Got 'ya~
×××
Her POV
Hindi muna ako bumalik ng dorm. Wala namang maghahanap or magaalala sa'kin kaya okay lang.
I was just having a peaceful walk in the middle of nowhere. 'Di ko talaga alam kung nasaan na ako. Seriously. Pero may mga bahay pa rin naman. So I thought, baka nasa isang village ako or something.
It was so peaceful to the point that I got bored. I badly wanted to talk to someone and let my feelings out but I always end up talking to myself. My life sucks!
"BRIAN PARK!! WHY IS EVERYTHING SO COMPLICATED BETWEEN US?!" I yelled. No one's gonna get bothered by my shout anyway.
"I LOVE YOU BRIAN PARK!!!" Sigaw ko uli.
"Oy miss!! 'Wag ka ng sumigaw diyan!! Takbo!" Napalingon naman ako sa sumigaw.
A guy was running towards my way and after him were three men with baseball bats and stones.
Tiningnan ko naman 'yung paligid ko. Miss daw eh? Wala namang ibang nandito.
Teka...
'Wag mo sabihing...
Nakikita niya ako?
"Hah! Asa ka na namang multo ka! Hindi ka niyan naki--" I was cut off by that unknown guy.
"Sabing takbo eh!" Sabi niya sa'kin nang makarating siya sa harap ko. Nauna siya sa akin pero tinitigan ko lang siya.
What the hell?
Seriously?!
Nakikita niya talaga ako?!
Liningon ko naman 'yung humahabol sa kanya.
"Hoy! Bumalik ka rito!!" Bigla rin naman akong napatakbo sa takot. Ang laking mga tao ang humahabol sa kanya.
"Hey! Wait!!" Sigaw ko du'n sa lalaking nakakita sa'kin pero hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.
Lumingon ako para tingnan 'yung mga lalaking may hawak ng baseball bat. Medyo malayo na sila. Nakita ko namang lumiko sa isang eskinita 'yung unknown guy.
"'Wag kang shunga! Mahahabol ka nila diyan!!" Sigaw ko. Actually hindi ako sigurado kung naririnig din niya ako. Basta ang alam ko lang nakita niya talaga ako kanina.
Lumiko rin ako kung saan siya pumunta. Ang shunga niya eh!
"Hoy! Sinabi ng!"
"Shh! 'Wag kang naingay. Magtago ka." Bulong niya. Nasa likuran siya ng basurahan, nagtatago. Nako! Grabe! Ang galing niya magtago!
Dead end na kasi 'yung napasok niya kaya ayan! Nagtatago ang mokong.
"Hoy! Nasaan na 'yun!? Hanapin niyo!"
"Lumiko 'yun dito! Nakita ko!"
"Patay kang bata ka." Sabi ko du'n sa lalaking naka-hood na nagtatago. Pero pilit niya pa rin akong tinatawag para magtago.
Hindi ba niya alam na multo ako?
Isn't it obvious?
"Alam mo boy, 'wag mo na subukang magtago. Huli ka rin naman na eh." Sabi nung isa sa mga lalaki sabay tawa.
"Hala baliw na." Sabi ko at gumilid. Nakita ko namang kumunot 'yung noo nung lalaking naka-hood.
I guess he's confused as hell right now. Nagtataka kung bakit hindi man lang ako tinitingnan nung mga lalaki.
BINABASA MO ANG
FanGHOST
Fanfiction"They say that love moves in mysterious way. But how come mine moves in the creepiest way?"