Chapter 32
Sana
Dedicated to NeverFeltThisBefore salamat bebe sa support. :') sa laging pag vote and comment
-------------KATH'S POV
Maaga akong nagising para makapag enroll na din. Malapit lapit na din kasi ang pasukan. Sinamahan ako ni Daddy at dumeretso na kami sa bahay pagkatapos.
Pag kauwi namin sa bahay ay tinanong ako ni Daddy.
Anak, gusto mo bang pumasok sa Korea? Kasi yung anak ng kaibigan ko. Doon na siya papa-pasukin. Mga kaedad mo lang siguro siya anak. Sabi sa akin ni Daddy.
Ahm, dad.. Pag iisipan ko pa po. Sabi ko sa kanya.
Anak, bilisan mo ah. Kailangan na kasing makuha yung desisyon mo eh. Wala ka din namang dapat ipag alala kasi isasama ko si Kuya mo at si Ate Lovely mo. Ihahanap ko sila ng trabaho doon at magbabakasyon na din sila. Sabi sa akin ni Daddy.
Okay Dad. Akyat na po ako. Sabi ko sa kanya.
Naisip ko ang mga sinabi ni Daddy sa akin. What if doon na lang din ako mag aral? Nandun naman sina kuya at wala akong dapat ipag alala. Pero paano yung mga kaibigan ko na maiiwan ko dito sa Pilipinas? Siguro naman ay maiintindihan nila ako.
Sasabihin ko na lang kay Daddy na pumunta ulit sa UP dahil nakapag enroll na nga ako. Nakapag desisyon na din ako na doon ko na ipag papatuloy ang pag aaral ko.
JOSEPH'S POV
Kasama ko ngayon si Cindy na katatapos lang naming mag simba. Kasama ko ang pamilya niya. Napaka sarap sa pakiramdam ng ganito.
Pagkatapos naming sumimba ay nakatanggap ako ng text galing kay Kurt.
"Bro, kailangan ko ang tulong niyo. Please. Andito ako sa bahay." Text niya sa akin.
Dali dali kong sinabi ito kay Cindy at nagpaalam na kami sa mga magulang niya. Kailangan namin siyang tulungan. Tinext ko na rin si Luke na agad namang nagreply.
Ano na naman kayang ginawa ni Mheeca sa kanya?
Pagkarating namin sa bahay nila Kurt ay nakita ko ang napaka daming alak na nakapaligid sa kanya. Nag inom na naman to ng hindi namin nalalaman. Baka kasi kung ano ang magawa nito kapag nalasing ng todo eh.
Bro... Sabi niya sa amin na agad namang lumapit. Mukha naman siyang hindi lasing eh.
Bakit ang dami mong nainom Kurt? Baka kung mapano ka! Sabi ni Cindy sa kanya.
Hindi akin yan. Wag kayong mag alala. Sabi sa amin ni Kurt.
Ano bang problema? Sabi ko sa kanya at pinaupo niya kami sa isang tabi.
Napaka raming banta ang natatanggap ko kay Mheeca. Alam ko na ang dahilan kung bakit siya nag kakaganito. May nangyaring hindi maganda sa nanay ko at sa nanay niya pero hindi niyo na dapat malaman pa. Tulungan niyo ako mga bro. Baka kung anong gawin niya sa akin. Sabi sa amin ni Kurt.
Bro, kalma. Kalma lang. Okay? Sabi ko sa kanya.
Ano bang mga banta ang sinasabi niyang Mheeca na yan sayo? Sabi ni Luke.
Mamatay daw ako soon. Mamamatay din daw sina Mama at Papa. Napaka rami niyang banta. Bro, kailangan kong mapigilan ang mga gagawin niya. Sabi sa amin ni Kurt.
Teka, may naaalala ako. Sabi ni Luke.
Ano yun?! Sabi namin.
Naaalala ko nung nasa beach resort tayo sa Cavite. Naaalala ko yung sinabi sa akin ni Kath.. Sabi sa amin ni Luke. Hindi na niya naituloy dahil nalungkot siya pagkatapos niyang banggitin ang pangalan ni Kath.
BINABASA MO ANG
Stupid Crush (COMPLETED)
Teen FictionHow can i find you bewitching and me being ignored like a white crayon. how can my happiness defined as your happiness despite of being one of your girls? why cant i just remove you out of my system? Stupid Crush. Why is called "STUPID CRUSH"? Beca...