng yon ay nagawa ko pero may nakalaan parin ako para kay Daddy. Alam kong may problema si Daddy pero hindi niya pinapahalata sa amin kaya pinapasaya ko na lang siya araw araw kahit alam kong hindi sapat ang tulong na yon para maging masaya siya.

Last year ay naka graduate na sina Kurt, Kuya Joseph, Cindy at si Luke. At may trabaho na agad lahat sila nagayon. Nakakatuwa lang kasi ang bilis bilis ng panahon. Malalaki na kami. Nakatapos na lahat kaming mag aral. May trabaho na ngayon.

At ngayon naman, ako naman ang gagraduate. Ito na ang pinakahinihintay ko sa buong buhay ko. Ang pangarap kong makapag tapos ng pagaaral. Nag pursigi ako sa pag aaral para matupad ang pangarap ni Mommy. Lahat ng bilin niya ay hinding hindi ko makakalimutan. Sobrang saya ko ngayon. Nakakamiss tuloy nung kabataan ko na lagi kaming masaya na namamasal sa malls, kumakain sa jollibee, naglalaro sa park at marami pang iba. Yung tipong walang problema? Puro saya lang. If I could just only turn back time.

Madami ang bumati sa akin ng Congratulations sa text, sa facebook, sa twitter, sa instagram at pati na rin sa mga viewers ko sa Youtube pero ang pinaka importanteng bumati sa akin ay ang pinaka mamahal kong si Luke Kenneth Hernandez.

Maaga pa lang ay tinawagan na niya ako sa skype para batiin at agad ko naman siyang sinagot.

CONGRATULATIONS!!! Sigaw niya pagkabukas ko ng skype.

Thank you!!! Sabi ko sa kanya at nakita kong may nilabas siyang cake at nakalagay sa ibabaw ng cake ang isang picture naming dalawa at ang text na nakalagay sa cake na Congratulations Beb! I love you!

Wow! San mo yan pinagawa? Tanong ko sa kanya.

Grabe ka naman. Ako kaya nag bake nito! Sabi niya sa akin.

Ay sorry na! Haha! Sabi ko sa kanya.

Malapit ka ng umuwi dito Kath!! I'm so excited! Sabi niya sa akin.

I'm excited ka diyan! Wag ka masyado ma excite baka hindi matuloy! Sabi ko sa kanya.

Bakit? May pusibilidad bang hindi matuloy? Sabi niya sa akin.

Joke lang! Ano ba 'to! Seryoso agad! Sabi ko sa kanya.

Eh dalian mo na kasi ang pag uwi eh! Kakainin pa natin to ng sabay pag ka uwi mo! Sabay lapit niya ng cake sa camera.

Eh baka bulok na yan bago ako dumating diyan eh. Sabi ko sa kanya.

Unless kung matatagalan ka diyan. Sabi niya sa akin.

Wag ka ngang malungkot diyan! Uuwi ako! Gustong gusto ko na rin kayo makita! At sobrang miss na miss ko na ang barkada kung alam niyo lang! Sabi ko sa kanya.

Mas miss ka namin Kath! Kung alam mo lang din! Sabi niya sa akin at may biglang kumatok sa pinto.

Sige Luke! Bye na muna ah! Thank you ulet! Sabi ko sa kanya at dali dali kong inend call yung tawag.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon