-"Saan kayo nag date kahapon babe?" Pambubulabog ni keyboard sa akin.
Sa dami namin dito sa classroom ako pa talaga pinaayos nitong mga activity papers na to. Sarap lang pagpupunitin, tapos nandito na naman tong keyboard at binubulabog ako.
Dumiretso na kami sa bahay kagabi ni dragon, nagkita na ulit sila ng parents ko. Hindi ko nga alam kung ako ba talaga ang anak nila o si Pixie dahil sa sobrang sweet ng parents ko sa kanya, baka talaga s'ya ang anak at ako ang adopted. Sobrang close n'ya sa parents ko lalo na sa mom ko.
Sabay na kaming lahat nag dinner at nagsimula mag kwento si Mommy sa mga nangyari at inamin din n'ya sa amin na nakipagkita ang mommy ni Pixie sa kanila ni Daddy at humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa nito. Pero hindi ko parin alam ang reason kung bakit n'ya kami inilayo sa isa't-isa.
"Hoy babe!"
Isa pa tong mga kaibigan ko ang kakapal ng mga mukha sinagad na ata nila ang cc na binigay sa kanila ni dragon. Wala na ata sila balak ibalik.
"Babe!!"
"Where are the 3 idiots.?" Simula nag start ang second sem lage nalang nawawala agad ang tatlong bruha. Sino at ano ang mga pinagkakaabalahan nila.
"Alam mo na ba ang balita?" Saklap talaga pag nagtanong ka tapos sasagutin ka rin ng tanong.
Natigilan ako sa ginagawa dahil sa kanyang sinabi, anong chismis dala nya?
"Spill." Sabi ko at huminga ng malalim, konti nalang itatapon ko na tong nga papel.
"Aalis mga kambal." Mabilis nagsalubong ang mga kilay ko. Anong ibig nyang sabihin na aalis ang mga kambal?
Which? Sa daming Ponferrada sino sa apat, syempre hindi kasama si Dragon sa choices for sure.
"Sino?"
"Helari, Cassandra at Annallyn." Lumungkot bigla pagkabanggit ng pangalan ni Annallyn ah. Napaisip ako bigla. Aalis? Saan tutungo? Iiwanan nila ang demonyo? Kakasimula palang ng semester aalis na sila?
"Saan?"
"States" she sounds disappointed. May crush kasi tong si keyboard kay Annallyn kahit ayaw n'ya aminin.
"Ha? Bakit daw?"
"Hindi ko alam, tanong mo nalang sila mamaya. Basta narinig ko lang din yan sa mga ka block nila." Daig pa ata n'ya broken hearted sa hitsura n'ya ngayon.
Naalala ko pala may mga papel pa ako na dapat ihatid sa office. Kaya minadali ko na ang pag-aayos, inutos ba naman sa akin na e separate ang girls and boys na mga papel. Hindi ko alam may gender na pala ang papel charot. Kinailangan ko pa tuloy hingin ang list of students sa block na to.
"Oh lungkot mo naman, wag ka mag-alala wala ka rin naman pag-asa kay Annallyn." Sagot ko sa kanya at nagpatuloy lang sa ginagawa.
"What?!" Nag angat ako ng ulo at nakita ang gulat sa kanyang mukha, tila naguguluhan at ayaw maniwala. This dumb keyboard.
I heaved a sigh.
"She's in relationship. Di mo ba alam?", Taas kilay kong salubong sa tingin n'ya.
Nagulat din ako kagabi nong sabihin ni pie jowa ni Annallyn yung nakita naming kasama nito kagabi. Ang keyboard naging bato na ata sa kinatatayuan at hindi nakasagot. Nakanganga at tulala nalang si ateng.
"Ano na keyboard? Para kang tuod d'yan. Okay lang yan, malay mo nasa paligid lang pala ang para sayo." Sabi ko at tumayo na, finally at after a year ay natapos ko rin ang ginagawa.
Wala na talaga, yatap na. Nilipad na ata kaluluwa nya dahil hindi na sumasagot at tulala lang. "Ano na keyboard? D'yan ka nalang ba? Una na ako sayo bahala ka." sabi ko at iniwanan na syang mag-isa sa classroom. Wala ata plano bumalik kaluluwa nito sa katawan.