-
"Fuck!" sobrang late ko nagising dahil hindi na naman tumunog ang magaling kong alarm. Pag gising ko marami na akong missed calls at texts natanggap mula sa mga kaibigan. Halos mabangga-bangga ko na mga nakasalubong dahil sa pagmamadali, 9:47 na kasi ako nakarating.
Pag pasok ko ng gym sobrang daming tao at ang ingay ng crowd. Tignan mo, at talagang late na ako sa laro dahil malapit na matapos!
"Sj! Oh my god! Bakit ngayon ka lang?!" Salubong agad ni Coach sa akin.
Tinaas ko muna ang kamay ko para ipahiwatig na hayaan n'ya muna akong huminga dahil para na akong hinahabol ni kamatayan.
"I'm sorry Coach, hindi kasi tumunog alarm ko." paliwanag ko.
"It's okay, at least nakahabol ka pa bago mag 4th quarter. Sige na at mag palit ka na ng jersey." tumango ako at umupo sa bench.
Nasa 3rd quarter na ang laban at ang score ay 31-42, lamang ang kalaban. Lumapit ulit si Coach sa akin at inabot ang jersey ko. Ang limang naglalaro ngayon ay sila Bernadette, Tekla, Ag, Iris at Meghan.
"Babe." gulat ako paglingon dahil may tissue nakasaksak sa ilong ni keyboard.
"Ano? Sinalo mo bola at nagka-nosebleed ka?" ngumuso ito at tumango, bakit kasi isinali pa nila si keyboard e alam namang lampa tong kaibigan ko.
"Kawawa ka naman." sabi ko at muli ibinalik ang mga mata sa loob ng court.
Halata sa mga mukha ang pagod.
Hawak ni Iris ang bola pero nahihirapan syang gumalaw dahil double team ang nakabantay sa kanya, pero agad niya itong natakasan at ngayon todo habol sila sa kanya.
She dribbled the ball and ran towards the 3-point line. Before the defenders could catch up to her, she took the shot, and it went in as a perfect 3-pointer. Hiyawan naman kaagad ang supporters ng school namin, lalo na mga babaeng nilalandi ni Iris, shutangena ang dami nila.
"Hoy Iris! Bakit mo ipinasok yung tres!" Sigaw ko kaya napatingin sila sa akin.
"Loko ka Sj. Bakit ka sumipot dito?!" Sigaw naman ni Iris, para kaming mga gago na nagsisigawan. Nagtawanan naman ang mga nanonood dahil sa mga kagagahan namin.
"Coach! Wag mo na ipasok si babe! Ayokong manalo tayo!" Bwesit na Kb yan, para na rin n'yang ipinaalam na mananalo kami kung ipapasok ako sa court.
"Hindi na raw ako papasok coach. Ayaw nila manalo eh, hayaan nyo na tambakan kayo ng tuluyan." sabi ko sa kanya, stress na sya sa laro nila ah.
"Sa 4th quarter ka na pumasok Sj" sabi nito kaya tumango nalamg ako.
May 3 minutes pa na natitira bago matapos ang 3rd quarter. Palitan lang sila ng mga napapasok na bola. Magagaling din pala tong mga kalaban namin, kasi nahihirapan ang mga tukmol kong kaibigan.
"Tekla! Ipasok mo yan" sigaw ko kay Tetel. S'ya na kasi may hawak ng bola at simula pa kanina ay lage nalang s'ya nasusupalpal. Bano amp.
"Pag yan hindi mo naipasok! Itatali kita sa kama!" malakas kong sigaw at nagtawanan mga teammates namin.
"Ugh shut up Sj!" Sigaw n'ya pabalik sa akin. Si coach naman napailing-iling nalang.
IShe ran towards the defender, dribbling the ball. Just as the enemy stepped her right foot out to try to block her, Tekla made a fake and spun around to her left and ran to the hoop before making a lay up.
"Wow! God job tekla! Ipagpatuloy mo yan kung ayaw mo matali!" Sigaw ko ulit. Hiyawan naman ang mga supporters namin dahil naipasok n'ya ang bola.
Pero kahit anong gawin nila ay nagagantihan din naman kaagad ng kalaban. Natapos ang set at final quarter na after ng break.
