-
Alam n'yo ba saan namin sila dinala, d'yan nalang sa tabi-tabi. Sarado kasi ang dapat na pupuntahan namin kaya nilibot nalang namin ang lugar kung saan may barbecue. Matapos ang 10-15 minutes may nahanap din kami. Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko at dinala sila rito, nag crave ako bigla ng isaw e. Ang daming mga taong nakatingin sa amin, iniisip siguro nila anong ginagawa ng mga magagandang dilag na to sa lugar na ganito.
Ang sarap kaya ng barbecue! Kahit nga si Pie ay nagustuhan ang isaw e lalo na 'yong pingpong ball. Para kaming mga bodyguards ng mga 8 bipolars.
Pinalibutan kasi namin sila dahil medyo crowded at maliit lang ang space. Delikado na at baka may mga manyak sa paligid.
"What's this place?" Tanong ni Miss Everleigh
"Kita mo naman na barbecue stall Ma'am, okay pa ba mata mo?" Matapang na pamimilosopa ni Iris. Commended my friend!
Langya, bakit nag babardagulan tong dalawa na to? Palagi nalang talaga sila nagbabangayan na dalawa.
"Pardon?" medyo iritadong tanong ni Everleigh. Lakas naman kasi mamilosopo nitong tanga.
"Tignan mo to, pati tenga may problema." Sagot ni Iris pero sa akin ito bumulong dahil baka marinig nong isa, takot naman pala marinig.
"It's too crowded and smoky" reklamo naman ni Helari.
Gusto ko kasi pumwesto kami sa hindi gaano karamihan na mga tao, kaya gusto ko doon kami sa pinakadulo dahil konti lang ang mga kumakain.
"Doon tayo pupuwesto sa pinakadulo. Konti lang mga tao." turo ko sa kanila ang tinutukoy kong last stall. Ang liit ng mga table nila, good for 3 persons lang ata kaya. Ginawa namin ng mga kaibigan ko ay pinagdikit ang tatlong table para nasa iisang table lang kami lahat.
Pagkatapos ayusin ay pinaupo na namin ang mga kasama at bago mag order ay pinagmasdan ko muna sila. Langya hindi ko talaga akalain na mahahatak namin mga babaeng 'to rito, akala ko pa naman ko-kontra sila kanina nong pagbaba palang namin ng sasakyan. Pero infairness ha, hindi bakas sa mga mukha nila ang pandidiri or baka tinatago lang nila para hindi kami mapahiya?
"How long do you plan to stand there? Ano? Tititigan mo lang kami??" Si Pie, dahilan kaya napatingin narin sa akin ang iba.
"Halika, samahan mo 'ko. Nagustuhan mo naman 'yong isaw diba?" Iniba ko nalang ang topic at ayaw kong mag explain sa kanila kung bakit nakatunganga ako kanina.
Hindi na ito sumagot at tumayo nalang saka ako nilapitan. Naks hindi naman halatang excited s'ya makakain ulit ng mga ganito no? Ay isaw lang pala at pingpong ball ang natikman n'ya before.
Sumunod na kami sa mga kaibigan ko para mag order. Dami naman na mga mata ang nakatingin kay dragon, tusukin ko ng stick mga matang yan e.
Matapos namin mag order ay sumakabilang buhay na kami---charot lang. Kumuha ako ng betamax dahil sobrang gutom na talaga ako, sinulyapan ko naman si Pie na parang may hinahanap.
"May hinahanap ka?" Tanong ko habang abala sa nilalantak na betamax.
"I want that thing you called wek-wek?" Seryoso n'yang tanong. Langya wek-wek! Naubo ako bigla.
Bwesit na yan, pati siguro si kwek-kwek ay nalilito na kung ano talaga ang true identity n'ya amp. Pingpong+Wekwek= Pingwek! Tangena humagikhik na ako dahil sa naisip ko.
"What?" kunot noo na tanong nito.
Hindi ko na tuloy makain ng maayos ang betamax ko dahil sa kagagahan ni dragon. I bit my lower lip dahil ang sama na nito makatingin sa akin.
