-
Nagising ako dahil sa mga boses na parang nagtatalo kaya bahagya kong iminulat ang aking mga mata. Agad kong nakita ang dalawang babaeng nagtatalo na nasa may bandang paanan ko. Luminga-linga ako sa gilid at nakita kong nakaupo sa couch ang mga kaibigan ko at ang tatlong kambal.
Anong bang nangyayari? Ba't parang nagtatalo 'tong dalawang demonyetang to. Ipinikit ko nalang ulit ang aking mga mata at tahimik na nakikinig.
"Just go to your class." sabi ni Zi.
"Who are you to command me?" banat naman ni miss, hala at bakit nagtatalo silang dalawa?
"You're a professor so leave." dinaig pa nilang dalawa ang Mt.Everest sa sobrang lamig ng sagutan nila.
Ano ba problema ng mga to at nagtatalo sila? mga kaibigan ko naman at ang tatlong kambal tahimik lang na parang mga tuta sa gilid at nakikinig.
"You know the reason why I am here." rebat muli ni miss sa kanya. Hala sige mag away kayong dalawa d'yan.
"Alam nyo, kasalanan n'yo naman kaya nandito si Sj. Bakit ba kayo nagtatalo." Finally at sumingit na rin si Annallyn.
Good, pagalitan mo mga 'yan. Parang mga bata 'tong dalawang.
"Ewan ko d'yan sa kanila. Kahit naman wala tayo dito may magbabantay naman kay Sj. Hindi naman aalis tong tatlo." Si Cassandra na medyo naiirita ang boses. Naaalibadbaran na sguro s'ya sa ginagawa ng dalawang demonyong 'to.
"Bakit kasi di n'yo inawat kaibigan n'yo? alam n'yo naman pala na may allergy tapos pinabayaan n'yo lang." diin na salita ni Helari.
"Gagawin na nga namin kaso 'tong si Sj seninyasan kami na wag makialam." sagot ni Iris sa kanya, medyo na guilty ako slight.
"Ganyan na ba kayo ka sunud-sunuran sa kaibigan n'yo? kahit na alam n'yong ikapapahamak hindi n'yo pipigilan?" disappointed na sabi ni Cassandra.
"Ayaw nya lang kasi tanggihan offer ni ma'am at Ziallyn." paliwanag ni keyboard ko.
"Enough, It already happened and just be thankful that she's fine now." saway ni miss sa kanila. Tama, hindi pa naman ako mamamatay.
Ayoko na lumala pa ang sitwasyon at baka kung saan pa mapunta ang usapan tapos magsisihan pa sila kaya nag desisyon na akong magmulat ng mga mata.
"Ingay n'yo naman po." reklamo ko agad sa kanila. Totoo naman kasi, ang iingay nila. Payapa akong natutulog tapos dito pa sila magtatalo.
"Babeee!" agad na tumayo si Kb at ang mga kaibigan ko nang makita na nagising na ako.
Halos masakal na ako dahil sa mahigpit na yakap no keyboard sa leeg ko.
"Hoy keyboard magtigil ka nga! hindi makahinga si Sj!" singhal ni Iris at hinatak ito palayo.
Tinignan ko naman ang dalawang babaeng nasa paanan ko na ngayon ay tahimik akong pinagmamasdan. Nakita ko naman ang bakas ng pag-aalala sa kanilang mga mata.
"May masakit ba sayo?" Ag asked worriedly.
"Hindi, okay na 'ko medyo masakit lang ang ulo ko." agad na sagot ko.
"Pwede?" nagtataka naman silang lahat na naghihintay sa sasabihin ko.
"Ano gusto mo kape? Sge bibilhan kita." Naks parang kanina lang ayaw na ayaw nya 'kong uminom ng kape.
"Pwede umalis muna kayo?"
pakiusap ko sa kanila. Alam ko kasi na may gustong sabihin 'tong dalawang babae na tahimik lang.
Nagkatinginan naman silang tatlo at tumango. Nakita ko naman na tumango si Ziallyn sa mga kapatid n'ya kaya sumunod narin silang lumabas.
