CHAPTER 2

71.6K 2.1K 2.7K
                                    


-

Dahan-dahan ako nagmulat ng mga mata. Oh pare, nasa langit na ba ako? kulang nalang magkaroon ng mga ulap sa loob ng kwarto, shura puro puti nakikita ko.

Muli ko ipinikit ang mga mara at hinilot ang aking noo. Babangon na sana ako pero anak ng tilapya yah oh, ang sakit ng ulo ko!

Pero ramdam ko ang isang kamay na nakahawak sa kamay ko at nakita si Ziallyn, she's sleeping next to my bed. An angel, peacefully sleeping beside my bed. Tahimik ko sya pinagmasdan, sobrang angelic ng mukha kaso kabaliktaran naman ng ugali sa sobrang lamig.


Payag na po akong nasa langit na ako kung kasama ko naman po pala itong anak mo Lord.

Mahina itong umungol at ilang segundo ay alam kong gigising na sya ng tuluyan. Mabilis ako bumalik sa paghiga at nagpanggap na tulog. Nakakahiya naman pag nakitang pinagpapantasyahan ko sya, baka masabihan pa akong manyak.

"We brought you some food." sino to? halaka, may pagkain!

"I already told the professor." Isa pa to, ay baka mga kambal nya.

Feeling ko VIP ako. Wow nandito lang naman ang Quadruplets sa kwarto ko. kwarto ko ba to? Clinic ata to, puro puti e.

"Hmm she's still asleep huh" sabi naman nong pangatlong babaeng nagsalita.

Galingan mo ang acting mo SJ, malilintikan ka talaga.

"Yeah." sambit ni Ziallyn sa nag-aalala na tono. Langya, boses lang yun pero lakas na ng epekto sa akin ah.

Biglang umingay sa labas ng clinic at kahit di pa sila nakakapasok ay kilalang kilala ko na sila.

"Hoy, dapat pa ba pumasok tayo sa susunod na subject?" boses ni keyboard ang narinig ko. Nasa labas pa sila pinto at hindi pumasok, itong mga kasama ko sa loob ay tahimik lang nakikinig.

"Ha? papasok kayo? wag na, di naman tayo makakapasa." langyang Iris yan at proud na proud pa sa sinabi.

Narinig ko may humahagikhik sa left side ko. Tangena talaga ng mga to, gusto ko na rin tumawa pero syempre kunyari tulog ako.

"Ikaw lang kasi bobo ka!" sigaw na sagot ni Kb, inis na naman to.

"Luh, sabaok lahat all feeler. Talino ka?" rebat ni Iris,

"Pwede tumigil kayo sa kakasigaw? nasa labas tayo ng clinic." saway naman ni AG sa dalawang nag babardagulan.

"So, ano nga? hoy, alam nyo ba na hindi pwedeng iwanan mag isa si babe at bigla nagnanakaw ng pagkain yan?" matutuwa na sana ako kasi ang lambing ng salita pero grabe naman yun.

"Yeah, baka magising yun tapos walang pagkain, baka magwala." segunda naman ni Iris, tangena nito sarap sampalin sa mukha.

"Hindi na bata si Sj, pero may point naman kayong dalawa." akala ko matino ka Ag, nagkamali ako sayo.

"Pero, alam nyo ba na sadya yung ginawa kanina?" biglang pag iba ng topic ni keyboard.

"Talaga?" kalmado na sagot ni Ag, hindi man lang ba sya concern sa akin?!

"Ou, sinadya ng babae patamaan si Ziallyn, pero nagpaka hero ang kaibigan natin." sabat naman ni Iris na ngayon ay seryoso na rin ang pananalita. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis sa sinabi nya.

"Haynaku! kilala nyo naman si babe, ayaw non may masaktan lalo na pag crush nya." hayop ka Kb ang daldal mo lintik ka!

Patay tayo jan at bakit ang daldal nyong mga hayop kayo, panigurado narinig ng mga kasama ko ngayon ang sinabi nila.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now