What did you just call me?
×××
1 Year later...
Io's POV
One year...
It's been a year and I'm still holding and keeping my promise. I can't believe I made it this far.
A year.
Sa loob ng isang isang taon marami na ang nabago.
Mas sumikat pa ang Bulletproof. Mas dumami tuloy 'yung kaagaw ko kay Brian.
Si Kyle, he's still continuing his passion but even better than before. He's still composing an ear-catching song. And hanggang ngayon wala siyang planong mag-girlfriend, 'yung mga fans daw ang girlfriend niya, ewan ko kung totoo 'yun.
Next is Alexander, ayun, gwapo (maganda) pa rin! Pero mas gwapo si Brian ko. And he's currently in a relationship with Yulee, 'yung pinsan ni Timothy na nagaalaga kay Taro. 'Yung aso na nakakakita sa'kin? Remember? I can't believe na matagal na pala siyang may gusto kay Yulee. #MedyoTorpe
Cody Carsus Kent, the snow white guy with a somewhat badass attitude. Aba! Akalain niyong may plano pala siyang mag-aral uli? Maybe after several years from now, he's planning to continue his studies. Lovelife? Not now daw eh.
Nathan Niel, may sarili na siyang dance school! Eh sa gusto niyang i-share 'yung talent niya, mapipigilan niyo ba? At ayon sa nasagap kong bali-balita, sila raw nu'ng sikat na author na si Ara. Ang sabi nga fiance pa raw?
Theodore, walang pinagbago, dakilang alien pa rin. Status? Married daw du'n sa "baby" niya. Ewan ko lang pero 'yun laging ang sinasabi niya. Pero nu'ng one time na sinundan ko siya, babae ang kasama niya. Weird...
Timothy Axel, mysterious as always. Off limits ako pagdating sa kaniya so wala akong balita. Alam niyo na, si Brian.
My baby Brian, of course, going strong kami! Walang rumors, malamang. Pero horror stories, nagkalat! As in! Nagsimula kasi sa isang stolen picture ni Brian sa isang resto, and guess what? Kasama ako sa picture! Ahahah! 'Yun ang first picture namin! Thanks du'n sa kumuha! 'Yung picture na 'yun magisa lang si Brian sa isang table pero may malabong white na outline ng isang babaeng nakaupo sa tapat niya. We're like dating on that picture kaya gustong-gusto ko 'yun!
Kaso nga lang 'yung iba gumagawa ng sarili nilang kwento. Kesyo 'yung multo daw ay ex ni Brian na namatay, o kaya 'yung dating artista na na-link sa kaniya na namatay din. Basta maraming gawa-gawa! Pero lahat walang katotohanan.
Ako, heto, multo pa rin. A year passed but only a few things changed. Hindi ko pa rin kilala ang sarili ko.
At ito ang matindi! Si Dylan, anak pala siya ng isang sikat na businessman sa Korea! Akalain niyo 'yun! 'Yung dating nakatira sa luma at sira-sirang bahay ay saksakan na ng yaman ngayon? Wow!
Ilang months na ang lumipas simula nang kunin siya ng tatay niya kasama si Carly, 'yung baby na napulot niya sa tapat ng tinutuluyan niyang bahay dati. I wonder kung ano na ang nangyayari sa kaniya ngayon.
"Folks, we have begun our descent to Los Angeles, California, where the current weather is somewhat cold, and we will be in the gate in about 20 minutes. We'd like the flight attendants to prepare the cabin for arrival, and we want to thank you for flying with us today." Announced by the pilot through the speakers.
"Haaay! Sa wakas!" Paguunat ni Alex.
"Yes! LA!!" Cheered Nathan.
"Ano Brian? I will goes to America ka pa?" Natatawang pangasar ni Kyle.
BINABASA MO ANG
FanGHOST
Fanfiction"They say that love moves in mysterious way. But how come mine moves in the creepiest way?"