CHAPTER 25

41.8K 1.5K 3.4K
                                        


-

Pasukan na ulit, nakakalungkot lang kasi hindi na namin kasama sa block ang Quadruplets. Kung hindi ba naman kami tatanga-tanga, last hour na nakapag-enroll at full na block nila Zi kaya itinapon kami sa last block shuta.

"Anong subject ngayon? May lecture na ba? Wala?" Bunganga ni Kb, tanong n'ya sagot din n'ya.

"Aba malay ko." Sagot ko

"Guys, tara cafeteria." tawag ni Iris mula sa labas ng room, ginawa na talaga naming tambayan ang cafeteria.

"May klase, bobo." sweet talaga ni keyboard.

"Walang pasok sa strategic"

"Ay shuta bakit wala? Ano pa hinihintay natin? Sibat na us." wala naman palang pasok, ano pa ginagawa namin dito. Ano ba to at unang araw ng 2nd sem walang pasok, kailangan na ipasara ang paaralan na to.

"Saan tayo pupunta? Akala ko ba sa cafeteria?" nagtaka si keyboard dahil ibang daan ang tinatahak namin instead na daan patungong cafe.

"Susunduin si RL," sagot ko sa kanya, may chat kasi sa akin yun kanina.

"May pasok yun!" Hampasan ng hampas tong keyboard. Magdadala na talaga ako ng bat sa susunod.

"Di naman nag-aaral yun, sus!" ou at may punto si Iris, di talaga mahilig mag-aral babaeng yun kahit noon pa man.

"Pwede kayo gumawa ng paraan para ma excuse sya." suggestion ni Ag, galing naman ng friend ko na yarn.

"Ay good behavior yan. Tara tara!" Mas nauna pa ang keyboard naglakad sa amin. Excited yarn?

Sumugod kami sa department building nito at umakyat ng 5th floor, nakailang silip na kami ng rooms pero hindi ko makitanl ang pagmumukha nito kahit saan!

"Pumasok ba si R, ha? babe?" pang apat na tanong na rin ni keyboard to sa akin, kada room na madaanan namin tinatanong ako kung pumasok ba, apat na beses narin ako panay ng sagot sa kanya!

"Ou, baka nasa last room." sabi ko at nauna sa kanila.

Sa huling room, pagsilip ko sa loob ay nakita ko ang aking pinsan na nasa pinakadulo at malapit sa bintana. Nandito lang pala at hindi man lang kami sinabihan.

"Ayun si R," bulong ko sa tatlo.

"Gorabels na babe."

Tumikhim ako at kumatok kaya napahinto sa pagtuturo ang guro at ngayon nasa akin ang atensyon nilang lahat.

"Yes?" tanong ng magandang professor na hindi ko kilala, shuta meron pa palang katulad ni dragon na professor sa school na to?

"Miss sunduin lang po namin si RL" si Iris na ang sumagot.

"RL? and why?" Taas kilay nitong sagot. Hala maldita si Miss.

"Ayun po o. Yung magandang babae na malapit sa bintana" turo ni Kb kay Rl na ngayon ay nakangisi na. Alam na ata n'ya reason kung bakit kami nandito.

"Why?" malamig nyang tanong, oooooof.

"Emergency po, sinugod sa hospital yung kapatid n'ya" reason ni Kb na ikinagulat ko, tangena kailan pa may kapatid ang pinsan ko?

"Vequezo, you may go now" ay wow si Miss naniwala nga.

Mabilis na inayos ng pinsan ko ang mga gamit at lumabas ng classroom. Bago pa magduda ang professor ay nagpasalamat na kami at agad nagpaalam sa kanya.

"Mga kalokohan nyo! Wala kayong pasok? sana all." nakangiting saad nito sa amin.

"Wala, kaya ka nga namin sinundo" sagot ko. Damay-damay na to.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now