Missing
×××
Her POV
Wet look.
Topless.
Six-pack abs.
Damn.
Kung tao ako ngayon, malamang napakalalim at itim na ng eyebags ko. Ilang araw na akong hindi pinapatulog ng abs ni Brian... Well, actually, hindi naman talaga ako natutulog.
Its just that, I can't stop my brain from thinking about his oh-so-yummy abs. My mind won't fucking rest!
"Aaaaaah!!! Bakeet?! Bakit ganu'n 'yung abs mo? Hindi ako marunong magutom pero bakit hinahanap ko 'yung pandesal mo?" Pagulong-gulong lang ako dito sa kama ni Brian. Magisa lang ako dito sa kwarto niya.
Lahat ng members nasa labas, nagre-ready na para sa concert nila mamayang gabi.
"Aish! 'Wag kasi 'yan!"
"Kain na! Ano ba!"
"'Wag makulit! Lagay mo na 'to diyan!"
"Ayusin mo nga 'yung gamit mo!"
"Huahuahuahuahua! Asdfghjklzcvbmoptdfjnbcx!"
"Nasaan na ba 'yun?"
"Magpa-practice pa tayo mamaya!"
"KAIN NA!!"
Hays. Sila 'yan. Nagaayos sila niyan ha?
*ding dong!*
"Oy Nathan! Buksan mo nga 'yun!" Base sa pagkakarinig ko, that was Cody.
"Ayoko nga! Ikaw na lang Theo!" Sagot naman ni Nathan.
"Aish! Tusukin kita d'yan ng baba mo eh! Sa'yo kaya inuutos!" Balik naman ni Theo the alien.
Tumayo ako at lumabas. At ayun sila. Nakasalampak sa sofa at sa carpet. Mga tamad.
"Kung ayaw niyo eh di ako na lang!" Sabat ko at pumunta sa may pintuan. Please! Gumana ka uli! 'Wag kang tatagos!
Huminga ako nang malalim bago ko hawakan 'yung door knob. I closed my eyes, not wanting to see my failure.
*click!*
Napadilat ako nang marinig ko 'yun.
"Ay!!! Ba't mo binuksan?! Ako magbubukas nu'n eh!!" Angal ko nang makita ko 'yung kamay ni Timothy sa door knob. Hindi siya nakahawak sa kamay ko. Tumagos lang eh.
"Arf! Arf!"
"Taro!!" Sigaw ni Timothy at sinalubong 'yung aso. Pero iniwasan lang siya nito at para bang may hinahanap.
Taro?
"Oy Brian! Ikaw na naman ang hinahanap ng aso ko. Ano ba'ng meron sa'yo? Huh?" Naka-pout na sabi ni Timothy. Waaah! Ang cute nitong batang 'to!
"'Cause I got jams." Cool na sabi ni Brian at hinihimas-himas 'yung aso.
Now that I remembered it, 'yan 'yung aso du'n sa mall! 'Yung nakakakita sa'kin!
"No Brian. You got no jams." Sagot naman ni Kyle. Aww! Pinagtutulungan nila 'yung baby ko.
Nag-pout naman si Brian sa sinabi ni Kyle. Waaah! Mas cute siya, mas cute siya!!!
"Aish! Taro! Ang daya mo talaga!" Napatingin naman kaming lahat sa may pintuan. May babaeng nakatayo sa doorstep at hingal na hingal.
"Oh, Yulee! Nandiyan ka pala." Bati ni Alex du'n sa babae.
BINABASA MO ANG
FanGHOST
Fanfiction"They say that love moves in mysterious way. But how come mine moves in the creepiest way?"