FG [22]

2.7K 166 138
                                    

Thief

×××

Nathan's POV

"Doc, how was he?" Pambungad na tanong ni Ate Nari du'n sa personal doctor ni Brian na kalalabas lang ng kwarto.

Inayos muna nu'ng doktor 'yung salamin niya bago sumagot. "He's fine. 'Yung mga nararanasan niya ay normal lang sa kondisyon niya," sabi niya. Napakunot naman 'yung noo ko.

"Paano'ng nor--" hindi ko natapos 'yung sasabihin ko nang sumigaw 'yung abnormal sa tabi ko, "Buntis si Brian?!" Binatukan naman namin siya nang sobrang lakas.

"'Yung totoo, nasaan ang utak mo?" Inis na tanong ni Ate Nari. Napakamot naman sa kanyang ulo si Theo bago sumagot, "Naiwan ko sa dorm, nagmamadali kasi tayo kanina eh." Hindi ko alam kung palusot ba 'yung sinabi niya o ano.

"Pero, Doc, how come it's normal? Wala namang sakit si Brian." Ibinalik na lang ni Ate Nari 'yung atensyon niya sa doktor tutal wala namang kwenta kausap si Theo.

"You're the new manager of The Bulletproof, right?" Tumango naman si Ate Nari kahit walang kinalaman 'yun sa issue na pinaguusap nila ngayon. "I guess you weren't informed," he paused, "Brian was involved in a car accident two years ago. He lost all his memories. At ngayon, 'yung mga nararanasan niyang headaches, it's a sign that he's regaining his memories back. Nagising siya kanina and may kinuwento siya tungkol sa mga events na nandu'n siya pero hindi niya maalala. So I conclude na baka past niya 'yun na nagfa-flashback sa utak niya. Matinding stress and shock ang usual na nagti-trigger ng flashbacks sa kanya. Pero hindi kaagad-agad na babalik lahat sa kanya 'yung mga alaala niya. It always takes time. Alam 'yan ng past manager nila at I guess ng iilang members? Right?" Tumingin naman 'yung doktor kina Cody, Kyle at Alex. Tumango naman 'yung tatlo.

"Huh? Alam niyo?" Sabay-sabay naming tanong nina Ate Nari at Theo du'n sa tatlong may alam.

"Yep," tipid na sagot ni Cody.

"Pati na rin si Timothy," dagdag ni Kyle.

"Bakit hindi niyo sinabi? Ang tagal ko na kayong kasama, hindi niyo pa ako manager kasama ko na kayo tapos wala man lang nagsabi sa'kin?" inis na sermon ni Ate Nari.

"Hindi ka naman nagtatanong eh," bulong ni Alex pero rinig naman kaya nabatukan siya.

"Aba loko ka!"

"Pero may gamot po ba para du'n sa headaches niya?" tanong ko na lang. Nagaaway pa sila eh. Hayaan na muna.

"Ah, yes. May nilista akong pain relievers na pwede niyang inumin. Here." Iniabot niya sa'kin 'yung riseta ng gamot. Kinuha ko naman 'yun at ilinagay sa bulsa ko, mamaya ko na ibibigay kay Ate Nari, nakikipagsagutan pa siya kay Alex.

"Teka nga pala, Ate Nari," biglang singit ni Kyle sa bangyan nila ni Alex. Huminto naman siya at tumingin sa nagsalita, "Natawagan mo na ba si Tim?"

"Ay! Oo nga pala! Nasaan 'yung number?" tanong niya. Inabot naman ni Cody 'yung cellphone ni Brian then excused herself.

"So, paano, maiwan ko muna kayo. Stable naman na ang lagay ni Brian, you just have to watch him over for tonight, then tomorrow he can be discharge," sabi nu'ng doktor na kanina pa tahimik na nanunuod sa'min. Tinanguan na lang namin siya bago umalis.

Papasok na sana sila nang magsalita ako, "Magsi-CR lang muna ako, mauna na kayo," paalam ko. Sumagot lang sila ng sige at pumasok sa kwarto.

FanGHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon