Missing
xxxx
Adeline's POV
"I'm actually doubting kung panaginip nga lang ba talaga 'yung nakikita ko o alaala na nakalimutan ko eh. At ang ipinagtataka ko pa, you, a stranger is a part of it. Pwede bang sabihin mo kung ano'ng kinalaman mo sa akin?" I looked at him for a few seconds. I can see that he's hesitating to answer what I just asked him. I opened my mouth to speak but he beat me to it.
"Basta ipangako mo lang sa hindi ka tatawa kasi hindi ako nagbibiro sa mga sasabihin ko," seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin nang diretso. Tumango ako dahil gustong-gusto kong malaman kung ano ang mga nalalaman niya tungkol sa akin.
Huminga muna siya nang malalim bago magsimulang magsalita uli. "Ikaw si Io. 'Yung multo na baliw na naging bestfriend ko. Ikaw 'yung sira ulong multo na mas inuna pa ang pagkakaroon ng love life kaysa alamin kung sino siya. Malandi ka eh—"
"Nangiinsulto ka na yata eh. Ako ba talaga 'yang ikinukwento mo?" I raised an eyebrow at him but his expression did not budge, not even a bit. Mukhang seryoso nga talaga siya at sigurado sa mga sinasabi niya.
"Adeline, hindi ako pwedeng magkamali sa mga sinasabi ko," sagot niya nang walang alinlangan.
"Okay, okay. Pero seryosong... multo talaga? Ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakaturo ang isang daliri sa sarili ko.Tumango lang siya.
"At 'yung bagay na 'yun talaga ang inuna ko?" Tumango uli siya at naisip ko, oo nga naman, ang landi ko namang multo kung ganoon.
"How stupid of me," I mumbled to myself. "So who's the unlucky guy that I scared to love me back?"
"Wow, wala ka nga talagang maalala! Biruin mo, kahit 'yung taong bukambibig mo araw-araw noong mga panahong multo ka pa ay nakalimutan mo rin," a hint of amazement is evident in his tone. He was shaking his head in disbelief and continued, "Kahit si Brian Park hindi mo naaalala?"
"Brian Park..." I tried to remember someone who goes by the name Brian Park but I got nothing. "Nope, but I often call that unfamiliar name when I'm having that weird dream. What does he look like?" He muttered a short 'wait' before fishing his phone out of his pocket and started typing something. Maya-maya pa ay iniharap niya sa akin 'yung cellphone niya, displaying a picture of seven gods.
"You forgot to mention that Brian Park is a god and not just a single person," I sarcastically said but still staring at the picture.
"Sorry," paumanhin niya at akmang ilalayo na niya 'yung phone niya nang pigilan ko siya. "Wait, wait, wait." I zoomed in to the guy in the middle. "Timothy?"
"O, bakit 'yung isang member naaalala mo, tapos 'yung naging boyfriend mo hindi?" Napatingin naman ako kay Dylan. Uiling ako bilang sagot sa tanong niya.
"I don't remember him, I know him." Nagtaka naman siya. "He's my fiancé," dagdag ko pa na ikinagulat niya.
"Ikakasal ka na?!" medyo napalakas 'yung tanong niya kaya napatingin ang ibang costumer sa table namin. Mabuti na lang at hindi siya nantindihan kaya agad ding isinawalangbahala ng mga tao ang ginawa niya. Tumango lang ako sa tanong niya.
"Teka nga pala, ano'ng ibig mong sabihin sa member? Grupo sila ng ano?" takang tanong ko.
"Group of performers. Halata naman sa itsura nila," sabi niya habang busy uli sa pagse-search ng picture nu'ng Brian.
BINABASA MO ANG
FanGHOST
Fanfiction"They say that love moves in mysterious way. But how come mine moves in the creepiest way?"