-
"Cous! Ano na, wala ka ba balak gumising ha!? Naglakad na ang bus!" Tawag ni R sa akin mula sa labas ng kwarto.
"Okay lang yan, tatakbo nalang tayo para makahabol!" Sigaw ko pabalik sa bobong sabi n'ya.
"Umalis na kasi!" Pagtatama n'ya sa katangahan n'ya.
Gaga late na kasi kami nagising at ngayon ang araw ng team building. Ang dami na palang missed calls nila keyboard at pie,
"Ou na! Lalabas na!" Sagot ko at lumabas na ng kwarto.
Pagbukas ko ay naka busangot na mukha agad ni Donkey ang sumalubong. Sus! Pwede naman s'ya nauna nalang at iniwan ako.
"Saan pala gaganapin ang TB?" Tanong nito sa 'kin. Kumunot noo ko sa tanong dahil hindi ko rin alam kung saan!
"Hala bobo, saan ba?" Sagot ko.
She massaged her nape and then closed her eyes. Ay galit yan?
"Hindi ko rin alam e" sagot n'ya at sabay nalang kami napa-sapo sa aming noo.
"Anak nandito na mga kasama n'yo" tawag ni Mommy sa may bandang hagdanan.
Sino sinasabi n'yang kasama namin? Nagkatinginan kami ni Donkey bago bumaba. Lumiwanag agad ang mukha ko nang makita si Mommy Dragon at si Athy na kausap si Mommy sa living room.
"Mommmmyyy" tawag ko kay pie pero sabay silang napatingin ni Mommy ko sa akin. Langya nakalimutan ko, natawa nalang ako.
"Yes sweetie?" Sagot ni Mommy na mas lalo kong ikinatawa.
Napailing nalang sila Pie at Athy. Naipakilala ko na rin si Athy sa parents ko nong sunday, dumiretso na kasi kami rito sa bahay matapos namin ihatid ang mga kambal sa airport.
"Bakit nandito kayo Pie, Ath?" Tanong ko sa kanila.
"Pasensya na iha at matagal nagising 'tong dalawa" sabi ni Mommy sa dalawa.
Lumapit ako sa kanila kasunod si Donkey at binigyan ng halik sa pisngi si Mommy.
"It's okay tita" sagot nito at ngumiti, mabilis ko sya pinaningkitan ng mga mata.
"Anong tita sinasabi mo pie? Mag Mommy ka. Ang unfair mo masyado kung ako lang tatawag ng Mommy kay Mommy Irene" panunukso ko sa kanya.
Ay medyo shock ata s'ya sa sinabi ko. Bahagyang napanganga si Mommy D. Natin e, tapos ang tatlo naming kasama naka ngiti.
"Mas gusto ko yun, anak." Pagsabay ni mommy sa panunukso ko kaya mas lalo pinamulahan ng mukha si dragon. Langya sobrang pula ng mukha ni Pie at napakagat labi nalang dahil sa mga sinabi namin ng ina ko.
"Mommy fiancee ko na po si pie" mas lalo atang nahiya si Pie dahil sa sinabi ko. Ang hitsura nila Athy at RL ay gulat ang mga mukha. Ay ou nga pala si Ag at Miss Lorelei lang nakakaalam, mga marites ba naman.
"Talaga?!" Bulaslas ni mother.
"Opo, tignan n'yo may singsing na nga s'ya oh" sabi ko.
Kinuha ko ang kamay ni Pie upang ipakita ang pyesa amp haha ayaw n'ya kasi hubarin hanggat walang totoong singsing. Sweet masyado ni Mommy D. Mas lalo akong na ulol sa kanya.
Ang tatlo naman ay bigla nalang tumawa nang makita ang pyesang suot ni Pie. Langya pati ako natawa dahil sobrang pula na ng mga pisngi n'ya.
"Loko kang bata ka, bakit pyesa yan anak?" tawa-tawang saad ni Mommy at hinampas ako. Si RL naluluha na kakatawa at si Athy na kinagat nalang ang labi para hindi matawa ng tuluyan.
"Wala kasi akong pera kaya pyesa lang afford ko. Ay hindi ko pala yan binili, sa bahay lang din ni Pie yan galing" sagot ko na mas lalong ikinalakas ng tawa nila at hindi na nga kinaya ni Athy at tumawa na rin.
