-
"Shara Jane De La Fuente!!"unang araw ng linggo, ay bunganga agad ni keyboard ang tuluyang nagpagising sa umaga ko. Sa lakas ng boses niya ay nailayo ko ang phone, ang sakit niya talaga sa tenga kahit kailan.
"Hmm." ungol ko at nagkusot ng mata. Pagod na pagod kasi talaga ang katawan ko dahil sa maghapon na practice kahapon. Scammer talaga si coach, sabi hindi na kami kasali sa practice kahapon.
"What the fck babe?! Did you just moan?! It's too early for sex!" saad n'ya na parang naiirita na. Anong sex sinasabi nito e kagigising ko lang, kung anu-ano nalang talaga ang naiisip ng babaeng 'to.
"Keyboard stop shouting. And pwede ba? Wala nga akong jowa anong sex sinasabi mo d'yan! Kakagising ko lang. Salamat sa'yo ha" sagot ko sa kanya habang nag e stretch ng katawan ko.
"Asan ka na ba? Anong oras na oh! Matatapos na opening ceremony at wala ka pa rin!" Aga naman nito uminit ang ulo.
"Kakasabi ko lang na kakagising ko lang diba? Sa tingin mo asan ako? Nasa mall nag fafashion show?" Sa kanilang tatlo bakit itong si Kb pa ang tumawag, ang hirap paintindihin.
"Dalian mo na d'yan!" aba't binabaan ba naman ako ng tawag.
Nanatili muna ako ng ilang minuto bago tuluyang bumangon at naligo.
Ano kaya magandang gawin today?
5days pala festival sa PU unlike sa old school ko namin, 3days lang. Mas okay na rin tong sa PU kasi isang linggo talagang wala kang poproblemahin na mga assignments.
Wala ulit parents ko at may business trip na namang pinuntahan. Buti nalang at sinasama na ni Daddy si Mommy ngayon unlike before, lonely kasi masyado mother sa tuwing wala ang ama ko.
Simple lang ang suot ko, naka oversize white polo shirt lang then naka tucked in sa black ripped jeans ko at naka white shoes. Pagkatapos ko mag ayos ay umalis na rin ako, tinatadtad na ako ng mga chats ni Kb jusko. Pagdating sa school halos wala na ako makitang bakante sa parking area sa daming mga kotse, pero pinagpala at may nakita akong bakante.
Kasalukuyan ko tinatagak ang daan patungong kissing booth, nandun na raw kasi silang tatlo at dun nalang daw ako dumiretso at nasa hallway palang ako pansin ko na ang napakaraming tao.
Open for outsiders din naman kasi kaya normal lang talaga na maraming tao ang dadagsa lalo na't sikat ang paaralan.
Ang daming tao sa open field at puno ng iba't-ibang booth, pagtanaw ko sa department namin ay maraming naka linya? shuta, mapapasabak yata mga mukha nila sa daming gusto humalik. Kawawa naman tropapeeps ko, pasalamat nalang talaga at di ako nasama sa kanila.
"Babe!" salubong ni keyboard at yumakap, daming tao nanghahalik bigla. Kaya palagi kami napagkakamalan may relasyon dahil sa mga kilos ng babaeng to, sobrang clingy at malambing masyado.
"At bakit late ka Sj?" Salubong na tanong agad ni Ag. Bakit? Dapat ba agahan ko? Wala naman akong activity na gagawin today since sa friday pa naman lahat.
"Late nagising, grabe ka Ag, hindi ko inaakala sasali ka sa ganito." hindi naman kasi siya mukhang interesado sa totoo lang.
"Naknampucha, dumami mga nakapila." biglang sulpot ni Iris at itinuro ang mga tao. Ou at tama nga siya, bakit dumami sila?!
"Baka dahil sayo babe?" nangilabot ako bigla sa sinabi ni kb, di nga ako kasali jan eh.
"Ako? Kung may binabalak kayo, wag nyo balakin at baka magkagulo lang tayo. Kailan pala magbubukas kissing booth natin?" tanong ko.
"10am daw." sagot ni Ag,
"Alam nyo ba na action house ang sa archi?" sabay kaming lahat napalingon kay Iris, meron pala non?
