CHAPTER 20

35.4K 1.2K 2.1K
                                    


-

"Bakit ganyan mukha mo? Para kang nakakita ng multo." bilis talaga makapansin ni Ag kahit wala naman akong sinasabi. Ano ba ekspresyon ng mukha ko para masabi nya yan?

"Hoy babe! Tulala ka d'yan. Anong nangyayari sayong babae ka" hindi ba s'ya pwede magsalita na hindi nanghahampas?

"Kb hampasin kaya kita nitong plato? Masakit pa naman yang hampas mo!" gusto niya try ko rin sa kanya kung paano batuhin ng plato tulag ng ginawa nong dragon sa akin.

"Oh kalma lang friend, masisira beauty ko" ganda s'ya?

"Meron ka non keyboard?" Sabat naman ni Iris

"Saan banda kb?" Segunda ni Ag.

Kawawang keyboard, lagi nalang pinagtutulungan pero kahit ginaganyan namin ay lab na lab ko yang keyboard na yan.

"Ganyan kayo? Ako lagi inaaway?" tatampo na naman.

"Shuta, di ako makapaniwala sa nakita ko kanina, liit talaga ng mundo oh." singit ko sa usapan nila bago pa lumala bardagulan ng mga to.

"Bakit, nalibot mo na ba ang mundo?" humugot ako ng malalim na hininga bago hinilot ang noo. Yung seryoso ako tapos babanata ako ng keyboard na to.

"Nandito ata ang mga Ponferrada," sabi ko at agad lumantak ng pagkain matapos mailagay sa table namin.

"Talaga?!" Excited na tanong ni Iris,

"Ou, paglabas ko ng kwarto si Zi agad bumungad sa labas ng pintuan ko. Nasa tapat lang room n'ya" sagot ko habang dumudukot ng ham.

"Seryoso?" Ou kb seryoso.

"Hindi kb joke lang yun, joke lang!" Sabay irap ko sa kanya.

"Duh."

"Maniniwala na talaga ako kayo ang tinadhana kung walang Miss Pixie na kasama nila." saad ni Iris, sana all naniniwala sa tadhana.

"Malamang wala yun, bakit naman sasama yun dito. Busy sa trabaho yun" sagot ko agad.

"Hindi natin alam, baka mamaya nandito na s'ya." Nakangising saad ni Iris.

"Oh tapos?" Ano naman kung nandito nga s'ya.

"G, makikita natin s'ya tonight." sambit ni Iris at inilapag ang blackcard. What the?!, parang alam ko na saan mapupunta tong usapan.

"Game ako d'yan, hindi s'ya kasama ng mga kambal." si Kb naman na nilapag din ang blackcard. Tangena meron sila n'yan? Ako lang ata mahirap dito.

"Bet. She'll be here tomorrow" pinagmasdan ko naman si Ag na naglapag na rin ng Blackcard n'ya. Hoy pinapamukha ba nila sa akin kung gaano ako kahirap?

"Tangena! ang dami n'yong pang-pusta, may mga blackcards pa pero kahit load wala! Really girls?" Napasapo nalang ako sa 'king noo.

"Ikaw babe, di ka sasali?" Dadamay pa ata ako sa kabalbalan nila.

"Wala akong blackcard! Memory card lang tanga." nakakahiya naman sa kanilang anak mayayaman.

"Dali, sali ka na."

"Ayoko, bahala kayo." namimilit pa to.

"Oh sige, ikaw humawak nitong cards" ay ako pinahawak. Waldasin ko nga to mamaya.

"Ge sure." Kinuha ko naman agad at pinasok sa bra ko. Baka kunin nila ulit e.

"Bakit mo pinasok sa dibdib mo! Mahuhulog yan babe!" Napakunot naman noo ko sa kanya.

"At bakit mahuhulog?" Taas kilay kong tanong.

"Flat ang mundo babe" napakunot noo naman agad ako sa sinabi n'ya.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now