Prelude

8.6K 342 261
                                    

×××

"Oh my gosh! Kyaaaaah!! Ayan na! Ayan na! Kyle!!"

"Pakasalan mo na 'ko Alex!!!!!"

"Ayiieee!!! I love you Theo!!"

"Mahal na mahal kita, Cody Kent!"

"Timothy! Timothy!"

"Hoy!! Nathan!! Pansinin mo ako!!! Kung ayaw mong patayin kita gamit ang sarili mong baba!!!"

"Psh! Hanggang sigaw lang naman kayo mabuti pa ako, abot hanggang dorm nila." Proud na sabi ko sa sarili ko.

"Go Brian! I love you! Pahinge naman ng pandesal mo!!" Sigaw ko kahit 'di nila naririnig. Ang ingay kasi!

"Mamaya na nga lang ako sa backstage at dorm niyo!" Pinanuod ko na lang 'yung buong concert nila at nakisigaw gaya ng ibang fans.

Nang matapos 'yung concert, sumunod kaagad ako sa kanila sa backstage. To be specific, si Brian ang sinusundan ko na katabi naman ni Timothy.

"Hays. Kahit kailan talaga ang gwapo mo. Alam mo, hinding hindi ako magsasawa sa'yo at sa abs mo. Hihihi!" Kahit hindi nila ako naririnig, masaya akong nandito ako sa tabi nila at nasasabi 'yung gusto kong sabihin nang hindi naba-bash ng ibang mga fans niya.

I cling on his left arm and lean my head on his shoulder. Lagi kong ginagawa 'to lalo na kapag nakaupo siya at mag-isa.

It's my first time doing this habang naglalakad siya.

"Nararamdaman mo ba 'yun, Tim? Parang... Parang lumamig?" Tanong ni Brian. OMG! Nararamdaman niya ako!!

"Ako 'yun, Brian! OMG!! Nararamdamam mo ako! Ako 'yun!!" Sigaw ko kahit alam kong walang kwenta 'yung ginagawa ko.

"Huh? Pinagsasasabi mo? Ang init-init nga eh!" Sabi ni Timothy habang pinapaypayan ang sarili.

"Eh? Hindi ba? Ang lamig kaya!" Protesta ni Brian. Tumingin naman siya sa kabila niya kung nasaan si Theo.

"Oy, Tinidor! Naramdaman mo ba 'yung lamig?" Tanong niya kay Theo.

Pero dahil isang dakilang alien si Theodore, hindi niya pinansin si Brian babes ko.

"Aish! Ako nga kasi 'yun Brian!" Pagpupumilit ko kahit alam kong hangin lang ako sa kanya.

"Hay nako Bry, imagination mo lang 'yan. Tara, ikain mo na lang 'yan pagkauwi natin sa dorm." Pagkumbinse naman ni Nathan.

"'Wag ka makinig sa baba niya! Ako nga kasi 'yun!" Ipu-push ko talaga 'to.

"Siguro nga." Hays. Wala ng bago. Palagi na lang ganito 'yung resulta ng kahit anong ginagawa ko.

Hindi ba magkakaroon ng miracle? Kahit parang 'yung kanta lang nila? Can I have a chance to talk to them even for just one day?

Halong lungkot at saya ang nararamdaman ko sa bawat araw na nandito ako.

Malungkot kasi hindi nila ako nakikita at nakakausap.

Ngunit masaya dahil kahit hanggang banyo nasusundan ko ang bias ko.

Ano? Gusto mo ba maging katulad ko? Ang maging fanGHOST?

Madali lang 'yan! Magpakamatay ka! Hindi, joke lang! ^_^V

×××

hays! bts fic na naman! xD pagpasensyahan! gusto ko 'to eh! sarreh naman.

"FanGHOST"

11/01/14

edited [160408]

FanGHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon