-Kasalukuyan kong hinahanap ang mga kaibigan, naghiwalay na kasi kami ng landas ni dragon pagbalik namin ng campus dahil may kailangan siya tapusin na trabaho. Kita mo yun, kahit sa ganitong event trabaho parin nasa isipan niya. Tsk, kanina pa ako palibot-libot pero hindi ko makita ang mga alaga ko, wala rin naman sumasagot sa kanila ng message ko sa groupchat.
Mag-sosolo nalang ako, bahala sila at mas mabuting di ko sila kasama para payapa ang mundo ko. Nagtungo nalang ako sa area1 kung saan naka puwesto ang booth ng mga pagkain. Ang dami kong bitbit sa magkabilang kamay ko, at puno rin ng mga pagkain ang aking habang patuloy sa pagtingin ng iba pang pwede ko kainin.
"Hmm, hmm," tawag ko sa tindera at itinuro ang gusto ko bilhin.
"Ikaw po lahat kakain ma'am?" tumango lang ako dahil hirap ako sa pagsasalita.
"Ilan po bibilhin mo?" napatingin ako sa mga kamay at hindi ko naman maipakita sa kanya kung ilang dahil marami akong hawak.
"Ja," natuwa ako nang makita si Ziallyn na sumulpot sa aking gilid, mabilis ko inabot sa kanya ang mga pagkain ko upang ipahawak saglit.
"Limang hotdog bibilhin ko." sabi ko sa nagbabantay bago muli kinuha kay Ziallyn ang mga pagkain.
She looked at me in disbelief bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Are you serious? Mauubos mo ba lahat yan ng mag-isa?" itinaas ko ang mga kilay at tumango ng ilang beses sa kanya.
"Gusto mo? bili ka jan oh, masarap yung burger nila." sabi ko, wala ako plano mag share ng pagkain at marami naman siyang pera eh.
"But I want the one na kinakain mo." sagot niya sa akin at itinuro ang burger na may kagat ko. Pilit kong nilunok ang pagkain at uminom ng drinks bago siya binalingan.
"Ito? Gusto mo? May kagat ko na, order ka nalang jan oh." sabi ko, hindi naman sa nagdadamot pero slight lang.
"So? Kinain mo nga ang may kagat ko?" ay naalala niya pala yung ginawa kong pag-agaw ng burger. Sige nalang nga, ibigay nalang natin at baka magtampo pa.
"Okay, tikman mo, masarap." agad siyang kumagat at tumango makalipas ang ilang segundo.
"Diba? Kaya kung gusto mo pa, bili ka hehe." wala na ako balak ibigay isang burger ko eh, tapos paubos na pera ko.
"Ma'am, limang hotdog nyo po." iba na talaga tong isipan ko, kung ano nalang ang masasamang pumapasok. Pagkatapos magbayad ay umalis na ako pero napansin kong nakasunod si Ziallyn kaya tumigil din.
"Saan ka punta?" tanong ko.
"Following you?" anong dahilan at sinusundan niya ako. "Why? Do you have a date with Pixie?" nag-iba agad tono niya pag bigkas ng pangalan ni ma'am eh.
"Wala? Hindi ko nga alam kung nasaan si ma'am ngayon eh." sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad katabi niya.
"I shouldn't have left yesterday, I wasn't planning on losing, but I was called by grandpa." bakit nagpapaliwanag siya? pero hello? hindi naman kailangan gumastos ng malaking pera para lang sa date. Sus, isang invitation lang sa akin payag agad ako eh.
"Nag aaksaya lang kayo ng pera, kung sana binili nyo nalang ng pagkain ko yun matutuwa pa ako ng bongga." sermon ko sa kanya bago kumagat sa aking malaki at masarap na hotdog.
"Gusto mo hotdog?" binigay ko sa kanya ang isang stick, share ko nalang din dahil mukhang gutom siya kasi agad naubos ang burger.
"Drinks." what? pati ba naman softdrinks ko gusto niya kunin, hays.
"Wag mo ubusin ha, tirhan mo ko." sabi ko bago ito ibigay.
"So, when's your date with Pixie?" balik na naman siya sa topic na yan.
![](https://img.wattpad.com/cover/304089948-288-k517167.jpg)