Io
×××
Cody's POV
"Alam niyo, parang may problema 'yan si Brian sa isip." Biglang sabi ni Alex. Kaming tatlo lang nila Kyle ang nandito ngayon sa sala, wala 'yung mga bata.
Nahinto naman sa pagsusulat ng kanta si Kyle nang marinig niya 'yung sinabi ni Alex.
"Ano na naman 'yang pumasok sa utak mo at nasabi mo 'yan?" Tanong niya.
"Eh kasi naman, dalawang beses ko na siya nahuling kinakausap 'yung sarili niya." Sagot naman ni Alex.
"Ang pagkaka-alam ko si Theodore and may sira sa utak. Ano'ng nangyari kay Brian?" Sabi ni Kyle.
"Kailan mo siya naabutang kinakausap 'yung sarili niya?" Tanong ko. Kahit naman na maliit 'yun at walang jams, nagaalala pa rin naman kami du'n 'no!
"Nung isang araw sa kwarto niya at kahapon sa backstage." Sagot niya.
"Ganito kasi 'yun, nung isang araw 'di ba hindi natin nakasama si Ate Nari? Nung umaga, tumawag siya sa'kin, sabi niya hindi daw niya tayo masasamahan kasi masama 'yung pakiramdam niya. Tapos mga ilang minutes matapos 'yung tawag, nagsisisigaw naman si Brian sa kwarto niya. Kesyo 'wag daw siya guluhin at gisingin ni Ate Nari. Eh paano nangyari 'yun? May sakit nga 'yung tao 'di ba?." Pagku-kwento ni Alex.
"Baka naman... sleeptalking?" Unsure na tanong ni Kyle.
"Sleeptalking? Eh si Theo lang naman ang nagsi-sleeptalk sa'tin. Saka sumagot siya sa'kin nung time na 'yun." Paliwanag ni Alex.
"Eh nung sa backstage?" Tanong ko.
"Eto talaga, mas creepy 'yung nangyari sa backstage. Kung du'n sa kwarto nagsisigawan lang kami, sa backstage nakita ko talaga siya. Parang may kaharap talaga siya na sinisigawan niya. Tinuturo-turo pa nga niya eh." Kwento uli ni Alex.
"Baka naman may kausap lang sa phone, 'di mo lang napansin" Sabi ni Kyle at nagsulat uli.
"No. Sigurado ako sa nakita ko. Wala siyang phone na hawak or kahit anong bagay na nakasalpak sa tainga niya that time. I'm very sure with that. Itanong niyo pa kay Tim. Nakita rin niya, kinuwento niya sa'kin 'yung ginawa ni Brian." Ito talaga si Alex ang laki palagi ng ipinaglalaban.
"Why don't we ask him for a confirmation? Malay natin depressed pala si Brian, 'di lang natin alam. And he got involved in an accident before, right?" Suggestion ko. Totoo naman, baka nagsu-suffer na pala sa depression si Brian hindi lang namin alam. And as far as I know, his brain is damaged and he can't recall some important events from his past.
"Well, that's a great idea. I'm okay with it." Sagot ni Kyle. Tiningnan naman namin si Alex.
"Siguro nga. Samahan na rin natin magpa-check up. It's been so long since he last visited his doctor." Sabi ni Alex.
Her POV
"Nakaisip ka na ba?"
"No."
"Nakaisip ka na ba?"
"No."
"Ano? Nakaisip ka na?"
"I said, NO!"
"Nakaisip ka na?"
"ANO BA?! YOU ASKED ME THAT STUPID QUESTION FOR 109TH TIME, HINDI KA BA NAPAPAGOD?!" Galit na sigaw niya sa'kin.
"Well, I probably won't get tired of asking you that same STUPID question until you answer it properly." Mahinahon na sagot ko. Siya lang naman ang galit palagi eh. Saka hindi ko siya pwedeng sigawan, baka hindi niya ako bigyan ng pangalan.
Yes, for oh so many days! May magbibigay na rin sa'kin ng pangalan! And it's an honor that Brian would be that person.
'Yun nga lang, hindi matitino 'yung mga binibigay niya simula pa kanina.
Ipangalan daw sa'kin ang Stupid, Idiot, Nuisance, Troublesome at Disturbance? Sino'ng matinong tao-- este, multo ang papayag nu'n?
"So, ano? Nakaisip ka na ba?" Tanong ko uli. Hindi talaga ako mapapagod na tanungin sa kaniya 'yan. Kahit abutin pa kami ng ilang araw, hindi ko talaga siya titigilan.
He started pulling his hair due to frustration. Is it bad to be excited when the guy you like is about to give you a name?
"Ugh! Tumigil ka na nga! 'Wag mo na akong kulitin! Pwede ba?!" Sigaw niya uli.
I shrugged.
"It's fine with me. But expect me to be inside your bathroom while you're there taking a shower." Pananakot ko.
"Uh! Damn! Why did I even..! Ah! Fine! Fine! Give me a minute!" Haha! I knew that blackmail would work!
"Sige. One, two, three, four, five..."
"Bakit nagbibilang ka?" Takang tanong niya.
"You told me to give you a minute. I'm just counting." Nagkibit-balikat ako at pinagpatuloy ang pagbibilang.
"...Six, seven, eight, nine..."
"Io." /pronounced as Ayo/ Huh? Ano daw?
"Ano?" Tanong ko.
"I said, Io." Paguulit niya.
"Io? Bakit Io? Saang sulok ng mundo mo nakuha 'yan?" Tanong ko. Kung hindi description niya sa'kin ang ipapangalan, 'yung hindi naman maintindihan. Tsk!
"Simple lang, Ioko sa'yo!" Sagot niya sabay walk out.
Io?
Ioko sa'yo...
"Ang corny mo, Brian. Totoo nga 'yung sinasabi sa'yo ni Kyle. Tsk." Napailing na lang ako.
Ganu'n niya ba ako kinaiinisan at pati maayos na pangalan ayaw niya akong bigyan?
But on the second thought...
Io ang pinakamatinong pangalan na sinabi niya.
So I guess, I'll keep it.
"I should tell this to Dylan." Nakangiti akong tumayo at umalis sa practice room na pinag-stay-an namin ni Brian. Pupuntahan ko muna si Dylan, hindi ko rin kasi siya nabalikan nung isang araw eh.
Baka nagtampo na 'yun, mahirap na.
×××
pasensya na kung masabaw ang update ngayon. but, hope that some parts ring a bell in you. xD huehue!
si love ko nga pala nasa multimedia. xD
so, till the next update! sorry na lang. xD heheh!
01-12-15
edited [160408]
BINABASA MO ANG
FanGHOST
Fanfiction"They say that love moves in mysterious way. But how come mine moves in the creepiest way?"