FG [19]

2.4K 185 69
                                    

Moving on.

×××

Adeline's POV

"Adeline! Ano na naman ba 'yung ginawa mo?!" Galit na sigaw ni papa sa'kin. Hindi ko siya pinapakinggan, hindi rin naman sila nakikinig sa'kin so why would I?

"Ilang ulit ka na namin pinagsasabihan pero hindi ka naman nakikinig! Ganiyan na ba talaga katigas 'yang ulo mo?! Ha?!" Kulang na lang lumabas 'yung ugat sa leeg niya sa sobrang galit.

"Ilang ulit pa namin kailangan ipagduldulan sa isip mo na walang magagawa 'yung pagtatangka mong mag-suicide! Kahit na ano'ng gawin mo, hindi na maibabalik 'yung anak mo at 'yung pesteng Dylan na 'yan!" 'Yan, paulit-ulit nilang sinasabi pero wala akong pake.

"You shouldn't have saved me. Eh kung sana hinayaan niyo na lang ako noon na mamatay kasama nila, hindi na 'to sana mangyayari! Hindi na sana kayo nagsasayang ng oras at laway niyo kakasermon sa'kin! Hindi na sana kayo nagsayang ng pera pambayad ng ospital! Hindi na rin sana nasayang 'yung halos dalawang taon niyo sa kakahintay sa'kin! Pinabayaan niyo na lang sana ako gaya nu'ng ginawa niyo noon!!" Nabigla naman ako ng bigla akong sampalin ni mama ng sobrang lakas. Tears streamed down my face with just a second. Hindi dahil sa sakit nu'ng sampal kundi dahil sa mga alaala ng mga pinaggagagawa nila noon.

"'Yan ba ang natutunan mo sa Dylan na 'yun?! Ang sagot-sagutin kami ng papa mo?! Talaga bang nawala na 'yung respeto mo sa'min?!" Nanggagalaiting sigaw ni mama. I hate them. Wala kasi silang alam kay Dylan eh. They know nothing because they never gave him a chance to prove himself. Puro panlalait lang ang ginawa nila.

Umiling-iling ako bago magsalita. "No, ma. I never learned that from Dylan. YOU taught me those. Sa inyo ko 'yun natutunan kaya 'wag niyo siyang sisihin na parang siya 'yung may gawa nitong lahat." Huminto ako.

"All he did was to make me feel what it's like when you're free. Pinadama niya sa'kin 'yung mga bagay na hindi niyo nagawa. Tinuringan kayong mga magulang ko but all you did was to make me feel how miserable I am!" Akmang sasampalin uli ako ni mama pero pinigilan siya ni Timothy.

"Please, Tita. Tama na. Ako na lang po muna ang bahala kay Adeline." And here goes the hero of the story. I hate him. I hate them. Naiinis ako kay Timothy kasi sa tuwing magtatangka akong magpakamatay lagi siyang sumusulpot na parang kabute. Palagi na lang hindi matuloy-tuloy 'yung plano ko.

Lumabas sina mama ng kwarto. Wala akong pake kung galit sila. Never silang naging magulang sa'kin.

Kung inaakala niyong masaya maging isang anak lang, no. Oo nga't 'yung attention nila na sa'yo lang, pero ang OA na kasi eh. Sa paggiging over-protective nila they became too controlling kaya nakakasakal na.

Lagi na lang gusto nila ang masusunod. Adeline, bawal ganyan. Adeline, dapat ganito. Bullshit! I was eighteen that time pero ganyan ang trato nila sa'kin. Eighteen! For Pete's sake! I am mature enough to know what's the difference between what's right and wrong. I know that the sky is not red! I know that we will die as time passes by! But for them, I'm still a little kid with pigtails and a lollipop on hand!

"Adeline, why won't you just quit it?" Pambasag ni Timothy sa katahimikan. Tiningnan ko siya at pinunasan 'yung luha ko. Nginitian ko siya ng mapait.

"Quit? Hah! Para lang 'yan sa mahihina. And, why would I quit fighting for my freedom?" Natahimik naman siya. Linapit ko ng kaunti 'yung mukha ko sa kanya.

"Dati, lahat ng bansa lumalaban 'wag lang masakop 'yung bansa nila. Ayaw nilang magpakontrol sa iba. Hindi sila sumusuko kasi alam nilang para sa kalayaan nila 'yun. Kaya ako? No I won't stop. Quitters never win." Sabi ko at tumayo. Yes, nakakapaglakad na ako kahit papaano. Pero mahina pa rin 'yung muscles ko sa legs kaya hindi rin ako nakakatagal.

FanGHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon