Vacation
×××
Nari's POV
"Stop this sick joke, Nari! You are not her!" he yelled right onto my face. Pinamumukha niya talaga. Lumabas siya ng office ko pagkatapos nu'n at pabalibag na sinara 'yung pinto.
And I was left there, alone, and it's because of him, again.
Hinayaan ko lang na bumagsak ng bumagsak 'yung mga luha ko. Ni hindi man lamang niya ako hinayaang magpaliwanag.
Kating-kati na akong sabihin sa kanya 'yung katotohanan. Pero palagi namang wrong timing.
"I hate you, Timmy!! I hate you!" I threw everything that comes to sight. Wala akong pake kung ano pa man 'yung masira ko. Mas sira ako ngayon kaysa sa mga materyal na bagay na wawasakin ko.
Nakakainis siya! Ginawa ko naman lahat para makilala niya ako kahit sa kilos ko lang, pero walang nangyari.
I never changed, Timmy. Just my appearance.
"Ganito ka na ba kabulag ngayon?! Napakabobo mo naman at hindi man lang sumagi sa isip mo na ako 'to!!" singhal ko sa kawalan at patuloy pa rin ang pagbato ng kung ano-ano.
Talaga bang kinalimutan mo na lang ako?
Lumipas ang isang oras, pagod na ako sa kakatapon ng mga gamit ko, napagod na rin yata 'yung mata ko sa paglabas ng mga luha. Nakatulala lang ako sa kawalan. My system was preoccupied by Timothy.
I stood up and walked out of my office, grabbing my bag in the process. I didn't even bother to check my face in the mirror or even think about what a walking mess I look like right now.
I fished my phone out of my bag and dialled a friend's number.
Wala pang limang segundo ay sinagot niya na 'yung tawag. "Hello?"
"Hello, Wendy? Can you book a flight for me? I want to get out of this country by tomorrow," sabi ko kaagad. Wendy is a friend. Her family owns an airline company so maaasahan ko siya pagdating sa mga ganitong bagay.
"Woah, Hanna Reese bakit biglaan naman yata 'yan? What's gotten into you?"
"For some private reason. Just please check kung may available pa," pangungulit ko.
"Wait, saan ka ba pupunta?"
"Home," maiksing sagot ko.
"Oh, you miss Seoul, huh?" umiling ako as if she can see me.
"No, Wends, my other home," I said emphasizing the fourth word.
"Oh, okay, okay, let me check," she paused. "Sorry girl, wala ng available flight this week. Fully booked lahat," she said apologetically. Great! Maghihintay pa ako ng isang linggo!
I sighed before answering, "Okay, 'yung next week na lang. Ito na lang bayad mo du'n sa sinira mong kotse ko. And please, don't ever mention this to dad. Alam mong hindi ako pagbibigyan nu'n." Napilitan na lang ako. Wala naman akong magagawa kung 'yun lang ang mayroon. Kakailanganin ko pa kasing maglabas ng pera kapag sa ibang airline pa ako magpapa-book, at malalaman 'yun ni dad.
"Yeah, sure. Sige may gagawin pa ako. Bye," paalam niya. Sumagot na lang din ako ng 'bye' at ibinaba na 'yung tawag.
Ibinalik ko sa bag 'yung cellphone at kinuha naman 'yung car keys. Pumasok ako sa elevator at pinindot 'yung pinakaibabang floor which is the parking lot.
BINABASA MO ANG
FanGHOST
Fanfiction"They say that love moves in mysterious way. But how come mine moves in the creepiest way?"