CHAPTER 23

40.8K 1.5K 4.9K
                                        

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

"Cut!!!"

"Cut!!!" Sigaw ni Keyboard habang nagtatalon, s'ya daw director namin e. Sige nalang.

"Ano na babe wala kang balak tumayo d'yan sa daan ha?! Ubos na ang tubig sa water truck." Itong si kb, hindi na talaga ako tinantanan kakatalak.

"Woooooooo!" Palakpakan ng mga kaibigan namin.

"Hoy! Pwede ka na mag artista Sj!" Sigaw ni Iris habang tumatakbo palapit sa amin.

"Hoy! Tumayo ka na gaga ka!" Tawag na naman ni Kb sa akin" langya ang sarap pala humandusay dito sa daan habang nauulanan kuno.

"Kb aray, makahila ka naman! Tampalin kita nitong hose!" Makahila parang naghihila lang ng bata e.

"Tangena ang ganda nitong plot twist ha! Pasalamat nalang talaga tayo sa mga Ponferrada at pumayag silang idamay sila sa kagagahan natin" natatawang saad ni Iris na ngayon ay tinutulungan akong ayusin ang sarili.

Nagtataka ba kayo anong ginawa namin? Nasa daan lang naman kami at nag shooting para sa isang scene. Sumali kasi kami sa contest event ng theater club para sa susunod na play nila this second sem.

Last month pa na post at nalaman ng mga bruha kong kaibigan last week, kaya't sabi nila ay sumali kami at ang gawin namin ay 'yong story na ginawa ko.

Buti nga at napapayag ko rin tong dragon at demonyo e. At first ay ayaw nila, alam n'yo naman ang mga malditang 'yon. Pero dahil sa makulit ako at ayaw ko silang tantanan ay napapayag ko rin naman sila.

Ang story kasi ng ginawa ko is about trust and betrayal, it's actually a complicated love story. Naisip ko rin 'yong usapan namin ni Zi that night sa resort kaya isinama ko na. Pero dahil medyo nahirapan akong isipin kung anong klasing betrayal. Ang ginawa ko nalang ay isang babae na pinagpustahan ng dalawang babae na mahalaga sa buhay n'ya.

Kaya ayun, naisip ko idamay si dragon since bagay naman sa kanya 'yong role na gagampanan n'ya. Haha nausok pa nga ilong n'ya nong sabi ko about betrayal at ang e po-portray n'ya ay isa sa mga nag taksil at nanloko. At syempre ako 'yong bida at sila dalawa ni Zi ang nagtaksil sa 'kin. Purr 🙈

Lahat ng nangyari kanina ay scripted lang lahat para sa ginagawa naming shoot.

"Gago wala panalo na to! Sobrang makatotohanan tong ginawa natin ang gastos natin!" Singit naman ni Iris.

"Sus pera lang yan, ang mahalaga nag eenjoy tayo bobo!" Hampas na naman ang natanggap n'ya kay kb.

"Pwede na pala tayo gumawa sariling movie natin e. Patok to sure ako d'yan, dagdag mo pa si dragon at demonyo kasali rin ar-- pisti ka Kb! Ikaw saksakin ko nitong hose e!" Langya talaga tong dalawang to.

Ang dami ko palang fake blood sa damit ko, nanlalamig na rin ako. Iba talaga hangin pag pasko.

December 21 palang ngayon guys, wag kayo malito. Nilagay ko kasi doon sa story ko dec 24 para dama talaga ang sakit charot. Pero totoo 'yong nakalagay sa script na sa 24 talaga birthday ko.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now