FG [21]

2.3K 148 89
                                    

Unforgettable

×××

Adeline's POV

"Hello?" I answered the call. I don't want to seem rude kaya sinagot ko na 'yung tawag kahit hindi para sa'kin. Kaysa naman pabayaan ko 'yung tawag 'di ba?

"Ummm... Hello?" Paguulit ko but the other line remained dead silent. Ilinayo ko 'yung cellphone sa tainga ko at tiningnan kung nasa linya pa rin ba, and nandu'n pa naman 'yung caller named Brian.

"Ah, hello, Brian? I guess you're a friend of Timothy. I'm sorry but he's not here right now. He unknowingly left his phone. By any chance, you want to leave any message? I can tell it to hi--" The toot sound cut me off. What the hell?! Binabaan niya ako! Aba! Bastos kausap 'to ah! Ako na nga 'yung nagma-magandang loob na kausapin siya ta's bababaan niya lang ako?

"Bastos 'to ah!" Sigaw ko na lang du'n sa cellphone at linagay sa mini table ko. Hindi na nga ako kinausap binabaan pa ako. Tch!

Bumalik na lang ako sa kama ko at nagbasa. Pinahirapan na ako maghanap nu'ng cellphone, hindi na nga ako kinausap tapos binabaan pa ako. Eh 'di wow!

Minutes passed and I lost interest. Boredom strikes folks! Lumabas na lang ako ng kwarto at bumaba para pumunta sa kusina. Kumuha ako ng snacks sa cupboard at soft drinks in-can sa ref.

Lumabas ako at naglibot-libot sa buong bahay. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa likod.

"Woah!" Napanganga na lang ako sa nakita ko. I didn't expect that there'll be a garden here. And a swimming pool, not to mention. The ambiance here is so relaxing.

Tinanggal ko 'yung slippers na suot ko at umupo ako sa may gilid ng swimming pool. Nakalubog 'yung paa ko sa tubig. Kicking, playing and splashing. I am not a big fan of pools, kasi hindi naman ako marunong mag-swimming. But I must admit, playing with water is nice.

It only took me a few minutes to finish my snacks. My mind starts to wonder again. Tapos naalala ko na naman 'yung tumawag kanina.

Ano kaya'ng nangyari du'n?

Ang weird niya kasi eh! Sobra. At least man lang sana, nag-hello siya 'di ba? Iisipin ko na lang sana na wrong number, kaso hindi eh. Naka-save sa contacts 'yung number niya eh.

I sighed. Bahala na siya. Mukhang si Timothy talaga 'yung gusto niyang kausapin. Masyado yatang private 'yung paguusapan nila.

I just tried to shrug the thought off. It's none of my business anyway.

Timothy's POV

Kinuha ko 'yung susi ng kotse sa coffee table at 'yung cap ko sa kwarto.

"Adeline, lalabas lang ako saglit, ha?" Pasigaw na paalam ko. Nandu'n kasi siya sa kwarto niya. I'm guessing she's making herself busy with her books. Wala pa naman kasi siyang cellphone and I'm going out to buy her that.

"Okay!!" Sagot niya. Lumabas na ako at pumunta sa kotse ko. But I made sure that the gate was locked. Walang ibang pwedeng pumasok and Adeline can't go out. Hindi siya familiar dito sa village so it's better if she'll stay inside and secured.

Nag-drive ako hanggang sa makarating sa mall. Dumiretso agad ako sa kailangan kong punatahan. They greeted me by the time I entered.

Tumingin ako sa mga bagong models na naka-display. Tinuro ko 'yung isang phone na silver 'yung kulay. "Is this the latest model?" tanong ko 'dun sa sales lady.

"Yes sir. Do you want to see it?" she asked. Tumango na lang ako. Umalis siya saglit at pagbalik niya ay may dala na siyang box.

Ilinabas niya 'yung phone at ipinakita sa'kin. May kung ano-ano siyang in-explain sa'kin.

FanGHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon