CHAPTER 36

46K 1.4K 2.6K
                                        


-

Sabog kaming lahat na pumasok ng school dahil walang tulog. As in literal na wala kaming tulog dahil binantayan namin ang mga dragon habang natutulog. Kami naman ay abala kaka-paypay sa kanila at taboy ng mga lamok! Sanaol nakatulog.

6am na bumalik ang kuryente at nakalimutan namin may pasok pala kami 7am. Major subject pa walangya, literal mga walking zombies kami ngayon habang naglalakad patungong classroom.

"Naknampucha, sakit ng ulo ko!" Reklamo ni Iris habang hinihilot ang ulo.

Si keyboard naman ay naka sampa ang ulo nito sa balikat ko't nakayakap sa bewang ko habang nakapikit na naglalakad. Kawawang keyboard pagod na pagod.

Ang dami ba naman naming ginawa kahapon. First na detention, pangalawa nag escape room, pangatlo nilibot ang lugar para lang mag hanap ng barbecue, fourth nag ice skating then lastly nag bar. Pero sulit din naman dahil enjoy na enjoy kami.

Sobrang bigat ng mga mata ko at gusto na talaga pumikit pero nilalabanan ko lang. Dapat hindi kami papasok today e pero hindi pwede at pagagalitan kami nila pie,

"Sj!" Tawag mula sa likuran namin kaya nilingon ko.

Ay si Bogart lang pala.

"Bakit?" Tanong ko at pilit parin nilalabanan ang antok.

"Grabe kayo, trending na naman kayo sa campus dahil sa post ni Iris kaninang madaling araw" pag uulat nito sa akin at talagang nakangiti pa s'ya?

Napahilot ako sa gilid ng aking mga mata dahil sa sinabi nya, nakalimutan ko ang bagay na yun.

"Para kayong mga patay na apat. Hangover pa more" pang-aasar n'ya, sampalin ko na ba? Masakit pa naman mga ulo namin.

"Bogart shut the fuck up. You're so damn annoying early in the morning" kakaiba ang keyboard pag walang sapat na tulog bigla nalang magsasalita ng dollar.

"Patay talaga kayo n'yan, major pa naman unang subject tod-ano ba!" Hindi na naituloy ni bogart ang sasabihin dahil tinabig ni keyboard ang mukha n'ya amp.

"Lumayas ka na nga! Naiirita ako sa mukha mo" Aga naman manggigil ni keyboard.

"Kung hindi ka lalayas, kami ang aalis" sabi bi Iris ay ou nga no pwede naman kami nalang ang umalis boploks, mga lutang nga.

Kailangan ata namin ng mga kape pero hindi na kakayanin dahil mahuhuli na kami sa klase kung pupunta pa kaming cafeteria. Hindi pa man kami nakakalayo mula kay bogart ay nasalubong namin ang mga kambal na ngayon ay parang badtrip din ata? Bakit naman ata ang cold ng mga awrahan nila.

"Good morning kambals" Bati ko agad sa kanila noong paakyat na kami ng hagdanan.

"Morning" malamig na sagot ni Zi. Grabe naman balik na ulit s'ya sa pagiging cold.

"Keyboard akyat na tay-"

"Ayshhughh" ang bobo sasabihin ko pa sana na paakyat na ng hadgan hindi na angat ang paa at natapilok na naman kaya napasubsub sa hagdanan.

"Ano ba keyboard! Lage ka nalang ganyan. Lampayatot!" Aga mang asar nitong Iris pero tinulungan na namin agad, kawawa naman ang 🐒.

"Bwesit ka! Gusto ko na matulog!" Singhal ni keybold at bumalik ulit sa sa akin.

"Kamusta naman ang gimik n'yo kagabi sa kabilang city, masaya ba?" Annallyn said coldly. Hala bakit naman ganito rin 'tong si Anna.

"Luh pano n'yo alam?" Tanong ko.

"Malamang may mata kami!" Iritadong sagot ni Helari at nilampasan na kami. What's with their sudden attitude?

"Sa tapat talaga kayo ng police station nagkalat?" Ano meron sa tanong ni Cassandra? Awtomatikong napalingon kaming apat sa kanila dahil sa sinabi nito. Paano nila nalaman ang nangyari sa police station!? Alam din nilang mga dragon sumundo sa amin?

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now