Warning!!!⚠️
Light laplapan, dilaan, ungulan, ay ay ay.
-
Matapos ang iyakan namin kanina ni Zi ay nagpasya kaming umuwi. Nilabas namin ang mga saluubin naming dalawa. Ihahatid pa nya sana ako pero sabi ko mag ta-taxi nalang. Alam ko naman pagod na sya sa kakaiyak at ayaw ko ng dagdagan pa ang bigat sa kanyang dibdib.
Matutulog na sana ako nang biglang tumawag si RL. Hindi pa pala nakakauwi tong gagang to?
"Cous! Where are you?"
"House" sagot ko.
"Please punta ka rito sa sekong ata to, alam mo ba to?"Tanong n'ya, bakit anong meron sa sekong at anong oras na. Papasundo ba s'ya?
"Yes I know, why?"Tanong ko.
"Please punta ka rito, hindi ko na alam ang gagawin kay Pie. She saw you earlier together with Ziallyn sa seaside, crying and hugging each other!"napabalikwas naman ako sa sinabi n'ya.
"Nandyan ba si Niks?"
"Yes, kausap si pie now."
"Okay, I'll be there." sagot ko at agad na pinatay ang tawag saka nagmadaling umalis.
Nakita niya kami ni Ziallyn? Kung ganun nandun siya kasama si R? Baka inisip nya may relasyon kami ni Ziallyn dahil sa nakita kanina. Thankfully, wala masyado mga sasakyan at hindi na busy ang kalsada, kaya imbes na abutin ng isang oras ay baka kalahating oras lang marating ko na ang sekong.
Ano kaya iniisip ni pie ngayon? Ano kaya matatanggap ko mula sa kanya ngayon? Okay lang naman kung sampal-sampalin nya ako dahil deserve ko yun, pero sana mapag-usapan pa namin bago mahuli ang lahat.
*
*FLASHBACK*
"When are you going to tell her?" tanong ng pinsan ko habang nasa kalagitnaan ng hapunan. Hindi ko alam kung saan ulit nag explore parents ko. I don't know kung saang lupalop na naman sila gumala.
"Soon, I just want to fix something. Please pakibantayan muna s'ya" hindi na rin ako makapaghintay, pero gusto ko muna ayusin ang kay Zi.
"Hays okay but please dont take it too long. Sobrang nahihirapan na si Pie. Umiiyak na naman kanina" tinutukoy n'ya yung hinatak s'ya nito palayo sa akin, doon sa sekong.
"Yes, don't worry. Just give me a little more time" I said and smiled.
"Gosh! Ginagawa mo pa akong babysitter!" iritado nyang salita kaya mahina akong natawa.
"Sorry cous, she's also your friend R. Please help me with this hmm?" I pleaded.
"Kailan mo pa naalala?" Tanong n'ya
"Hmmm recently lang"
"Okay fine."
*
"You saw us earlier, right?" Biglang tanong nya nang makarating kami sa bahay galing school.
"Yeah, you saw me?"
"Hmm, hindi lang ako, Pie also saw you together with Ziallyn" tumango nalang ako sa kanya.
"I'm going to meet her tonight, magpapasama raw at hindi ko alam kung saan." she said
