-
Finally, friday na. Bukas mag dodora kami ng tropa. Sa nagdaan na mga arraw ay iniwasan ko parin si ma'am at hindi alam sa kung anong dahilan. Pag oras ng klase nita pumupunta ako ng clinic, alibi ko may sakit. One week may sakit pero sa subject lang nya langya.
After class diretso kami sa condo ni keyboard para tumambay, hindi namin dala mga kotse at naiwan sa school kaya nakisakay nalang sa sasakyan niya. Tapos ngayon, pag minamalas ka nga naman nasiraan ng baet-este makina ang sasakyan. It's almost 6pm at pabalik na sana ng PU pero ayun nga, nasiraan kotse nya. Nag book nalang kami ng taxi at ngayon naghihintay.
"Bakit kasi pinaiwan pasasakyan namin? bulok naman pala sasakyan mo!" nagdadabog na si Iris, medyo naiinip na rin kami at kanina pa nandito.
"Malay ko ba na masisira! Ano kami, may communication each other para maitanong ko na, masisira ka ba today? Sabihin mo lang ha hindi kita gagamitin ganun?!"
Instead na mainis ako ay natawa nalang ako sa kanilang dalawa.
"Tanga kaya nga may BLOWBAGETS! Sa balikong paraan ka siguro dumaan para makakuha ng lilsensya." Pisti humagalpak na ako, di nauubusan sa rebat tong si Iris hahaha.
"Bwesit ka!" Wala na s'ya mabanat at pinaghahampas nalang si Iris, kawawa.
Itong si Ag naman chill lang nag seselpon sa gilid.
Habang nag babangayan ang dalawa ay may biglang humintong puting van, sa mismong tapat namin kaya napatigil kaming lahat.
Kinakabahan ako.
Hindi nga ako nagkamali dahil bigla nalang bumukas ang pintuan ng sasakyan at may mga lalaking naka masks ang lumabas na may dalang mga armas.
"T-takbo!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko, kaya mabilis kaming kumaripas ng takbo.
"Habulin n'yo yung pinakamatangkad sa kanila!" What the hell? Bakit nila ako gustong damputin.
Shuta! Ako ba? Mas matangkad yata si Iris sa akin pero bakit ako nga?!
Mas binilisan ko pa ang takbo pero nahuli na nila ang mga kaibigan ko. Huminto nalang din ako, kasi ako naman talaga ang kailangan nila.
"Sumama ka sa amin!" Hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ko, pero nagpumiglas ako.
"At sinong siraulo ang sasama sa inyo? Nakadrugs ba kayo?. S-sino ba kayo?!" Bulyaw ko sa kanila.
"Babe naman! Kita mo na ngang mga kidnappers tapos magtatanong ka pa kung sino sila? Seriously?" Litsi ka Kb!
Pinipilit ko ang kumawala sa kanila pero ang higpit makahawak.
"Boss paano tong tatlo?" Tanong ni maskguy1 sa leader nila.
"Pakawalan n'yo na sila. Hindi natin sila kailangan" napahinga naman ako ng maluwag, at least ako lang ang isasama nila.
"Tara na dalhin n'yo na yang babae na yan at ipasok sa sasakyan" utos nong leader nila kaya hinihila na ako nang dalawang lalaki.
Kakaladkarin na sana nila ako pero mabilis na tumakbo ang mga kaibigan ko at niyakap ako sa likod para hindi ako mahatak.
"Bitawan nyo kaibigan namin!" Sigaw ni Kb sa kanila
"Iris call the police!" Utos ko naman kay Iris kaya dali-dali n'yang kinuha ang kanyang phone at nag dial.
"Please lang, bata pa ko ako. May dragon at demonyo pa po akong uuwian" sabi ko sa mga naka mask.
"Shit!" Kaya napatingin kami kay Iris.
"May 911 ba sa pinas?" Yung kahit nasa ganitong situation na kami ay parang mga tanga parin kami.
"Ipasok n'yo na yan!" Utos ulit nong leader, pero hindi nga nila ako mahatak since nasa likod ko rin sila Kb at Ag na hinahatak rin ako. Tangena tug of war na this.
