CHAPTER 31

42K 1.2K 3.8K
                                    


-

Inuwi ko ng bahay si miss Kathlyn dahil tuluyan itong nawalan ng malay kanina. Hinanap ko kaagad ang pinsan ko pag-uwi pero wala sya at hindi ko alam kung saan pa gumala ang babaeng yun. Pinilit ko narin ang sarili na bihisan si ma'am dahil sa sobrang basa ng damit at ngayon inaapoy ng lagnat.

Anong problema at balak nyang gawin kanina? Mag aalas-nuwebe na ngunit nanatili parin ako sa kanyang tabi dahil baka biglang magising at magtaka sya. Sinubukan kong tawagan si pie pero hindi naman sumasagot sa lahat ng calls ko.

Ngayon ko lang napagmasdan ng malapitan si Kathlyn pero may hawig talaga s'ya kay Pie. Diba magkaibigan sila?

Kahit talaga anong pilit kong isipin ay hindi ko talaga sya maalala o baka nagkakamali lang ito at napagkamalan ako? Thankfully ay hapon pa schedule ko bukas kaya okay lang mapuyat tonight.

"Ara"
Sambit nito.

"Miss, okay ka lang?" Tawag ko sa kanya, ang tanga naman nong tanong ko kahit obvious namang hindi sya okay.

Nananaginip yata?

"I've been.." I can tell she's having a nightmare base sa ekspresyon ng mukha n'ya.

"There for you.." tahimik ko lang s'yang pinagmamasdan at hinawakan ang noo. Mainit parin ito, kaya nilagyan ko na ng bimpo.

"Since day one.." nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya, ano ba napanaginipan nito?

"You..l-" Hindi n'ya naituloy ang sasabihin. Mahimbing na ulit itong natutulog. Nakatulong ata yung  bimpo na nilagay ko sa noo n'ya.

Biglang tumunog sikmura ko, shuta at di pa nga pala ako kumakain ng hapunan. Mabilis kong inayos ang comforter para mas maging comfortable ito bago lumabas ng kwarto. Total magluluto naman ako ay ipagluluto ko nalang din si ma'am ng sopas para may makain sya kaagad mamaya pag gising.

Noodles lang niluto ko sa sarili at para maipagluto ko kaagad si miss Kath, habang nagluluto ay muli kong sinubukan tawagan si pie pero ganun parin at hindi ko ito ma contact. Bakit kung kailan kailangan ko ay wala sya? Anong oras na rin at mukhang pagod yun kanina kaya baka natutulog na.

Matapos magluto at kumain ay bumalik agad ako ng kwarto dala-dala ang niluto kong sopas. Nagulat ako pagpasok dahil gising na si ma'am at nakasandal sa headboard.

"Ma'am," tawag ko, nasa kabiling side kasi sya nakatingin at medyo gulat pa ito nang makita akong palapit sa kanya.

"Mabuti gising ka na, pinagluto kita ng sopas kaya kainin mo na habang mainit pa." Tuloy-tuloy kong lakad hanggang sa tuluyan makalapit sa kanya at itinabi ang tray.

"Bakit nandito ako?" Tumango lang ako at sinuri ang kanyang noo gamit ang palad ko, mainit parin sya.

"Nawalan ka ng malay kanina kaya inuwi na kita sa bahay namin. Hindi ko naman alam kung saan ka nakatira, hindi ko rin ma contact si pie," bahagya syang yumuko. Narinig kong parang may binubulong sya sa sarili pero hindi ko naman maintindihan.

Lumipat ako sa gilid ng kama at hinarap sya, naalala ko yung mga sinabi nya kanina habang tulog sya.

"Miss, who is Ara?" Tanong ko kaya napaangat naman sya ng paningin sa mukha ko. Yung mga mata nya parang may gusto alamin na sagot? May gusto syang itanong pero tila nagdadalawang isip.

"Ma'am-"

"What would you do if someone stole your loved one away from you?" Di agad gumana utak ko sa naging tanong nya. Ibig ba sabihin may umagaw sa taong mahal nya?

"Wait ma'am, di gumana utak ko." Sagot ko.

Umiling siya at tipid ngumiti. "Nevermind. It was just a random question."

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now