CHAPTER 5

60.6K 1.9K 2.3K
                                        


-

Naiwan ako sa classroom after class, hindi ko alam saan nagtungo ang tatlo pero sabi bibili lang daw ng makakain pero bakit hanggang ngayon wala parin sila aber?

"Babeeee!" rumarampang tawag ni keyboard. Maganda si keyboard kaso lang sobrang clingy kaya palagi nasasabihan na childish, totoo naman ang sinasabi ng karamihan pero ganun lang naman siya pag kami ang kasama. Napahilot ako ng noo dahil masakit parin talaga ulo ko pastilan.

"Anong problema babe?" nag-aalala niyang tanong pagkalapit.

"Nah, masakit lang ulo dahil hndi ako masyado nakatulog kagabi. By the way, why are you alone at nasan sila?" tanong ko pagkaupo nya sa tabi ko.

"Gaga sinusundo kita kasi may susugurin tayo. Sinamahan ni Ag si Iris kasi may babaeng gusto kumausap sa kanya." aniya sabay dukot sa braso ko at hinila patayo.

"Oh, bagong babae niya?" tanong ko.

"Well, hmmm hindi ko alam, kaya nga pupuntahan natin babe diba? upang tignan kaloka ka." ou nga naman at tama ang sinabi nya, bobo ko tanga.

"Teka lang! 'yong kape ko!" awat ko sa kanya at binalikan ang kape ko. Sayang din naman kung iiwanan ko.

"So, asan sila?" ulit kong tanong paglabas ng classroom.

"Nasa archi building." luh, sanaol maraming bebe.

"Ha? may nilandi pala syang taga dun?" malapit lang naman ang building, katabi lang sa amin. Hindi sya sumagot at nag kibit balikat lang. Habang papasok ng building ay pinagtitinginan kami nitong ni keyboard, iniisip siguro ng mga to bakit may mga siraulong napadpad sa building nila. Umakyat kami patungong 4th floor at nakita sila Iris na may kausap na babae ngunit nakatalikod sila sa amin.

"Babe, you want to see a drama?" Biglang tanong ni Kb sa akin na ngayon ay naka ngisi na.

"Ha?" uso pala sa kanila mag drama?

"Watch." ngumisi ang baliw at diresto naglakad palapit kay Iris, bigla nya itong niyakap mula sa likuran na ikinagulat ng iba. Parang gaga si keyboard, iinisin na naman nya yung babae ni Iris.

"Baby, what are you doing here hmm?" malanding tanong ni keyboard, tangena at hindi talaga ako sanay sa ganitong trip nila at naninindig mga balahibo ko sa katawan. Humarap si Iris kay keyboard at ngumiti bago ito niyakap, paano nila nasisikmura gawin yan? gusto ko nalang masuka sa palabas nila.

"Iris, who is she?" tanong ng babae.

"Me? May dahilan ba para malaman mo kung sino ako? Well, total nagtanong ka narin naman mas mabuting malaman mo. I'm her girlfriend, hindi ko alam may langgam palang kabit tong girlfriend ko." Oh my God! Kung umalis nalang kaya ako? kinikilabutan ako kay keyboard walangya.

Lumipat ako sa tabi ni Ag kung saan nasa likod ng babaeng kalandian nitong si Iris, daming babae shuta. Naiintindihan ko naman nakaraan niya pero hello? Baka karmahin siya pag pinagpatuloy niya ang pakikipaglaro sa feelings ng iba.

"Y-You, what?" gulat na tanong ng babae, ou at talagang mukhang nauto ng dalawa ang dalaga.

"Hindi ko alam bingi ka pala?" pang-aasar ni keyboard, si Iris nagpipigil na sa tawa habang kami ni Ag dito pailing-iling nalang at naghihintay kung kailan sila matatapos sa drama nila.

"Excuse me? pero ang sabi ni Iris sa akin wala siyang girlfriend? Baka isa ka sa mga babaeng feeling entitled na girlfriend niya?" yun oh! yan gusto ko at lumalaban, gorabels at ipagpatuloy ang kaharutan!

"Sinabi ko lang mamasyal siya, hindi ko alam may lumalandi na pala sa kanya. Right, dear?" langya, galing naman ng keyboard na yan.

"What the fuck Iris?! what's the meaning of this huh?!" singhal ng dalawa kay Iris, si Iris na walang pakialam at nagkibit balikat lang. "Whatever, hindi naman kita minahal." dagdag ng babae at maarteng inayos ang buhok.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now