Acceptance
xxx
Timothy's POV
"Where the hell are you, Seungcheol? I've been waiting here for almost an hour now!" bulyaw ko sa kausap ko sa kabilang linya.
"Chill, bro! I'm almost there. May dinaanan lang akong importante," paliwanag niya. Seungcheol is a friend of mine and I asked him a favor to fetch me from the airport pagkadating ko ng LA.
And you read it right, I'm finally back. Halos isang buwan din ako nawala dahil sa inayos ko pa 'yung pag-alis ko sa grupo, which I successfully did, at paghihintay kay ate na magising dahil s autos ni dad. Pero hindi siya nagising and I'm kinda happy for that. It's not that I'm wishing for her death, ang gusto ko lang ay magising siya pagkatpos naming magpakasal ni Adeline at magpakalayo-layo para wala na siyang magagawa.
"Sino na naman ba 'yang dinaanan mo? Si Jeonghan ba?" tanong ko. Actually sure naman ako na si Jeonghan 'yun eh, gusto ko lang na manggaling sa kanya.
"Alam mo naman pala eh. Wait, I'm gonna hung up now. Nakikita ko na kasi 'yung mukha mong lukot. Bye!" at ibinaba na nga niya ang tawag. Sakto naman na nag-park siya sa harap ko pagkatapos nu'n. Binuksan ko 'yung pintuan ng kotse at sumakay sa loob. Sinimulan naman niya kaagad ang pagmamaneho.
"So, bro, makikilala ko na ba 'yang childhood friend mo na slash fiancée mo? Huh? Huh?" pangungulit niya sa akin.
"'Wag ngayon. Ayoko munang mag-entertain ng bisita sa bahay. Gusto kong magpahinga kaagad pagka-uwi," sagot ko na lang.
"Oh come on man! Minsan na nga lang tayo magkita tapos ganyan ka pa sa'kin. Hindi mo man lang ba na-miss 'yung gwapo kong mukha?" at sinimulan na naman niya ang kanyang pagda-drama.
"Oh quit it! Ang bakla mo! Basta hindi pwede ngayon," tanggi ko uli. Sana naman tumigil na siya.
"Okay, fine." I sighed in relief. Thank God at sumuko din siya.
Ilang sandali pa ay huminto na 'yung sasakyan. Nandito na pala kami.
Nauna na akong bumaba at nagsabi na lang ng 'thanks, bro' bago isara 'yung pintuan ng sasakyan.
Naglakad ako papuntang front door at kumatok. Agad naman akong pinagbuksan ni Adeline ng pinto.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. I'm not used to this since she's the one who initiated the warm embrace.
"Hey, welcome home," sabi niya nang pagkabitaw niya sa yakap.
"Ang tagal mong nawala, ang boring tuloy ditto," kwento niya at halata ang sinseridad sa boses niya lalo na sa ngiti niya. Hindi ako makapagsalita. Sa pananalita niya parang na-miss niya ako.
"Oh, hindi ka man lang nagsabi na may kasama ka pala. It's a good thing that I cooked something for us," sabi niya habang sinisilip kung sino man 'yung nasa likod ko.
Huh? Eh wal—
"Hi, I'm Timothy's best bro, Seungcheol. You must be his fiancée? Right?" What the fuck?
"What the hell are you doing here? Akala ko ba naka-alis ka na?" iritadong tanong ko sa makulit na mokong na kasalukuyang nakikipag-kamay kay Adeline.
"Para namang hindi mo ako kilala. You thought that I'll give up that easily? You've got to be kidding me, bro," sagot niya.
"Why don't we eat dinner for now? Okay?" tanong na lang ni Adeline. Naramdaman niya siguro na sisimulan ko 'yung sagutan naming ni Seungcheol.
BINABASA MO ANG
FanGHOST
Fanfiction"They say that love moves in mysterious way. But how come mine moves in the creepiest way?"